Namomobrelama ba tayong mga parents para sa solusyon sa ating mga pasaway na anak?
Imahe mula sa | pexels.com
Hindi maiiwasan na habang naaabot ng ating mga anak ang kanilang development and milestones na mag-explore, makipagkilala sa ibang bata. Kasama na dito ang unawain at i-recognize ang iba’t ibang bagay at tao sa kanilang paligid.
Kaakibat ng paglaki ng ating mga anak ay ang pag-develop ng kanilang behavior. At ang pagiging pasaway ay hindi na bagong salita sa pagpapalaki ng anak.
Pasaway ba ang anak mo?
Imahe mula sa | pexels.com
Isa sa mga bahagi ng paglagi ng ating mga anak ay ang exploration at pagkilala sa sarili. Sa psycholosocial theory ni Erik Erikson, ang development ng bata ay nakaayon din sa social stages na kanilang dinadaanan. Bahagi na nito ang trust vs. mistrust, autonomy vs. shame and doubt, hanggang sa identity vs. role confusion.
Sa tulong ni Erikson, kinikilala ng ating mga psychologist ngayon na may factor ang social environment ng mga bata sa pagkilala at pag-unawa ng kanilang sarili, maging mga napupulot na behavior.
Kung kaya, malaking bahagi na magabayan ng buong pamilya ang anak. Kasabay ng pag-e-explore nila habang lumalaki ay ang pagiging pasaway. Nagiging normal na ito hanggang sa umabot sa teenage ang ating mga anak.
Pero, normal nga ba talaga na maging pasaway ang bata? O may solusyon ba para dito?
Solusyon sa pasaway na anak
Ayon kay Jose Szapocznik, professor ng psychiatry and behavioral science, nakakakuha ng suporta sa kanilang anti-social behavior ang ating mga anak sa ibang bata. Nangyayari ito kapag mas napapabayaan natin ang ating anak na mas nakakasama at katuwang ang kanilang kaibigan.
Imahe mula sa | pexels.com
Mula sa na-i-publish na aklat ni Dr. Szapocznik, may solusyon para sa pasaway na anak. Batay dito, sa pamamagitan ng 8 to 12 weeks na short round ng family counseling at therapy, mas mauunawaan ang behavior ng bawat miyembro ng pamilya.
Bunga nito, mas maalalaman at mabibigyan ng solusyon ang pinanggagalingan ng ating pasaway na anak. Dahil sa mga isinagawang family therapy sessions sa kanilang lugar, nagkaroon ng benepisyo lalo na ang mga kabataang sumailalim sa treatment mula sa social aggression.
Tandaan
Mahalaga na ang bawat anak ay mas magkaroon ng koneksyon sa kanilang pamilya. Dito maaaring magsimula ang gabay sa pagkakaroon ng tamang behavior. Mas maiintindihan din natin ang ating mga anak, at ang ating sarili bilang magulang nila.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!