X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Paano ipaparamdam ang equal treatment sa iyong mga anak

5 min read

Tips to avoid favoritism: Bilang isang anak, nakaramdam ka na ba ng parang hindi pantay na pagtingin ng mga magulang mo sa inyong magkakapatid? Bilang isang magulang naman, naramdaman mo ba na hindi mo na nababalanse ang pakikitungo mo sa iyong mga anak?

tips-to-avoid-favoritism

Photo: Unsplash

 

Kadalasang nagiging problema ng pamilya ay kapag nakakaramdam ang anak nila ng hindi pantay na pakikitungo sa kanila ng mga magulang. Nagsisimula ito kapag mas pinaboran ng nanay ang bunsong kapatid o kaya naman pinagalitan ang panganay na kapatid kahit ang may kasalanan ay ang bunso. Ano ang ginawa mo para dito? Nagsalita ka ba na nasaktan ka?

Ayon sa Psychology Today, ang favoritism ay hindi talaga maiiwasan sa isang pamilya. Merong tatlong kadahilanan para dito; kasarian, ang posisyon sa pamilya at katangian na kapareha sa magulang.

Kasarian

Ayon sa pag-aaral, isa sa malaking factor ng favoritism ay ang kasarian ng anak. Kadalasan sa pamilya, ang nagiging paborito raw ng tatay ay ang bunsong babae samantalang ang nanay naman ay ang mga panganay na lalaki. Kahit na sa una ay hindi maiiwasan ang ganito, sa huli pa rin ay nagsisimulang maging close ang nanay sa mga anak niyang babae kesa sa mga anak niyang lalaki. Dahil na rin siguro na pareho sila ng emotional sensitivity.

Katangian na minana sa magulang

Bukod sa kasarian ng mga anak, isang factor din ng favoritism ay ang pagkakapareha ng ugali ng anak sa magulang. Sa Pilipinas, naging kasabihan na kung sino ang kamukha ng magulang, siya ang nagiging paborito.

Posisyon sa pamilya

Isa sa pinaka common na dahilan ng favoritism ay ang posisyon sa pamilya ng isang anak. Katulad na lang, kapag panganay ang anak. Dito lahat napupunta ang atensyon. Dahil nga panganay, ang pinakamatanda sa mga anak, siya agad ang napapansin. Sa kanya nag i-invest nang malaki ang kanyang mga magulang dahil na rin sa kasabay nitong responsibilidad sa pamilya. Katulad na lang kapag sa usapang pag-aaral, i-eenroll siya sa magandang paaralan para nama’y maganda ang mga taong gugugulin nito sa pag-aaral at madaming makahanp ng trabaho. Sa gayon ay may makakatulong ang magulang nito.

Ngunit ang bunso ay maaaring maging favorite rin ng pamilya. Dahil nga’y bunso, ang minset ng mga magulang ay ‘baby’ lagi ito at hindi kaya ng walang ibang katulong. Nandyan ang pagiging overprotective kay bunso. O pwede naman na binibigay lahat ng gusto ng anak. Kadalasan silang nagiging paborito ng mga magulang dahil sila ang nahuhuling mag-asawa. Siya ang natitira sa bahay pagkatapos bumukod ng mga kapatid niyang mas matanda.

Sa ganitong pagkakataon, ang gitnang anak ang nagiging dehado. Hindi ganun kalakas o kadami ang binibigay na atensyon sa kanyang mga magulang kung ihahambing mo sa ibang pamilya nito.

tips-to-avoid-favoritism

Photo: Unsplash

Long term effect ng favoritism sa bata

Ang favoritism na ito ay kadalasang nagsisimula sa kabataan ng bata at nadadala nila hanggang sa paglaki. Kaya ang consequence nito? Lumalayo ang loob ng bata sa magulang o kaya’y nagtatanim ng sama ng loob.

“It doesn’t matter whether you’re the chosen child or not, the perception of unequal treatment has damaging effects for all siblings,” —Dr. Karl Pillemer, Ph.D., Director of the Cornell Institute for Translational Research on Aging

Isa sa epekto ng ng favoritism sa bata ay ang pagbaba ng kanyang self-esteem. Sa murang edad pa lamang niya ay makakaramdam na agad siya ng feeling ng rejection. Ang madaling pagsuko sa bata ay dala na lamang ng pakiramdam niya na hindi siya ganun kahalaga. Maaaring madadala niya ito hanggang sa paglaki at maapektuhan ang kanyang pagkatao.

Tips to avoid favoritism in a family

Gaya ng nasabi sa pag-aaral, hindi talaga maiiwasan ang favoritism sa pamilya. Ngunit maaaring may may magawa ang mga magulang dito.

  • Maging pantay sa lahat ng kanilang kailangan. Punan ang bawat pangangailangan ng mga anak. I-siguro lang na balance ito at walang sumusobra at walang nagkukulang.
  • Bigyan ng compliment ang lahat ng anak. Mas nagiging inspired ang mga anak mo kapag nakakarinig ng mga uplifting words or papuri ang mga ito lalo na kung manggagaling sa kanyang mga magulang. Mas nararamdaman kasi nila na may mga tao palang nakakaintindi at nagtitiwala sa kanila. Ito din ay para maiwasan ang posibleng inggitan sa loob  ng pamilya.
  • Intindihin ang panig ng bawat isa. Kung may hindi pagkakaintindihan sa pamilya, mabuting pakinggan muna ang bawat side ng ng anak.
  • Patibayin ang samahan ng isa’t-isa. Mag-bonding hanggat kaya.
  • Kung kailangan mong magsabi ng ‘hindi’ sa isang anak mo, ipa-intindi mo sa kanya kung bakit ito ang naging desisyon mo.
tips-to-avoid-favoritism

Photo: Unsplash

“Sibling bonds are so important. They are crucial as parents age, and if siblings are all the family each other have, it can be one of the strongest and longest bonds in life. By playing favorites, there’s the potential to undermine that bond, and have siblings who are wary of one another, cautious around each other, and, in the worst case scenario, dislike each other.”

-Dr. Newman

SOURCE: Psychology Today

BASAHIN: 13 paraan upang hindi magkaroon ng sibling rivalry ang iyong mga anak , Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang? , Studies reveal parents do have a favorite child

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Paano ipaparamdam ang equal treatment sa iyong mga anak
Share:
  • If you want to sleep better at night, avoid these 7 kinds of foods

    If you want to sleep better at night, avoid these 7 kinds of foods

  • LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak

    LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • If you want to sleep better at night, avoid these 7 kinds of foods

    If you want to sleep better at night, avoid these 7 kinds of foods

  • LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak

    LIST: Mga shampoo para sa naglalagas na buhok pagkatapos manganak

  • Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

    Batang magalang: Anong gagawin mo para 'di s'ya lumaking suwail?

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.