TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Traffic pinabababa performance ng mga bata sa school, ayon sa isang study

4 min read
Traffic pinabababa performance ng mga bata sa school, ayon sa isang study

Dahil sa ingay ng traffic, nalaman na nakaapekto ito sa focus ng mga bata.

Stressful naman talaga ang traffic sa commuters, pero alam mo bang ayon sa mga eksperto nakaaapekto rin daw ito sa pag-aaral ng mga bata?

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Traffic nakaaapekto pati sa pag-aaral ng mga bata, ayon sa research
  • Paano ihahanda ang anak sa nalalapit na face to face classes?

Traffic nakaaapekto pati sa pag-aaral ng mga bata, ayon sa research

traffic sa mga bata

Larawan ni Mikechie Esparagoza mula sa Pexels

Sa mga cities, number one na problema talaga ang traffic kahit saan ka mang magtungong lugar. Nakadadagdag stress ito sa pang-araw-araw na gawain dahil sa halip na ipapahinga na lamang ay bibiyahe pa ang mga tao. Maraming hassle ang dinadala nito sa commuters tulad na lamang ng mga manggagawa at maging sa mga estudyante. Kaya nga madalas na nagiging bunga ng traffic ay pagiging late ng karamihan.

Nai-publish ang isang pag-aaral sa medical journal na PLoS Medicine. Ang study ay ginawa ng BREATHE project sa pangunguna nina Maria Foraster at ni Jordi Sunyer mula sa Barcelona Institute for Global Health (ISGlobal). Inalam nila ang epekto ng traffic noise sa cognitive development ng bata lalo na sa kanilang attention at working memory.

Binigyang kahulugan nila ang ‘attention’ sa pag-aaral na ito bilang proseso na may kakayahang mag-focus sa isang specific stimuli ng mga bata. Habang ang ‘working memory’ naman ay isang sistema kung saan nagkakaroon ng kakayahan ang utak na magkaroon ng impormasyon.

Sinama nila ang 2,680 na batang participants na may edad 7 hanggang 10 upang obserbahan at pag-aralan ang dulot ng traffic noise sa kanila. Tumagal ang pag-aaral sa loob ng 12 buwan noong taong 2012 hanggang 2013. Sa pag-aaral na ito ay sinagutan ng mga participant ang cognitive test na inihanda ng researcher ng apat na beses. Layunin nitong mapag-aralan ang evolution ng working memory at attention ng mga bata.

Inaral din ng mga researchers ang measurements ng traffic noise sa 38 na schools kasama na ang playgrounds at classrooms. Dito nila nalaman na ang mga estudyanteng pumapasok sa mga schools na may mataas na traffic noise ay mas mabagal ang working memory at attnetion kumpara sa ibang estudyante.

Lumabas din sa resulta na ang pagkaranas ng bata sa parehong outdoor noise sa school at classroom noise ay parehong may epekto sa performance ng estudyante.

Mas mababa kasi ang kanilang resulta sa cognitive test at mas mabagal ang nagiging progress.

traffic sa mga bata

Larawan ng Pixabay mula sa Pexels

Ayon kay Jordi Sunyer, labis daw na makaaapekto talaga ang cognitive development ng bata. Lalo kung sila ay patungo pa lang sa adolescence stage.

“Our study supports the hypothesis that childhood is a vulnerable period during which external stimuli such as noise can affect the rapid process of cognitive development that takes place before adolescence.”

Kaya naman base sa pag-aaral, maganda na iwasan ang mga lugar na mabibigat ang traffic para hindi ito makaapekto sa pag-aaral ng inyong mga anak.

BASAHIN:

DepEd balak ang pagbabalik ng face-to-face class sa lahat ng paaralan

Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

6 preschool programs in the Philippines

Paano ihahanda ang anak sa nalalapit na face to face classes?

Kakaibang hirap ang dinala ng pandemya ng COVID-19 sa buong mundo lalo na sa Pilipinas. Marami ang nawalan ng trabaho. Nagbago ang everyday life ng bawat isa. At halos naging online rin ang kalakhan ng mga gawain kasama na ang pag-aaral. Nabigla ang marami dahil sa kawalan ng kahandaan sa online class kasama na ang kagamitan tulad ng tablet laptop.

Matapos ang humigit kumulang 2 taong online class, unti-unti na muling bumabalik ang face to face classes. Nangangahulugan lamang ito na balik na ulit sa paggising sa umaga at para sa iba ay biyahe na naman kasabay ang malalang traffic.

traffic sa mga bata

Sa tinagal ng mga anak sa loob lamang ng bahay, paano nga ba natin sila mahahanda sa pagbabalik paaralan? Narito ang ilang ways:

  1. Kausapin at i-orient ang anak na muli nang babalik ang sa dati ang klase kung saan araw-araw na siyang kailangan sa eskwelahan.
  2. Ipaalala muli ang mga do’s and dont’s sa loob ng school maging sa labas na activities.
  3. Ihanda ang lahat ng gamit na kinakailangan ng bata sa loob ng kayang backpack.
  4. Huwag kalimutang araw-araw na padalhan siya ng face mask, alcohol, sanitizer, at water bottle.
  5. Parati siyang i-remind sa importansya ng social distancing.
  6. Sanayin na siyang matulog at magising nang maaga upang hindi mahirapan sa pagsisimula ng klase.
  7. Palakasin ang kanyang resistensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng masusutansyang pagkain at pagpapainom ng vitamins.
  8. Tulungan ang anak na magkaroon ng positive mindset sa muling pagbabalik niya sa paaralan.
  9. Kung kakayanin, mag-invest sa insurance upang matiyak ang future ng iyong anak.
  10. Suportahan at palaging pakinggan siya sa lahat ng kanyang opinyon at hinaing lalo at nag-aadjust pa siya muli sa pagbabagong ito.

Science Daily

Partner Stories
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Traffic pinabababa performance ng mga bata sa school, ayon sa isang study
Share:
  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko