TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

DOH: Kaso ng trangkaso, ubo at sipon mas dadami dahil sa malamig na panahon, alamin kung paano makakaiwas sa sakit

2 min read
DOH: Kaso ng trangkaso, ubo at sipon mas dadami dahil sa malamig na panahon, alamin kung paano makakaiwas sa sakit

Payo ng DOH, kumain ng masustansya at mag-ehersisyo para mas lumakas ang immunity ng katawan laban sa mga sakit.

Trangkaso, ubo, at sipon. Ito ang kadalasang sakit na nararanasan ng marami sa atin ngayon. Ayon sa Department of Health, dito sa Pilipinas ay mas maaring dumami ngayon ang Pilipinong nagkatrangkaso kumpara ng nakaraang taon.

Kaso ng trangkaso, ubo at sipon sa Pilipinas

batang may trangkaso, ubo at sipon

Base sa datos na nakalap ng Department of Health o DOH, ay may naitalang 179,227 na Pilipino ang nagkatrangkaso noong 2024. Ngayong pagpasok ng taong 2025 ay nadagdagan pa ang kaso ng trangkaso dito sa bansa. Ang itinuturong dahilan ay ang malamig na panahon.

Ang trangkaso o flu sa salitang Ingles ay impeksyon sa ilong, lalamunan at baga ng isang tao. Kilala rin ito sa tawag na influenza na dulot ng isang virus. Dito sa bansa may apat na uri ng viruses ang nagdudulot ng trangkaso. Ito ay ang rhinovirus enterovirus, influenza respiratory synsitial virus (RSV) at adenovirus. Ang pagkalat ng virus mas pinapabilis ng malamig na panahon na siyang nagtritrigger rin ng ubo at sipon.

Payo ng DOH para makaiwas sa trangkaso, ubo at sipon

batang may trangkaso, ubo at sipon

Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo may ilang hakbang na dapat gawin upang maiwasan pa ang pagkalat ng nakakahawang sakit.

“Isagawa ang respiratory etiquette tulad ng pagtatakip sa ubo gamit ang siko; pananatili sa bahay kapag may ubo, sipon o lagnat; at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig habang nagpapatuloy ang mas malamig na Northeast Monsoon, o panahon ng Amihan.”

Ito ang payo ni ASec Domingo.

Dagdag pa niya, dapat ay kumain rin ng masusustansyang pagkain. Malaking tulong rin ang pag-eehersiyo para mas lumakas ang immunity ng katawan. Pati na ang pagiging dehydrated o pag-inom ng sapat na dami ng tubig araw-araw.

“Mag-ingat sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa matataong lugar kung maari at pagkain at pag-inom ng tubig ng maayos.”

Ito ang payo pa ni ASec Domingo para makaiwas sa virus na nagdudulot ng trangkaso, ubo at sipon.

pamilyang protektado mula sa trangkaso, ubo at sipon

ABS-CBN News

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • DOH: Kaso ng trangkaso, ubo at sipon mas dadami dahil sa malamig na panahon, alamin kung paano makakaiwas sa sakit
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko