Hindi pa rin nakakaahon ang marami sa ating mga kababayan matapos manalanta ng typhoon Ulysses sa bansa. Matindi ang iniwan nitong pinsala sa iba’t ibang lugar Luzon. Kaya naman suspendido pa rin ang klase sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
- Mga lugar na wala pa ring klase
- Haba ng suspensyon ng ilang lugar sa Luzon
Mga lugar na lugar na suspendido pa rin ang klase
Ayon sa inilabas na memorandum noong November 15 ni Wilfredo Cabral, direktor ng Department of Education ng rehiyon ng CALABARZON. Inanunsyo nito na suspendido pa rin ang distance-learning activities mula November 16 hanggang November 15 sa ilang bahagi ng Rizal.
- Rodriguez
- San Mateo
- Cainta
- Taytay
- Baras – Pinugay
- Upland of Tanay
“This (suspension) is to provide affected personnel, families and the learners [time] to recover from the devastating effects of the typhoon,”
Ang pagsuspende ng klase ay makakatulong umano sa mga pamilyan na nasalanta at naapektuhan ng typhoon Ulysses upang makarekober.
Larawan mula sa Unsplash
Naglabas din ng kahiwalay na memoramdum si Cabral sa pagsuspende ng klase at distance-learning activities sa ilang paaralan sa Antipolo City. Wala pa ring klase sa mga sumusunod na lugar mua November 16 hanggang November 20 dulot pa rin ng pinsala ng typhoon Ulysses;
Paaralan na suspendido pa rin ang klase:
- Calawis Elementary School
- Kaysakat Elementary School
- San Joseph Elementary School
- Canumay Elementary School
- Libis Elementary School
- San Yisor Elementary School
- Apia Elementary School
- Paglitaw Elementary School
- Calawis National High School
- Kaysakat National High School
- Canumay National High School
BASAHIN:
LOOK: Baby na inilagay sa palanggana, ligtas na
12-days-old na sanggol napuno ng kagat ng daga sa mukha sa gitna ng bagyo
10 bagay na dapat gawin at ihanda bago dumating ang bagyo
Iba pang lugar na walang pasok dahil sa Tyhpoon Ulysses
Wala ring klase sa Cagayan Valley, na lubog dahil sa baha dahil sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam dahil pa rin sa dulot ng typhoon Ulysses.
Dagdag pa ni Malcom Garma, ang mga pribadong paaralan ay maaaring i-exercise ang kanilang direktiba sa pagsuspende ng klase kung ang kinabibilangan nikang LGU ay hindi pa nag-aanunsyo ng class suspension.
Isa na rin sa mga labis na naapektuhan ng typhoon Ulysses ang lungsod ng Marikina. Kaya naman nag-anunsyo rin ng suspension si Mayor Marcelino Teodoro ng isang buwan na suspension ng klase sa buong lungsod ng Marikina.
Larawan mula sa Facebook account ni Sec. Villar
Hindi umano biro ang pinsalang naidulot ng typhoon ulysses sa lungsod ng Marikina. Kaya umano nagpasiya ang si Mayor Marcelino Teodoro na suspendihin ng isang buwan ang klase. Marami umano ang mga lugar sa Marikina na wala pa ring kuryente at internet, at ang mga learning modules at gadgets ay nawala o nabasa nang kasagsagan ng bagyo.
Maaari pa umanong tumagal ang suspensyon ng klase ayon kay Mayor Teodoro kung hindi pa rin umano handa ang mga paaralan para sa distance at online education matapos ang isang buwan.
Ayon pa kay Garma, “We will assist them (Marikina Schools Division Office). Streamlining din ng content ang kailangan (What’s needed is to streamline the content).”
Nag-issue rin umano ang DepEd ng advisory na ang pagsususpende ng klase sa Metro Manila ay pinagdedesisyunan umano ng lokal na pamahalaan nito.
Emergency Hotlines
Moms, dads, narito ang listahan ng emergency hotlines na maaaring tawagan sa oras ng sakuna.
911- National Emergency Hotline
National Disaster Risk Reduction and Managements Council (NDRRMC)
Trunk lines:
(02) 8911-5061 to 65 local 100
(02) 8911-1406
(02) 8912-2665
*(02) 8912-5668
(02) 8911-1873
Office of Civil Defense – National Capital Region:
(02) 8421-1918
(02) 8913-2786
Office of Civil Defense – Region I:
Office of Civil Defense – Region IV-A:
NDRRMC Region IV-B:
NDRRMC – Cordillera Administrative Region:
(074) 304-2256
(074) 619-0986
*(074) 444-5298
(074) 619-0986
Larawan mula sa Unsplash
Red Cross
Hotline: 143
National Blood Center: (02) 8527-0000
Trunk line: (02) 8790-2300
Disaster Management Office: 134 (Staff), 132 (Manager), 133 (Radio Room)
Emergency Response Unit: (02) 8790-2300 local 604
Philippine Coast Guard
(02) 8527-8481 to 89
*(02) 8527-3877
(02) 8527-3880 to 85
0917-PCG-DOTC (0917-724-3682)
0918-967-4697
PHIVOLCS
Trunk line: (02) 8426-1468 to 79
PAGASA
Trunk line: (02) 8284-0800
Source:
ABS-CBN News
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!