Narito ang mga ideas for Valentine’s gift 2019 para sa inyong mister.
Iparamdam kay Mister ang iyong pagmamahal ngayong Valentine’s day sa pamamagitan ng mga gift ideas na ito na siguradong magpapasaya at magpapatibok ng kaniyang puso.
Mga Valentine’s gift 2019 ideas para kay Mister
1. What I Love About You Journal
Photo: Pexels
Isa-isahin ang dahilan kung bakit mo minamahal ang iyong mister sa pamamagitan ng pag-sagot sa journal na ito. Bawat page nito ay may katanungang kailangan mong sagutin na tumutukoy sa asawa mo. Magandang paraan rin ito para muling alalahanin ang mga memories ninyo noong nagsisimula pa lamang siyang patibukin ang iyong puso.
2. Coffee Statement Mug
Caption: Pexels
Gawing mas espesyal ang umaga ninyong magkasama sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng isang coffee statement mug. Maaring ang nakalagay dito ay “The Best Husband in the World” o kung ano mang quote o message na gusto mong iparating sa kaniya na mas magpapaganda ng kaniyang umaga habang umiinom ng mainit kape gamit ang iyong tasa.
3. Couple Shirts
Makisabay sa uso at iparamdam sa iyong mister na never mag-brebreak ang tandem ninyo sa pamamagitan ng couple shirts. Hindi lamang ito magiging useful sa kaniya kundi pati narin sayo na maari niyong gamitin ng magkasama sa mga casual gatherings kasama ang mga kapamilya, kaibigan o mga kakilala. Maari ring magpagawa ng customized shirts na may personal message o cute descriptions ninyo sa isa’t-isa.
4. Sexy Card Game
Photo: Pexels
Regaluhan ang iyong mister ng isang sexy card o consequence game. Maglaro kasama siya at painitin ang inyong Valentines night ng may kasamang excitement at saya. Siguradong mag-eenjoy si mister at syempre ikaw narin sa mga consequences na dapat gawin ng kung sino mang matatalo sa inyo sa larong ito.
5. Personalized Dog Tag Necklace
Ipaalam sa iyong mister ang iyong pagmamahal at mensahe sa pamamagitan ng isang personalized dog tag necklace. Siguradong ikatutuwa niya ito at laging mailalagay malapit sa kaniyang puso.
6. Comfortable o Massage slippers
Photo: Pexels
Ang buong araw na pagtratrabaho ay nakakapagod kaya para siya ay makarelax regaluhan mo siya ng pares ng comfortable o massage slippers na mag-papamper sa pagod niyang paa. Hindi lamang ito magagamit kapag nasa inyong bahay ngunit pati narin sa kaniyang opisina habang naka-break at nagpapahinga.
7. Personalized Leather Wallet
Photo: Pexels
Dagdagan ang pagiging classic ng masculinity niya sa pamamagitan ng isang leather wallet. Maari mo ring palagyan ito ng monogram, logo o maikling quote na magpapaalala sa kaniya sa iyong pagmamahal sa tuwing bubuksan niya ang kaniyang pitaka.
8. Personalized Phone Docking Station
Kahit nasa trabaho ay i-remind ang iyong mister na hindi ka malayo sa tabi niya. Tulungan din siyang maging organize sa mga gadgets niya sa opisina sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang phone docking station na may picture niyo o personal message mo sa kaniya.
9. Bag
Photo: Pexels
Para naman hindi mahirapan ang iyong mister sa pagdadala ng daily essentials niya ay maari mo siyang regaluhan ng bag. Pwedeng ito ay backpack o cross body bag na nakadepende sa pangangailangan at lagi niyang dinadala.
10. Grooming Kit
Photo: pexels
Ang mga lalaki ay walang oras para bumili ng body essentials nila. Kaya bilang mapag-arugang asawa bigyan siya ng grooming kit na kumpleto na mula sa shaver, suklay, pabango at iba pang kailangan niya para laging maging pinakapoging lalaking nag-paibig sayo at pinili mong maging asawa.
11. Personalized key Chain
Photo: Pexels
Ipaalala sa kaniya ang iyong pagmamahal sa tuwing siya ay nagdra-drive o kung saan man magpunta sa pamamagitan ng isang key chain na maari mong palagyan ng quote o message mo para sa kaniya.
12. Smart Watch
Samahan siya sa lahat ng oras sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng isang smart watch. Hindi lamang ito magpapaalala sa kaniya na maging on-time sa mga schedules niya ngunit makakatulong rin ito sa pagmomonitor ng kalusugan niya sa pamamagitan ng built-in apps dito na nag-tratrack kung ilang steps na ang kaniyang nagawa o kung normal pa ba ang heart rate niya.
13. Portable Toolset
Tulungan siyang maging handa sa mga small emergency sa kaniyang sasakyan o sa opisina sa pamamagitan ng portable tool set na kaniyang madadala kahit saan man siya magpunta.
14. Boxer Shorts
Ilabas ang kaseksihan at hotness ng iyong mister sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng boxer shorts na kaniyang magagamit araw-araw. Maaappreciate niya ito lalo pa’t wala siyang oras bumili ng mga gamit niya dahil pagod sa trabaho at kulang lagi ang oras sa pahinga.
Ang pagpaparamdam ng pagmamahal mo sa iyong mister ay hindi lamang dapat tuwing Valentine’s day.
Ngunit mas magiging espesyal ang araw na ito kung gagawa ng kakaiba gaya ng pagbibigay ng regalo sa kaniya gamit ang ideas for Valentine’s gift 2019 na ito na siguradong ikagugulat at ikakatuwa niya.
Sources: The Dating Divas, The Knot
Photo by Miroslava on Unsplash
Basahin: 12 date ideas na puwedeng gawin sa loob ng bahay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!