Video ng bata nasa gilid ng balkonahe pinakaba ang mga netizen. Bata, nakitang naglalakad sa labas na dingding ng kanilang apartment building na nasa ikaapat na palapag.
Video ng bata nasa gilid ng balkonahe
Pareho-pareho ang reaksyon ng mga netizen ng mapanood ang video ng bata nasa gilid ng balkonahe. Lahat ay nagulat at napanganga sa tinuran ng bata. Dahil sa taas ng kinaroroonan niya at sa kitid ng dinadaanan niya. Isang pagkakamali, siguradong disgrasya ang bata. Mabuti nalang ligtas na nakapunta sa balkonahe at nakabalik sa kanilang bintana ang bata na halatang walang muwang sa panganib ng kaniyang ginagawa.
Ayon sa Facebook page na I Love Tenerife na kung saan unang nakita ang video ng bata nasa gilid ng balkonahe, ito ay naganap sa Playa Paraiso, Tenerife, Spain nito lamang Sabado, January 4.
Ang video ay kuha umano ng isang turista tumutuloy sa kalapit na apartment na tinitirhan ng bata. Inutusan umano ang babaeng turista ng kaniyang ama na i-record ang ginagawa ng bata. Habang ito naman ay bumaba at humingi ng tulong sa security ng kabilang building.
Base naman sa isang news report, nag-shoshower umano ang mga magulang ng bata ng mangyari ang insidente. Kaya naman walang alam ang mga ito sa ginagawa ng kanilang anak.
Reaksyon ng mga netizens
Sa ngayon ay may higit 33,000 times ng nai-share sa Facebook ang video. Habang may higit na 25,000 comments na itong natanggap sa mga netizen.
Ilan nga sa naging komento ng mga netizen ay ang dapat na mahigpit na pagbabantay ng mga magulang sa kanilang maliliit na anak. At pati na ang paglalagay ng safety grills sa bintana ng mga apartment building.
“Where are her parents why isn’t she being supervised she is just walking back n forth.”
“They should put a grill on that window for extra safety.”
“Many friends told me high level house no need install grill, now this is the best scenario to prove why we need grill even at high level. Not prevent theif, it’s prevent your children climb out of the house.”
Mga condo at building living tips para sa kaligtasan ng mga bata
Ang aksidente ay nangyayari ng hindi natin inaasahan. Ngunit may pagkakataon naman na may maari tayong gawin para ito ay maiwasan. Kung ang inyong pamilya ay naninirahan sa isang apartment o condo building, narito ang ilang tips na dapat isaisip para sa kaligtasan ng iyong anak.
1. I-childproof ang iyong balcony.
Bagamat nakakadulot ng relaxing feeling ang pagkakaroon ng balcony ng mga condo lalo na dahil sa magandang view na makikita dito, hindi naman ito safe para sa mga bata. Dahil maari silang madulas o mahulog sa building mula dito.
Para masigurong ligtas ang inyong balcony ay lagyan ito ng net, gate o kahit anong strong material na magsisilbing harang ng iyong anak. Huwag maglalagay ng kahit anong furniture, upuan o mesa na malapit sa dulo ng balcony na maari niyang akyatan. Ito ay para maiwasan ang nakakatakot na aksidente ng pagkahulog mula sa inyong balcony.
2. Takpan ang mga electric sockets.
Mahilig mangalikot ang mga bata ng kung anu-anong gamit. At isa sa mga hindi dapat at delikadong maari nilang kalikutin ay ang mga electric sockets.
Kaya naman mabuting takpan ito gamit ang mga socket covers. Dapat ding lecturan sila at warningan sa kung anong mangyayari sa kung sakaling paglaruan o kalikutin nila ang mga ito.
3. Alisin ang electric cords sa kanilang paningin.
Itago din ang mga linya ng kuryente o electric cords sa inyong condo. Mas mabuting itago ito sa likod ng dingding o kaya naman ay gawing electrocution-proof at trip free ang iyong bahay. Ilayo din ang mga glass vases at iba pang fragile objects mula sa cord para maiwasang mabasag ito kung sakaling maabot ng iyong anak ang electric cord.
Image from Unsplash
4. Itago ang mga chemicals, medicine at poisonous solutions na hindi makikita ng mga bata.
Mahilig maglaro ang mga bata ng mga bote o lalagyan na kakaiba ang kulay at hugis. Kaya para hindi mapagkamalang inumin ang mga chemicals, gamot at iba pang poisonous solution ay mabuting itago ito sa lugar na hindi niya maabot at makikita. Ganoon din ang mga pintura o wooden shards na maari niyang isubo at akalaing pagkain.
4. Ilagay din sa lugar na hindi maabot ng iyong anak ang mga halaman at sharp objects.
Dahil sa curiosity ng mga bata ay kung anu-ano nalang ang isinusubo nila. Tulad nalang ng mga halaman na kung saan ang iba ay maaring nakakalason kapag nakain o kaya naman ay maaring magdulot ng allergic reactions. Mabuting ilagay ito sa mataas na lugar na hindi maakyat ng iyong anak. Itago rin ang mga sharb objects na maaring makatusok o makahiwa sa kaniya. Puwedeng ilagay ito sa isang tool box sa ilalim ng kama o kaya naman ay sa tuktok ng mga cabinet na mahirap nilang abutin.
5. Iwasan ang mga stangers at ipakilala ang iyong anak sa mga kapitbahay.
Turuan ang iyong anak na huwag makikipagusap sa mga taong hindi niya kilala. At higit sa lahat ay huwag magpapasok ng kung sinu-sino sa loob ng inyong condo kapag ikaw ay wala. Ang pagpapakilala sa kaniya sa mga kapitbahay ay magandang paraan para masiguro ring ligtas siya. Dahil madalas sila ang unang tumutulong o rumerescue sa oras na malagay sa alanganin ang iyong anak at wala ka. Mabuti ring ipakilala siya sa mga security guards at iba pang staff ng condo para sa dagdag na seguridad.
At syempre maliban sa mga tips, dapat ay mahigpit ninyong binabantayan ang inyong anak. At kung maari ay hindi ninyo aalisan ng inyong paningin.
Source: Sky News, TheAsianParent Philippines
Basahin: 2-anyos, nahulog sa 10th floor ng isang condominium
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!