Nahulog sa building ang isang tatlong taong gulang na bata. Ngunit, siya ay nailigtas at walang injury. Dahil ito sa pagkakaisa ng mga concerned citizens sa ibaba ng building na saluhin siya gamit ang isang kumot.
Batang nahulog sa building
Ayon sa report ng CNN ang insidente ay nangyari sa Chonqing, China. At nakunan ng CCTV ang pagkahulog ng bata mula sa 6th floor ng tinitirahang condo building.
Mula sa video footage ay makikita ang bata na nakakapit nalang sa dulo ng balcony ng kanilang building. Ayon sa report, ay umakyat daw ang bata sa balcony at ito ay nadulas.
Mabuti nalang at may nakakita sa bata mula sa baba ng building na agad nakaisip ng magandang paraan para saluhin siya. Ito ay sa pamamagitan ng isang kumot, dahil ayon kay Zhu Yanhui na nakakita sa bata ay hindi na aabot kung aakyat pa siya sa 6th floor para iligtas ang bata. Kaya naman naisip ni Zhu na gumamit ng kumot para saluhin nalang ang bata mula sa baba nang sa gayon ay bumagsak itong ligtas.
Pagsagip sa batang nahulog sa building
“I looked up and saw a little child was dangling up there. My first reaction was to find something to catch him. I thought about rushing over there and catch him with my bare hands, but that would not have worked”, pagkwekwento ni Zhu.
“So I held out the blanket along with others, all the while keeping my eyes on the child. I looked at the blanket wondering whether we could catch him safely. My only thought was to keep him safe”, dagdag pa niya.
Sa video ay makikita ang pagkahulog ng bata mula sa anim na palapag. Maririnig rin ang pagsigaw ng mga taong nakakasaksi ng insidente. Nakakamangha naman ang pinakitang pagtutulungan ng mga concerned citizens para iligtas siya sa pamumuno ni Zhu.
“I was there at the moment and helped hold out the blanket. Ten seconds later, the boy fell. It all happened so fast”. Ito naman ang pahayag ni Zhou Xiaobo, isa sa mga tumulong na saluhin ang batang nahulog sa building.
Ayon parin sa report, ay hindi nagtamo ng kahit anong injury ang bata na agad ding tinakbo sa ospital ng isa sa kaniyang mga kapitbahay.
Ang iba pang nakipagtulungan para mailigtas ang bata ay kaniyang mga kapitbahay, security guards at sanitation workers ng tinitirahang building.
Mga condo living tips para sa kaligtasan ng mga bata
Kung kayo ay naninirahan sa condo building ay narito ang mga safety tips para masigurong ligtas ang iyong anak.
1. Takpan ang mga electric sockets sa inyong condo.
Mahilig mangalikot ang mga bata ng kung anu-anong gamit. At isa sa mga hindi dapat at delikadong maari nilang kalikutin ay ang mga electric sockets.
Kaya naman mabuting takpan ito gamit ang mga socket covers. Dapat ding lecturan sila at warningan sa kung anong mangyayari sa kung sakaling paglaruan o kalikutin nila ang mga ito.
2. Alisin ang electric cords sa kanilang paningin.
Itago din ang mga linya ng kuryente o electric cords sa inyong condo. Mas mabuting itago ito sa likod ng dingding o kaya naman ay gawing electrocution-proof at trip free ang iyong bahay. Ilayo din ang mga glass vases at iba pang fragile objects mula sa cord para maiwasang mabasag ito kung sakaling maabot ng iyong anak ang electric cord.
3. Itago ang mga chemicals, medicine at poisonous solutions na hindi makikita ng mga bata.
Mahilig maglaro ang mga bata ng mga bote o lalagyan na kakaiba ang kulay at hugis. Kaya para hindi mapagkamalang inumin ang mga chemicals, gamot at iba pang poisonous solution ay mabuting itago ito sa lugar na hindi niya maabot at makikita. Ganoon din ang mga pintura o wooden shards na maari niyang isubo at akalaing pagkain.
4. Ilagay din sa lugar na hindi maabot ng iyong anak ang mga halaman at sharp objects.
Dahil sa curiosity ng mga bata ay kung anu-ano nalang ang isinusubo nila. Tulad nalang ng mga halaman na kung saan ang iba ay maaring nakakalason kapag nakain o kaya naman ay maaring magdulot ng allergic reactions. Mabuting ilagay ito sa mataas na lugar na hindi maakyat ng iyong anak. Itago rin ang mga sharb objects na maaring makatusok o makahiwa sa kaniya. Puwedeng ilagay ito sa isang tool box sa ilalim ng kama o kaya naman ay sa tuktok ng mga cabinet na mahirap nilang abutin.
5. I-childproof ang iyong balcony.
Bagamat nakakadulot ng relaxing feeling ang pagkakaroon ng balcony ng mga condo lalo na dahil sa magandang view na makikita dito, hindi naman ito safe para sa mga bata. Dahil maari silang madulas o mahulog sa building mula dito.
Para masigurong ligtas ang inyong balcony ay lagyan ito ng net, gate o kahit anong strong material na magsisilbing harang ng iyong anak. Huwag maglalagay ng kahit anong furniture, upuan o mesa na malapit sa dulo ng balcony na maari niyang akyatan. Ito ay para maiwasan ang nakakatakot na aksidente ng pagkahulog mula sa inyong balcony.
6. Iwasan ang mga stangers at ipakilala ang iyong anak sa mga kapitbahay.
Turuan ang iyong anak na huwag makikipagusap sa mga taong hindi niya kilala. At higit sa lahat ay huwag magpapasok ng kung sinu-sino sa loob ng inyong condo kapag ikaw ay wala. Ang pagpapakilala sa kaniya sa mga kapitbahay ay magandang paraan para masiguro ring ligtas siya. Dahil madalas sila ang unang tumutulong o rumerescue sa oras na malagay sa alanganin ang iyong anak at wala ka. Mabuti ring ipakilala siya sa mga security guards at iba pang staff ng condo para sa dagdag na seguridad.
Narito ang video ng batang nahulog sa building.
Video Courtesy of KPRC 2 Click2Houston
Source: CNN, Megaworld
Basahin: Newborn in critical condition after being thrown off a building
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!