Hindi ka lang dapat naka-focus kung lumaki ang anak mo na healthy at malakas. Dapat mo ring bigyang-pansin ang mga skills at abilities ng iyong anak. Ngunit paano nga ba magagawa ito ng magulang? Isang paraan ay pagtukoy at pag-nurture ng kanilang mga kakayahan. Pero teka, alam niyo ba ang 8 kinds of intelligence, moms and dads?
Ano nga ba ang 8 Kinds of Intelligence?
Bawat tao ay may kanya-kanyang set ng abilidad at skills. Ang iba ay magaling sa math, habang ang iba ay mahusay naman sa pagsusulat o isports. Ngunit kailangan mo munang malaman kung saan magaling ang iyong anak.
1. Magaling sa mga salita
Ang mga baby na maagang nagsalita o maagang natutong mag-babble ay mataas ang posibilidad na mag-excel sa linguistic and verbal intelligence. Ang ganitong ability ay nakafocus sa speech, communication at pagbabasa. Kung ang anak mo ay mahilig magsalita, magbasa o mag-discover ng mga bagong salita, malamang ay ito ang kanyang strong suit.
2. Mahusay na kumuha ng picture
Image from Kelly Sikkema on Unsplash
Ang tawag sa abilidad kung saan magaling kang kumilatis o umintindi ng mga imahe ay Spatial intelligence. Ang mga batang may potensyal sa ganitong larangan ay kadalasang magaling mag-drawing at mabilis makatanda ng mga direksyon.
Mahilig din silang tumingin ng mga litrato o picture books.
3. Magaling sa ritmo at musika
Image from Felix Koutchinski on Unsplash
Ang anak mo ba ay mahilig kumanta o makinig ng music? Kung gayon, siya ay may potensyal na magkaroon ng musical intelligence.
Ang mga batang mayroon nito ay mahusay sa musika. Kahit sa mga maliliit na bagay katulad ng paggawa ng mga tunog gamit ang paghampas ng kanilang mga laruan. Sila rin ay mahilig makinig ng mga tugtog at palaging nakikisabay dito.
4. Matalas ang pag-iisip
Ang ibang bata ay marunong kumilatis ng kanilang mga emosyon. Ang tawag sa ganitong abilidad ay intrapersonal intelligence. Nakakatulong ito upang malaman agad ng mga magulang kung anong nararamdaman ng mga anak nila.
5. Mahusay sa Logic at Math problems
Image from Kelly Sikkema on Unsplash
Ang iba namang mga bata ay may pambihirang kakayahan sa mga numero at lohika. Sila ang mga batang magaling sa math at maaaring maging isang Engineer, Scientist at Mathematician balang araw.
Ang ganitong klase ng abilidad ay tinatawag na logical intelligence.
6. Magaling sa sports
Ang anak mo ba ay mahilig tumakbo o tumalon? Nahihirapan ka bang pigilan ang kanilang energy sa araw-araw? Kung oo, mataas ang posibildad na ang anak mo ay may body and movement intelligence.
Ang batang may ganitong kakayahan ay maaring maging athlete. Kumpara sa ibang bata, mas mataas ang mind at body coordination ng mga batang may ganitong intelligence. Kahit na hindi sila madalas mag-excel sa school, sila naman ay bida pagdating sa mga pisikal na gawain.
7. Mahusay sa komunikasyon
Ipinapanganak ang ibang bata na may magaling na dila. Sila ang mga batang magaling makipag-usap at madaling makahanap ng kaibigan saan man sila mapunta.
Ang tawag dito ay interpersonal intelligence. Maaaring ang anak mo ay lumaking charming, good speaker at pala-kaibigan.
8. Mahilig sa nature
Ang anak mo ba ay mahilig tumignin sa mga insekto? Interesado ba sila sa mga hayop? Nagpapakita ba sila ng pagkatuwa sa nature?
Sila ay maaring may naturalist intelligence. Ang batang mayroong ganitong kakayahan ay nangangahulugang mahilig sa outdoor at adventure activities.
Saan nabibilang ang anak niyo, moms and dads?
If you want to read an english version of this, click here.
BASAHIN: Being obsessed with dinosaurs and other things enhances kids’ intelligence
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!