Almoranas: Sanhi, sintomas, at gamot sa hemorrhoids

Nakakatawa man isipin, hindi dapat balewalain ang pananakit ng puwit. Ito ay dahil posible itong maging sintomas ng mas malalang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakatatawa man pakinggan pero hindi biro ang makaranas ng pananakit ng puwit dulot ng almoranas. Bukod sa hindi ito komportable, naaapektuhan din nito ang quality of life ng isang tao. Ano nga ba ang almoranas? Paano ito gamutin at paano maiwasan na magkaroon nito? Alamin ‘yan dito!

Almoranas

Kakaibang iritasyon at balakid sa araw-araw na buhay ang pagkakaroon ng kahit anong iniindang sakit. Lalo na ang pagkakaroon ng sakit sa pag-upo dahil mayroong pain na nararamdaman sa puwit. May pagkakataong hindi makakapagtrabaho ng maayos o kahit mabantayan ang sariling anak.

Kaya nga mahalagang nalalaman pareho ng lalaki at babae kung ano ang sintomas ng almoranas sa kanila. Ito ay para agad itong masolusyunan at makaiwas sila sa mga gawain na posibleng lalong magpalala pa ng pananakit nito. Lalo na kung may kasama itong pangangati, discharge at pagdurugo sa bahagi ng iyong puwit.

Ano ang almoranas o hemorrhoids?

Ang almoranas o hemorrhoids in english ay ang pamamaga ang veins sa palibot ng puwit. Habang tumatanda ang isang tao, lumuluwag ang bahaging ito ng katawan. Anu-ano nga ba ang almoranas symptoms?

Ang almoranas o hemorrhoids in english ay isang nakakairitang pakiramdam dahil kung minsan parang may tumutubong bukol sa paligid ng butas ng puwit. Ito ang dahilan kaya nagbibigay ito ng discomfort feeling.

Hindi lamang isa ang almoranas, mayroon itong iba’t ibang uri. Narito ang iba’t ibangb uri ng almoranas at ang symptoms na kaugnay ng bawat uri.

Mga uri ng almoranas:

  • Internal Hemorrhoids – Maituturing na ganito ang iyong almoranas kung nangangati ang iyong tumbong habang dumudumi.
  • Prolapsed Hemorrhoids – Sa kalagayang ito naman maaaring makaranas pa rin ng pangangati, pero mayroon nang halong pagdurugo ang puwit.
  • External Hemorrhoids – Mula sa tawag dito, nangyayari ito sa labas ng tumbong. Nakakaranas din ng matinding pananakit ng puwit ang taong mayroon nito at nagkakaroon ng dugo ang bahaging ito ng katawan.
  • Thrombosed Hemorrhoids – Kapag ang external hemorrhoids ay hindi nalunasan, ito ay magiging Thrombosed Hemorrhoids. Nangyayari ito kapag nag iipon-ipon ang dugo sa loob ng external hemorrhoid.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming benepisyo ang pag-inom ng tubig. Isa na rito ang pagpapalambot sa dumi upang maiwasan ang pananakit ng puwit. | Larawan kuha mula sa Freepik

Pitong sanhi kung bakit nagkakaroon ng almoranas

Marami ang posibleng dahilan kung bakit nananakit ang puwit. Para sa mga babae lalo na sa mga ina, ito ang ilan sa kanila:

1. Mayroon kang buwanang dalaw o period

Pagkakaroon ng period or regla ang pinaka karaniwang dahilan kung bakit nananakit ang puwit sa mga babae. Dahil ito sa posibilidad na maaapektuhan ng inyong menstrual period an iyong pagdumi. Dahil rito, posible kang magkaroon ng cramps na kumakalat hanggang sa puwit, at maging sanhi ng patuloy na pagdumi.

Ito ay epekto ng prostaglandin na isang uri ng hormone na nagpapa-contract sa uterus ng mga babae. Kaya posibleng sumakit ang iyong puwit kapag mayroon kang period o regla.

2.  Sakit na herpes

Posible rin na kaya sumasakit ang iyong puwit ay dahil mayroon kang kundisyon na kung tawagain ay herpes.

Ito ay nagmumula sa herpes simplex virus-2 o HSV-2. Kapag mayroon kang herpes ay puwede kang magkaroon ng mga boils at sores sa iyong ari na posibleng umabot hanggang sa iyong puwit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lubhang masakit ang pagkakaroon ng herpes, at mahalagang magpatingin sa iyong doktor kung sa tingin mo ay sintomas ka ng ganitong sakit at kung sa tingin mo ay nahawa ka ng ganitong sakit.

Dagdag pa riyan bukod sa herpes na isang sexually transmitted disease maaari ring sanhi ito ng iba pang STD katulad ng gonorrhea, chlamydia, syphilis, o human papillomavirus.

Ang isa sa mga sintomas nito ay pananakit ng puwit na may kasamang pagdurugo sa puwit, pangangati, soreness, at discharge.

3. Mayroon kang hemorrhoids

Ang pagkakaroon ng hemorrhoids ay karaniwang dahilan kung bakit masakit ang puwit ng ilang mga ina. Ang hemorrhoids ay epekto ng pamamaga ng mga blood vessels sa anus at rectum, at madalas ay nakakaranas ng ganito ang mga inang kakapanganak pa lamang.

Kapag din ikaw ay may hemorrhoids makakaranas ka rin ng pangangati dala ng irritation, pamamaga ng puwit, hirap sa pagdumi at tila lump o cyst like sa iyong puwit bukod sa pananakit nito.

Madalas ay nawawala naman ng kusa ang hemorrhoids, subalit may mga ilang pagkakataon na kinakailangang gumamit ng hemorrhoid cream para mawala ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Pagkakaroon ng endometriosis

Alam niyo ba na 11% ng mga babae ay mayroong sakit na endometriosis? Ito ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng ‘overgrowth’ o sobrang pagtubo ng mga tissues ng uterus.

Sanhi ng sobrang pagtubo ng tissue sa uterus ng babae, posible itong kumalat sa fallopian tubes, at minsan ay posible ring kumalat hanggang sa bowels ng babae.

Dahil rito, nagdudulot ito ng matinding sakit. Maaari ring i-require ka ng doktor na uminom ng medikasyon para mabigyang lunas ito. Sa mga malalang kalagayan na mayroong endometriosis, kinakailangang sumailalim sa isang operasyon ang babae.

5. Pagkakaroon ng anal fissure

Kung mayroon kang maliliit na sugat o hiwa sa bandang butas ng iyong puwit, maaaring mayroon kang anal fissure. Siyempre kung may sugat o inflammation ka sa anus, ay napakasakit nito lalo na sa pag-upo o kaya naman pagdumi.

Madalas itong nangyayari kapag constipated ang isang tao, o kaya masyadong matubig ang kaniyng dumi, na nagiging sanhi rin ng irritation.

Kung nais mong malaman kung ilang araw bago mawala ang almoranas na dulot nito, ayon sa experts nawawala rin naman ito nang kusa paglipas ng ilang araw.

Kung napapansin mo naman na may katagalan na at hindi pa rin gumagaling, mas mabuting kumonsulta na sa doktor. Dito ay maaari kang ma-diagnose nang mabuti at makapagprescribe ng tamang gamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Sciatica

Nangyayari ang sciatica sa tuwing naiipit ang sciatic nerve o isang nerve sa iyong lower back. Lubhang napakasakit ang magkaroon ng ganitong kundisyon. Ang pain na maaaring maramdaman ng isang taong may ganito ay maaaring magmula sa puwit hanggang sa paa nito.

Marami ang sumusubok na pumunta sa physical therapist upang maibsan ang mga naipit na ugat. Dito kasi ang inaalam nila kung paano ito mawala kasabay ng almoranas.

Kung ang pananakit ng puwit ay sanhi ng kundisyong sciatica, maaaring humingi ng tulong sa isang physical therapist upang mawala ito. | Larawan mula sa Freepik

Ano ang gamot sa almoranas?

Maraming pwedeng gawin para magamot at maiwasan ang pagkakaroon ng almoranas. Ang ilan sa pagbabago ng lifestyle ay isang malaking tulong na para maging healthy ang pangangatawan. Ang mga sumusunod ay ilang din sa mga paraan kung paano mawala ang almoranas ng isang tao:

Gamot sa almoranas

1. Uminom ng maraming tubig

Ika ng madalas na sinasabi, “stay hydrated!” Marami ang benepisyong bibit ng pag-inom ng tubig. Isa rin ito sa mga pangunahin at alternatibong paraan upang maiwasan ang pananakit ng puwit.

Kung magpapa-check up ka, ito ang laging payo ng doktor. Ang uminom ng marami at sapat na tubig sa araw-araw. Ang pag-inom ng maraming tubig ay nakakatulong na mailabas ng isang tao ang kanyang dumi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Fiber foods

Malaking tulong na maibsan ang pananakit ng puwit sa pamamagitan ng pagkain ng mayayaman sa fiber. Nakita sa maraming pag-aaral na ang mga taong nakararanas ng almoranas ay kulang sa fiber. Kaya naman kailangang may sapat na suplay nito ang iyong katawan upang maiwasang ang ganitong kundisyon.

Katulad din ng tubig, malaking tulong din ang fiber upang makapagpalambot ng dumi dahilan para hindi ka maiwasang tumae. Kung walang ideya sa kung ano ang mga pagkaing mayaman dito, narito ang ilang sa kanila:

  • green peas
  • broccoli
  • kangkong
  • talbos
  • apples
  • berries
  • mani
  • avocado
  • saging
  • carrots

Ang pagkain ng mga pagkaing mataas sa fiber ay makakatulong upang hindi maging masakit ang inyong puwit. | Image from Freepik

3. Huwag pigilan ang pagdumi

Kung mayroon ka nang karanasan sa pagkakaroon ng almoranas, bawal na ang hindi pagdumi sa araw-araw. Mas tumataas kasi ang tiyansa na magkaroon ka muli nito sa tuwing pinipigilan mo ang iyong pagdumi.

4. Mag-exercise

Ugaliin ang araw-araw na pag-eehersisyo. Makakatulong ito para maiwasan ang pagbabara ng matigas na dumi sa iyong tyan. Bukod dyan makakatulong din ito sa iyong kalusugan sa kabuuan.

5. Uminom ng herbal tea

Maaari ring igamot sa almoranas ang herbal tea partikular na ang black tea. Mayroon kasi itong tannic acid na mayroong astringent properties na mahusay sa pagpapagaling ng inflamed hemorrhoids.

Tandaan

Alam natin na marami sa atin ang nahihiya na magpakonsulta lalo na kung sumasakit o may nararanasan tayong kakaiba sa maselang bahagi ng ating katawan.

Subalit ipinapayo ng eksperto na huwag mahiyang magpakonsulta kung nararanasan ang mga ito. Hindi naman ito nakakahiya at para rin ito sa ating kalusugan. Para sa mga propesyunal walang dapat ikahiya dito dahil mas maahalagang mabigyan lunas kaagad ang sakit bago lumala.

Kapag ating ipinagsawalang bahala ang ating nararamdamang kundisyon ay maaari pa itong humantong sa mga komplikasyon. Kaya naman ipokonsulta agad sa inyong doktor kapag kayo’y nakakaranas ng pananakit sa puwit na hindi mawala-wala.

 

Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang  makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara