Bibong-bibo ang 21-month old na anak ni Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na si Baby Seve. Sa isang Facebook video na pinost ng kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, pinakita ng bata ang kaniyang kaalaman sa numbers, letters, colors, at shapes.
Tuwang-tuwa naman ang Tinang (Tita-Ninang) Alex ni Baby Seve tuwing ipapakita nito ang flash cards at mabilis na-identify ng bata ang mga pinapakita nito. Panoorin ang nakakatuwang video dito:
Magdiriwang ang anak ni Toni Gonzaga at Direk Paul na si Baby Seve ng kaniyang ikalawang kaarawan nitong darating na Setyembre.
Bibo din ba ang anak mo? Sa tingin mo ba ay advance siya para sa kaniyang edad? Baka “gifted child” ang anak mo!
Ito ang ilan sa mga *senyales na “gifted” ang bata:
- Madali at mabilis matuto ng mga bagong bagay.
- May malawak at malalim na bokabularyo para sa kaniyang edad.
- May kakaibang reasoning power at logic.
- Kahanga-hanga at matibay ang memory, pero madaling mabagot sa gawaing may memorisation at recitation.
- Hindi gaanong kailangan ng outside control — kayang disiplinahin ang sarili, kahit batang bata pa.
- Metikuloso sa structure, order, at consistency.
- Flexible ang thinking patterns nito. Kaya niyang gumawa ng kakaibang associations kahit parang malalayo ang mga paksa o ideas.
- Malalim ang curiosity at mahilig tumukas ng mga bagay, sitwasyon, o pangyayari. Kayang magtanong ng mga provocative at detalyadong tanong.
- Matataas ang mga marka sa iba’t ibang subjects o asignatura.
- May power of concentration, at may intense attention sa isang aralin o paksa.
- Kayang sumagot ng mabilis at alerto, rapid sa mga mahihirap man na tanong.
- Resourceful, at kayang magbigay ng solusyon sa mga problems gamit ang mga ingenious methods.
- May malalim na interes sa science o literature.
- Orihinal ang mga ideya sa oral at written expression.
- May angking kakayahan sa abstraction, conceptualisation at synthesis.
- Siya ay emotionally secure.
- Madalas ay dominante sa kaniyang mga kaibigan at sa mga sitwasyon.
- Malawak ang paggamit ng common sense.
- Komplikado ang pag-iisip at pagtingin sa mga bagay bagay.
- Perceptually open siya sa kaniyang kapaligiran.
*Mula sa artikulong: “20 Signs na ang iyong anak ay Gifted”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!