Ano ang Ramadan? Bakit ito ipinagdidiwang at bakit kailangang mag-fasting o hindi kumain ng mga Muslim sa okasyong ito. Narito ang sagot at ang pagkakaiba ng Ramadan 2021 Philippines ngayon sa mga nagdaang pagdiriwang nito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang Ramadan?
- Tuwing kailan nagsisimula ang pagdiriwang ng Ramadan?
- Paano ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Ramadan?
Ano ang Ramadan?
Ang Ramadan ay ika-9 na buwan sa Islamic o Hijri calendar. Base sa paniniwala ng mga Muslim, ito ang pinakamainam na buwan ng taon. Sapagkat ito ang buwan na itinangi ng Diyos ng mga Muslim na si Allah ang banal na kasulatan o Koran sa propetang si Mohammad, ang founder ng Islam.
Naniniwala rin ang mga Muslim na sa tuwing sumasapit ang buwan ng Ramadan ay binubuksan ni Allah ang pintuan ng Paraiso at isinasara nito ang pintuan ng impyerno at ikinakadena ang mga demonyo. Kaya naman upang makapasok sa Paraiso ay kailangan nilang sumunod sa pinaguutos ni Allah at iwasan ang mga ipinagbabawal niya.
Ito rin ang buwan na kung saan naniniwala ang mga Muslim na kung sino mang maghapong mag-aayuno ay mapapatawad ni Allah sa kaniyang mga nagawang kasalanan. Lalo na kung ito ay sasabayan ng pagdarasal sa bawat gabi ng buong buwan.
Sa buwan din ng Ramadan nabibilang ang dakilang gabi o gabi ng kapasiyahan sa mga Muslim. Kilala rin ito sa tawag na “Lailat-ul-Qadr” o “Night of Power”. Ito ang ika-27 na araw ng buwan ng Ramadan. Ang gabi na kung saan naniniwala ang mga Muslim na anumang kanilang hilingin ay bibigyang katuparan ni Allah.
Tuwing kailan nagsisimula ang pagdiriwang ng Ramadan?
Ayon kay Dr. Dimapuno Datu-Ramos Jr, spokesperson ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF), ang Ramadan ay binubuo ng 29 o 30 araw at nagsisimula kapag nagpakita na ang hilal o new moon sa kalangitan.
Ngayong taon inaasahang magpapakita ang hilal sa April 12. Ito ang magsisilbing hudyat ng pagsisimula ng buwan ng Ramadan.
Ang hudyat naman ng pagtatapos ng Ramadan ay ang pagpapakita ng shawwal o crescent moon. Ito ang tanda ng pagsisimula ng ika-10 buwan ng lunar calendar at hudyat sa pagsisimula ng isa pang selebrasyon ng mga Muslim, ang Eid al-Fitr.
Ang Eid al-Fitr ay isang malaking pagdiriwang na kung saan maaari ng magsalu-salo at magbigayan ng regalo ang mga Muslim. Ito rin ay kilala sa tawag na Festival of Breaking Fast o ang pagtatapos ng fasting na ginagawa ng mga Muslim tuwing Ramadan.
BASAHIN:
ECQ hanggang August, makakatulong sa hindi pagkalat ng COVID-19
22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines
6 tips to prepare your child for easy COVID-19 testing
Paano ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Ramadan?
Fasting o pag-aayuno
Tuwing sasapit ang Ramadan, ang mga Muslim ay inaasahang isagawa ang 5 pillars ng Islam. Isa na dito na ang fasting o ang hindi pagkain at pag-inom ng tubig sa araw sa loob ng isang buwan. Bagama’t maari naman silang kumain bago sumikat ang araw na at pagkatapos ng paglubog nito.
Hindi naman lahat ng Muslim ay kailangang gawin ito. Ilan sa kanila tulad ng mga bata, matatanda, buntis, o Muslim na may sakit o kasalukuyang bumabiyahe ay maaari namang hindi sumunod sa tradisyon.
Pag-iwas sa bisyo at pakikipagtalik
Samantala, maliban sa pagkain at tubig, ay dapat ding umiwas muna sa mga bisyo ang mga Muslim sa buwan ng Ramadan. Tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Kailangan din muna nilang iwasan ang mga bagay na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan gaya ng pakikipagtalik. Pati na ang pagmumura at paggawa ng masama.
Bakit nila ito ginagawa?
Paniniwala ng mga Muslim, ang fasting o pag-aayuno ay ginagawa upang sila ay mapalapit sa kanilang Panginoon. Upang paalalahanan rin sila sa pinagdaraanang paghihirap ng mga kapus-palad.
“By abstaining from eating, drinking and following one’s desires, a Muslim will be able to have control over himself or herself. The ability to control oneself is critical in discharging our duty as the vicegerents of God on this earth.”
“Secondly, fasting inculcates in us the value of compassion towards others. Only when we feel hungry and thirsty can we truly empathize with the poor and needy, who may have very little food to consume in their lives. Feeling such will encourage us to assist and contribute to their well-being, and ensuring the social justice that Islam wants to be established among Mankind.”
Ito ang paliwanag ng Islamic Religious Council of Singapore o MUIS, sa kung bakit mahalaga ang fasting sa buwan ng Ramadan.
Ngayong taon dahil sa patuloy pa ring nararanasang ng COVID-19 outbreak ay may ilang nakaugalian ang mga Muslim tuwing Ramadan ang hindi na muna nila gagawin. | Larawan mula sa Freepik
Iba pang dapat gawin ng Muslim tuwing Ramadan
Maliban sa fasting ay may apat na pillars pang kailangang gawin ang mga Muslim tuwing buwan ng Ramadan. Ito ay ang Shahadah o ang pagsasagawa ng ritwal ng mga Muslim.
Sunod ay ang Salat o ang pagdadasal gabi-gabi ng mga Muslim sa buong buwan ng Ramadan. Ang Zakat o pagbibigay donasyon o pagkakakawang-gawa ng mga Muslim sa kanilang kapwa. Samatala, ang Haji o ang holy pilgrimage ng mga Muslim patungo sa Mecca. Mecca ay ang itinuturing na holiest city ng Islam na makikita sa Saudi Arabia.
Sa ibang selebrasyon ang mga kapatid nating muslim ay nagbibigay ng pera sa mga mahihirap na tinatawag na ‘Zakat al-Firt’ ito ang amount o halaga na ibinibagay na nakadepende sa kung ano ang mayroon ang isang muslim.
Nagbibigay rin sila ng Eid greeting at nagsasagawa ng selebrasyon kasama ang kanilang mga pamilya. Maraming mga Pilipinong Muslim din ang nagsasagawa ng mga festival bilang pagbibigay pasasalamat kay Allah sa kaniyang tulong at pagbibigay sa kanila ng lakas habang nara-Ramadan sila sa buwan ng Ramadam. Pati na ang pagtulong ni Allah na ma-practice ang self-control.
Ang kadalasang ginagamit na pagbati ng mga kapatid nating Muslim sa araw naman ng “Eid Mubarak” ay isang Arabic na salita na ang ibig sabihin ay ‘blessed festival’. Ang tamang pagsagot naman sa ‘Eid Mubarak’ ay ‘Khair Mubarak’ na ang ibig sabihin naman ay ‘goodness on the person who has greeted you.
Ramadan 2021 sa Pilipinas
Ngayong taon dahil sa patuloy pa ring nararanasang ng COVID-19 outbreak ay may ilang nakaugalian ang mga Muslim tuwing Ramadan ang hindi na muna nila gagawin.
Tulad ng na lamang nang pagdarasal at pagpunta sa kanilang mga Mosque. Sa halip ay maaari nilang gawin na lamang ito sa kanilang mga bahay. Ganoon din ang salu-salo pagkatapos ng buwan ng Ramadan.
Ito ay dahil isa itong okasyon na pagsasamahan ng maraming tao o mass gathering. Isa sa ipinagbabawal ng ipinatutupad ng enhanced community quarantine sa bansa.
Aabot sa anim na porsiyento (6%) ang populasyon sa bansa. Bilang paggalang sa mga kababayan nating mga muslim at pag-honour na rin sa ating Islamic heritage, ipinasa at isinabatas ng gobyerno noong 2002 ang Eid’l Fitr bilang isang regular holiday sa virtue ng Republic Act 9177 and Presidential Proclamation 1083, na tuluyang naisabatas noong November 2002 noong rehimen ng dating pangulong si Gloria Macapagal Arroyo.
Matatapos ang Ramadan sa Mayo 12, 2021. Ang araw ng ito’y nakadepende sa appearance o pagpapakita ng crescent moon at maaari ring mag-vary sa iba’t ibang bansa. Nakadepende ito sa Islamic calendar ng mga muslim din.
Source:
Haaretz, New Muslim Guide, Rappler
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!