Ayaw dumede ni baby sa bote? Ito ang 9 tips para sa'yo!

Malaki ba ang problema mo dahil ayaw dumede ni baby sa bote? Moms, 'wag mag-alala, narito ang tips at solusyon sa feeding session kay baby! | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa patuloy na paglaki ng iyong anak, hindi na diyan maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa pagpapakain o pagpapasuso. Sa katunayan, karaniwan itong nagsisimula kapag nais mo nang itigil ang iyong anak sa breastfeeding. Kaya lang, ayaw ba dumede ni baby sa bote at gusto pa ring bumalik sa breastfeeding?

Maaari itong tumagal hanggang sa unang taon niya. Moms, narito ang sagot sa iyong problema!

Bakit ayaw dumede ni baby sa bote?

Oo, hindi madali ang transition ng breastfeeding sa bottle-feeding. Lalo na kung minahal na ng todo ng iyong anak ang pagpapasuso. Habang ikaw ay nasa gitna ng pagpaplano sa paglipat sa bottle-feeding ng iyong anak, maaaring hindi niya gusto ang ideya na ito.

Bilang magulang, ito na ata ang pinakamahirap na mararanasan natin. Talaga namang masusubok ang iyong pasensya sa baby na ayaw dumede sa bote, kaya pa ba ni mommy? Siyempre naman!

Pasensya, effort at tiyaga. Ito ang kailangan mong baunin sa mga panahong ito para maging successful ang transition. Pero bago ang lahat, atin munang unawain ang bawat bagay.

Ano ang dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby sa bote?

Walang kakayahang magsalita ang isang sanggol at sabihin ang kaniyang mga hinaing kung bakit ayaw niya sa bote. Pero bilang nanay, may pagkakataon tayo para maintindihan ang kanilang nais ipahayag base sa ipinapakita nilang signs:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pinapakitang ayaw sa milk bottle o tekstura nito. Sa ilang buwan na pagpapasuso mo sa iyong anak, alam na alam na niya ang pagkakaiba ng iyong nipple sa artificial nipple. Maaaring hindi komportable sa paglabas ng gatas ang iyong anak. I-check ang butas ng bote kung masyado bang maliit o malaki.
  • Maaaring may mali sa gatas. Kung ikukumpara sa gatas ng ina, alam na alam din ng iyong anak ang pagkakaiba nito sa ibang gatas. Pwede rin namang masyadong mainit o malamig ang gatas, kakaiba ang flavor at tekstura nito.
  • Hindi pa gutom. Ayaw dumede ni baby sa bote? Baka naman kasi hindi pa talaga siya gutom. Kung sa tingin mo ganito ang pangyayari, subukang painumin ng gatas kapag alam mong gutom na ang iyong anak. Kung nagsimula namang kumain ng solid foods si baby, maaaring ito rin ang dahilan. Busog na sila at hindi na kayang uminom pa ng gatas.
  • Ayaw tumigil sa breastfeeding. Kung kakasimula mo lang sa transition ng breastfeeding sa bottle-feeding, nasa phase ka pa ng adjustment at kinakailangan ng mahabang pasensya.

Ang totong katanungan, ano nga ba ang dapat gawin?

Ayaw dumede ng anak mo sa bote | Image from iStock

Ayaw dumede ni baby sa bote? Ito ang 9 tips para sa’yo!

Marami ang rason kung bakit ayaw dumede ni baby sa bote. Ngunit maaari mo namang subukan ito para sa smooth transition!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Magsimula ng maaga

Maagang bigyan ng artificial nipple ang iyong baby kung sa tingin mo ay handa na siya. Tandaan, ‘wag pilitin ang sanggol kung ayaw nito. Saka lang ialok ng marahan ng bote ang iyong anak kung siya ay nagpapakita ng interes sa pagkain.

2. Paunti-unting paglipat sa bote

Hindi nagtatagumpay ang isang bagay kung minamadali ito. Lalo na kung pangangailangan ng bata ang usapan. Maaaring subukan ang transition na ito ng dahan-dahan lamang at ‘wag biglain ang sanggol. Kung sasanayin ito, paunti-unti niyang matutunan at magiging komportable sa paggamit ng bote.

Ayaw dumede ng anak mo sa bote? | Image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Mahalaga ang oras

Maglaan ng regualr na feeding routine sa iyong anak. Bigyan sila ng gatas sa bote sa parehong oras araw-araw. Makakatulong din ito sa kanila kung talagang gutom na sila sa mga oras na iyon at hindi na nila aayawan ang ibibigay mo.

Hindi ibig sabihin nito na kailangang gutumin ang iyong anak. Ibig sabihin ay pakiramdaman kung kailan sila gutom at kung kailan sila dapat pakainin.

4. Baka may sakit si baby?

May ibang kaso na hindi bote o gatas ang problema. Kung mapapansin mong hindi komportable ang iyong anak at nagpapakita ito ng ibang sintomas ng sakit katulad ng ubo, lagnat o impeksyon kapag sinusubukan mo silang pakainin, mas makabubuting ipatingin agad sila sa doktor.

5. Pagiging tahimik

Isa pang dapat tandaan kapag papakainin ang iyong anak ay ang paligid kung nasaan sila. Baka naman kasi masyadong maingay at hindi komportble si baby sa paligid kaya hindi siya makakain ng maayos?

Maaaring ito ay malakas na ingay na nangagagaling sa TV o sigawan ng ibang kapatid. Dalhin sila sa relaxing at tahimik na kwarto kapag bibigyan ng gatas.

6. Baby bottles

Hindi mai-enjoy ni baby ang isang gatas kung ang problema naman ay ang baby bottle. Sumubok ng iba’t-ibang hugis at laki ng bote depende sa magugustuhan ng iyong anak.

7. Tamang posisyon

Bukod sa uri at size ng bote, alalahanin din ang tamang posisyon sa pagpapadede. Kailangan ay maayos ito at komportable si baby para makakain ng maayos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Subukang iba naman ang magbigay ng gatas

Makakatulong din kung iba naman ang magbibigay ng gatas kay baby. Helpful ito sa smooth transition ni baby mula breastfeeding papuntang bottle-feeding.

Maaaring ito ang asawa mo, katulong o ibang kapamilya ang magbibigay ng gatas na nasa bote kay baby.

9. ‘Wag mawalan ng pag-asa!

Maaaring nakapagod talaga sa una pero higpitan lang ng kapit! Magbaon ng madaming pasensya at panatilihing kalmado kapag feeding session kay baby.

Sundin ang aming tips na ibinigay sa taas. Batid namin ang matagumpay na pagpapadede kay baby thru baby bottle!

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Sinulat ni

Mach Marciano