Hanggang kailan ba tayo makakarinig ng mga salitang “Baby dies after abuse.”? Kahit saang anggulo, hindi naging tama ang pang aabuso sa kababaihan o mga bata.
Normal sa isang relasyon ang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan na nagiging dahilan ng pag-aaway. Ngunit para sa mag-asawa sa probinsya ng Shaanxi sa bansang China, ang pangkaraniwang sitwasyon na ito ay naging malala dahilan ng pagkamatay ng kanilang 2 years old na baby.
Baby, binugbog at hinagis ng tatay sa sofa habang kinukuhaan ng video ng sariling ina
Note: Distressing content ahead, viewers to watch with discretion.
Mabilis na kumalat sa social media ang 7-second video clip kung saan makikita na buhat ng tatay na si Liu ang anak nito at saka walang awang hinagis sa sofa. Makikita sa video na dalawang beses na nalaglag sa sahig ang bata dahil sa paghagis ng tatay nito sa sofa.
Matapos ang insidente, agad na isinugod sa Baoji People’s Hospital ang 2 year and 6 months old na bata para mabigyan ng emergency treatment.
Ang bata ay kinailangang dumaan sa cardiopulmonary resuscitation at saka lang nalaman na nagkaroon ito ng traumatic brain injury. Nilagay rin muna siya sa intensive care unit para matutukan ang paggaling ngunit agad rin itong namatay dahil sa mga natamong injury.
Baby dies after abuse
Habang ang tatay naman nito na si Liu ay nasa ilalim ng custody habang iniimbestigahan.
Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente dahil sa pag-aaway ng mga magulang. Ang tatay ay napag-alamang nakainom.
Ang nasabing video ay napag-alamang kuha ng sariling nanay ng bata.
Siya ngayon ay binibigyan ng psychological counselling dahil sa nangyari. Hindi pa rin malaman kung bakit nagawang kuhanan lamang ng nanay ng video ang kanyang anak habang ito ay inaabuso. Ngunit ayon sa Sina News, ang nanay na ito ay mayroong mental illness.
Baby, hinagis ng tatay sa sofa habang kinukuhaan ng video ng sariling ina | Image from Unsplash
Pananagot ng mga magulang
Ayon sa balita, ang ipapataw na sintensya sa tatay ay nakabase sa bigat ng kanyang parusa.
Pahayag naman ng isang lawyer, kailangan nitong mabigyan ng kaso sa intentional injury imbes na intentional murder. Ayon sa Ding, makikita sa video na pinagtangkaan na saktan ng tatay ang anak dahil hinagis ito sa sofa at hindi sa sahig.
Nabigyan ito ng kaso dahil sa intentional injury at nahaharap na makulong ng hindi hihigit sa 10 taon, habang buhay na pagkakakulong o death penalty.
Baby, hinagis ng tatay sa sofa habang kinukuhaan ng video ng sariling ina | Image from Unsplash
Ano ang kaso sa pang aabuso sa mga bata?
Ang Republic Act No. 7610 ay mas kilala bilang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
“An act providing for stronger deterrence and special protection against child abuse, exploitation and discrimination, and for other purposes.”
Pasok sa Child abuse ang physical, psychological na pang-aabuso sa mga bata. Kasama na rin dito ang cruelty o sexual abuse na maaaring makaapekto sa bata.
Sakop ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang mga menor de edad na nasa 18 years old pababa. Kasama na rin dito ang mga higit 18 years old ngunit walang kakayahan na alagaan ang sarili o yung mga may physical o mental disability/condition.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Babae na pilit sino-suffocate ang isang bata kuha sa video
Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?
Real mom shares “Kahit sinaktan ako [physically] ng asawa ko, mahal ko pa din siya.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!