#AskDok: Pagsakay ng motorsiklo, tricycle, at pagmamaneho ng kotse masama ba sa buntis?

Kumonsulta kami kay Dr. Kristen Cruz-Canlas upang alamin kung ligtas nga ba o hindi ang pagsakay sa motor ng buntis, pati na rin kung ligtas ito sa mga sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dito sa Pilipinas, isa sa pinaka-popular na paraan upang makapunta sa iba’t-ibang lugar ay ang paggamit ng motorsiklo.  Dahil sa matinding trapiko, marami na rin ang tumatangkilik sa paggamit ng motorsiklo para mas madaling makarating sa mga dapat puntahan.

Hindi maikakaila na halos lahat ng klase ng tao ay makikitang nakasakay sa motor dito sa bansa, mapa-bata man o matanda. Ngunit kung buntis ang sasakay ng motorsiklo ligtas nga ba ito? Bawal ba matagtag ang buntis dulot ng pagsakay sa motor ng buntis?

Bawal ba matagtag ang buntis?

Mommy, preggy ka ba at napapaisip kung ligtas ba ang pagsakay sa motor ng buntis? Napapatanong ka rin ba kung bawal ba talagang matagtag ang buntis?

Ang usapin kung ligtas nga ba ang pagsakay sa motor ng buntis at mga baby ay isa sa pinakamadalas tanungin sa aming theAsianparent Community App. 

Ayon sa ibang mga ina ay hindi raw ito safe na gawin ng mga buntis. Ito ay dahil baka matagtag ang ina, at magdulot ng maagang panganganak, o kaya pagkalaglag ng baby.

Image from Freepik

Pagdating naman sa pagsakay ng sanggol  o pag-angkas nito sa motor, marami ang nagsasabi na baka raw madisgrasya ang baby kapag sumakay sa motor.

Ngunit halo rin ang opinyon ng mga magulang pagdating dito. Ang ibang ina ay sinasabing safe ito, basta’t hindi malayo ang pupuntahan o matagal ang pagsakay. Ang opinyon naman ng ibang mga mommy pagdating sa pagsakay nang may kasamang baby, okay lang daw ito basta’t hawakang mabuti ang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ano nga ba ang ligtas sa mga ina at mga sanggol? Bawal bang matagtag ang buntis sa motor?

Tanong mula sa theAsianparent app

Ano ang payo ni doc? Bawal ba matagtag ang buntis?

Dahil rito, kumonsulta kami kay Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, upang alamin kung ligtas nga ba ito o hindi. Heto ang kaniyang rekomendasyon tungkol dito.

Safe po ba sa mga nagbubuntis ang sumakay sa motor?

“Hindi po safe na sumakay sa motor ang mga nagbubuntis dahil wala pong sapat na proteksyon ang mga motor. Delikado po ang direct impact sa tiyan ng isang buntis dahil pwede pong magkaroon ng abruptio placenta or ma detach ang inunan(placenta) , pagdurugo sa loob ng tiyan(concealed hemorrhage), preterm labor or abortion.”

Ngunit nilinaw din ni Dr. Cruz-Canlas,

Wala pong enough studies/ guidelines kung nakakapag dulot ba ng miscarriages/preterm birth ang madalas na pag sakay ng motor.”

Bawal ba matagtag ang buntis?

Ayon pa sa doktor,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi po safe na inangkas or isakay si baby sa motor dahil bukod sa walang sapat na external protection, hindi din kaya ng mga baby na umangkas na kagaya ng mga adults, wala din seatbelts kaya hindi po safe.”

Image from Freepik

Kung tricycle naman po ‘yong sasakyan, safe po ba yun for pregnant moms and babies?

“In general, anuman pong sasakyan pag hindi tama ang pag gamit at hindi sumunod sa safety protocol (use of seatbelts, car seats, discipline , right attitude) hindi po safe.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ligtas ba ang pagsakay sa motor ng buntis?

Bawal bang matagtag ang buntis dahil sa pagsakay sa motor? Ang pagsakay sa motor ng sino man ay may kaakibat na risks at precautions. Ibang usapin pa kung ikaw ay buntis. Hindi naman daw bawal na sumakay sa motorsiklo kapag ikaw ay buntis.

Kaya lamang, ay mataas ang tiyansa ng aksidente sa inyo ni baby dahil walang sapat na proteksyon tulad ng seat belt ang motor.

Ayon kay Dr. Amos Grunebaum, professor ng Obstetrics and Gynecology sa New York at specialist ng high-risk pregnancies, kung ikaw ay buntis, dalawang buhay ang dapat mong isaalang-alang pagdating sa kaligtasan.

Aniya, nirerekomenda ng mga doktor na iwasan ng mga buntis ang high-risk activities tulad ng pagsakay sa motor dahil malaki ang posibilidad na makasama ito sa buntis at sa baby.

Wala naman umano aniyang benepisyong makukuha ang buntis at ang baby sa pagsakay sa motor. Dagdag pa rito, mataas ang potensyal na mahulog o maaksidente na maaaring magdulot ng injury ang pagsakay sa motor ng buntis.

Saad ng doktor-propesor, kaunting sanggi lang ng ibang sasakyan sa motor ay maaari nang magdulot ng trauma sa katawan ng expectant mom at sa kaniyang sinapupunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaari itong magdulot ng injury sa baby, sa placenta, at maaari ring mauwi sa premature labor. Tandaan din umano na kapag mas malaki na ang tiyan ay mas matindi rin ang banta sa buhay ng bata kung sakaling maaksidente habang sakay ng motorsiklo.

Ayon naman sa Motor Gear Expert, iwasan umanong sumakay ng motor kung ikaw ay buntis at nasa third trimester na. Ito ay dahil mas mahihirapan ka nang balansehin ang iyong katawan dahil mabigat na ang iyong tiyan.

Dagdag pa nito, lahat naman aniya ng sasakyan ay delikado lalo na kung reckless ang mga tao. Subalit giit nito na mas mataas ang posibilidad ng aksidente sa mga motorbike.

Bukod sa walang protective cage, seatbelts, at airbags ang mga motor kompara sa mga four-wheeler na sasakyan, may mga naitalang insidente rin kung saan ang sakay ng motorsiklong naaksidente ay tumalsik palayo ng sasakyan.

Kaya rekomendasyon nila na mas maiging iwasan na lamang ang pagsakay ng motor kung ikaw ay buntis.

Ano ang masasabi ng batas tungkol dito?

Base sa batas sa Pilipinas, walang sinasabi na bawal ang pagsakay ng mga buntis sa motor. Ang kailangan lang ay kapag sasakay ng motor ay mayroong suot na helmet.

Sa mga baby naman, ipinagbabawal ang pag-angkas o pagsakay ng mga baby sa motor. Kahit nga mga bata ay kinakailangang nasa wastong edad bago sila sumakay sa motor. Bukod dito, kailangan din na mayroon silang suot na helmet upang ligtas ang bata.

Malaking problema ito sa mga baby, dahil una, hindi sila makakapagsuot ng helmet, at lubhang mapanganib ang pagsakay ng motor para sa kanila.

Madaling maaksidente rito, at dahil mahina pa ang kanilang katawan ay posible silang mamatay kahit sumemplang lang ang motor sa daan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano sumakay sa motor kung ikaw ay buntis?

Convenient at easy maintenance ang paggamit ng motorsiklo sa pagbyahe. Ngunit ibang usapan kung ikaw ay buntis. Ligtas namang sumakay ng motor kung nasa early stage pa lang ang iyong pagbubuntis. Tandaan lang na magsuot ng proper protection at baguhin ang nakagawiang sitting pattern.

Nirerekomendang iwasan ang pagsakay sa motor kung ikaw ay buntis, dahil sa kaakibat nitong banta ng disgrasya. Subalit kung wala kang ibang pagpipilian kundi ang sumakay sa motor, narito ang sitting behavior na maaari mong sundin para kahit paano ay maprotektahan ang katawan at si baby:

  • Bigyang atensyon ang iyong postura. Siguraduhing masusuportahan ng iyong mga hita at binti ang weight distribution ng iyong upper body. Ituwid ang iyong likod.
  • I-lean back ang iyong mga balikat at itunghay ang ulo. Iposisyon ng 90-degree angle ang iyong lower body.
  • Kung ikaw ay naka-angkas, mas mabuting maglagay ng pillion o ‘yong maliit na cushion na idinudugtong sa upuan ng motor. Makatutulong ito para mabigyan ka ng karagdagang suporta.
  • Kung ikaw naman ang nagmamaneho, hayaang naka-spread nang maayos ang iyong mga binti upang ikaw ay maging komportable. Hawakan nang maayos at nasa tamang anggulo ang mga handle ng motor.
  • Mahalaga rin ang head posture. Tiyaking maayos mong nakikita ang daan upang maiwasan ang serious injury.
  • Upang makaupo nang mas komportable, magsuot ng magaang damit bago sumakay sa motor. Makatutulong ito para makagalaw nang maayos at makontrol ang motor nang maayos.
  • Kung ikaw ay nasa driving position, gumamit ng suporta na maaaring sandalan para mabawasan ang pressure sa iyong baby bump. 

Pwede bang mag-motor ang buntis?

Ang sagot sa tanong na pwede ba mag motor ang buntis ay simple lang.  Kagaya ng nabanggit sa taas, maaaring magmotor ang buntis ngunit tandaan na may kaakibat itong banta ng aksidente na maaaring magdulot ng injury sa buntis at sa baby.

Kung walang ibang maaaring sakyan, narito ang mga dapat tandaan kung magmamaneho ng motor habang buntis:

  • Magsuot ng safety gears – buntis ka man o hindi, mahalaga ang pagsusuot ng helmet at safeguards. Mapoprotektahan nito ang iyong ulo at ibang bahagi ng katawan sakaling maaksidente sa kalsada.
  • Iwasang sipain ang engine starter – kailangan ng matinding lakas sa pagsipa ng engine starter kaya hindi ito advisable na gawin ng buntis. Magpatulong sa iyong asawa o kaibigan sa pagsipa sa lever.
  • Magmaneho nang dahan-dahan – tiyaking paandarin ang motor nang may sapat na bilis. Maaaring magresulta ng life-threatening incidents ang overspeeding.
  • Iwasan muna ang pagbiyahe sa malalayong lugar – hindi nirerekomenda ang pagsakay sa motor nang matagal kung ikaw ay buntis. Makadudulot ito ng pagsakit ng iyong likod, balakang, at pwede ring maging sanhi ng stress. Huwag nang sumakay nang motor kung hindi naman kailangan.
  • Iwasan ang mga abalang lugar – mas mataas ang tsansa ng aksidente sa mga lugar, kalsada, o kalyeng masisikip, maraming ibang sasakyan, o maraming tao.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Dids

Pagmamaneho habang buntis pwede ba?

Matapos natin malaman kung bawal bang matagtag ang buntis dahil sa pagsakay sa motor, alamin naman natin kung pwede bang magmaneho ng kotse ang buntis.

Bawal din bang matagtag ang buntis dahil sa pagmamaneho ng kotse o ano mang four-wheeler na sasakyan?

Kung pagmamaneho ng kotse ang pag-uusapan, delikado rin ito sa buntis sa second trimester. May kaakibat naman talagang risk ang lahat ng uri ng pagmamaneho. Pero mas mataas nga lang ito sa second trimester ng pregnancy.

Ayon sa artikulo ng Healthline, mayroong pag-aaral noong 2014 kung saan lumalabas na 42 percent ng mga babaeng buntis ang kadalasang nasasangkot sa mga seryosong car accident kompata sa mga hindi buntis.

Kaya naman, mahalagang iwasan munang magmaneho ng sasakyan sa ikalawang trimester ng iyong pregnancy. Samantala, ang risk ng aksidente sa mga nasa kanilang first at third trimester ng pagbubuntis ay pareho lang ng sa mga hindi buntis.

Kung sasakay lang naman ng kotse at hindi naman ikaw ang magmamaneho ay ayos lang naman ito. Ligtas ito para sa inyo ni baby. Hindi man naipaliwanag ng mga mananaliksik ang eksaktong rason kung bakit madalas na nangyayari ito sa second trimester, pinaniniwalaan ng mga eksperto na dahil ito sa matinding pagbabago sa hormones ng babae sa ikalawang trimester ng pagbubuntis.

Sa second trimester kasi karaniwang nararanasan ng mga buntis ang iba’t ibang sama ng pakiramdam kaugnay ng pregnancy. Tulad na lamang ng kakulangan sa tulog, fatigue, at madalas na pagkahilo.

Paano maiiwasan ang disgrasya sa kalsada habang buntis?

Mahirap iwasan ang aksidente sa kalsada lalo na at hindi lang naman nakasalalay sa iyo ang kaligtasan mo tuwing bumabyahe. May ibang mga factor din na pinagmumulan ng aksidente. Halimbawa ay ang nagdulot nito ay nasa kabilang sasakyan.

Kaya naman, para matiyak na mabawasan ang matinding pinsala kung sakaling magkaroon ng aksidente, mahalagang palaging magsuot ng seat belt tuwing bibyahe.

Mapapaliit nito ang tiyansa ng severe injury sa inyo ni baby kung sakaling magkaroon man ng aksidente sa daan.

Narito ang tips sa pagsusuot ng three-point seat belt habang ikaw ay buntis:

  • Ilagay ang lap portion ng belt sa ilalim ng iyong belly.
  • Kung ikaw ang magmamaneho, tiyaking malayo ang driver’s seat sa manibela.
  • Siguraduhing madaling maaabot ang mga mahalagang bahagi ng sasakyan tulad preno, gear shift, at headlights button.
  • I-adjust ang anggulo ng manibela o steering wheel pataas. Ito ay upang hindi direktang nakatapat sa iyong tiyan ang ibabang bahagi ng manibela.
  • Tiyaking nakaposisyon nang maayos ang belt sa ibabaw ng iyong balikat at pababa sa gitna ng iyong dibdib.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Pixabay

Kailan hindi dapat magmaneho

Ipinapayo sa mga buntis na huwag nang magmaneho kung ikaw ay:

  • May matinding nausea o pagkahilo na tila naduduwal. Delikadong magneho kung nakakaramdam ka na tila nasusuka at nahihilo dulot ng iyong pregnancy hormones. Kaya naman huwag na huwag magmamaneho kung nakakaramdam ng nausea.
  • Huwag na rin magmaneho kung sapalagay mo ay hindi ka makakahinto o walang stop over na pwedeng gawin patungo sa pupuntahan. Kapag ikaw ay buntis, mataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng deep vein thrombosis (DVT). Blood clot ito na madalas na nagsisimula sa bunti at maaaring umakyat patungo sa baga. Delikado ang kondisyon na ito at posibleng nakamamatay. Mahalagang mapanatili ang maayos na daloy ng dugo sa pamamagitan ng stretch breaks.

Kaya kung sapalagay mo ay hindi ka makakapag-stretch breaks sa pagmamaneho ay huwag na lang munang mag-drive.

  • Kung madali kang ma-distract sa kalsada mabuting huwag na ring magmaneho. Kapag ikaw ay preggy, mas mataas ang tiyansa ng distraction dahil sa iba’t ibang pregnancy sickness tulad ng heartburn, nausea, insomnia, stress, at anxiety.
  • Kapag may nararamdamang masakit sa katawan na nagdudulot ng hirap sa paggalaw, mahalagang huwag nang magmaneho. Halimbawa ay nahihirapan kang lumingon dulot ng sakit sa likod at iba pang bahagi ng katawan. Delikado ito dahil mahihirapan kang sulyapan ang side mirror at rear view mirror para tinginan ang likod at gilid ng sasakyan.
  • Huwag na huwag magmamaneho kung ikaw ay nagle-labor na! Kahit ang kaunting contractions ay posibleng tumindi at magdulot ng kawalan mo ng kakayahang magmaneho nang ligtas. Delikado ito kung habang nasa daan ay bigla kang makaramdam ng matinding contractions at mawala sa focus ng pagmamaneho.

Kung nag-iisa sa bahay at biglang nakaramdam ng pagle-labor, huwag mag panic. Mas mabuting tumawag ng ambulansya kaysa ipagmaneho ang sarili patungo sa paanakan. Tandaan na mahalaga ang kaligtasan mo at ng iyong baby. Kaya naman, mahalaga ang dobleng pag-iingat sa lahat ng pagkakataon.

May tanong kay, Dok? I-post ang tanong sa aming libreng online community app! I-download ang theAsianparent app dito.

 

Photo: Newnation

Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara