Pwede ba ang softdrinks sa buntis? Ayon kay Dr. Ramon Reyles, isang OB-Gynecologist, may mga inuming bawal inumin ng buntis. Dahil ang mga ito’y maaaring makasama sa kaniyang pagdadalang-tao. Alamin kung ano ang mga inuming ito at bakit ito kailangang iwasan ng buntis sa artikulong ito.
Talaan ng Nilalaman
Mga inuming bawal inumin ng buntis
Sa pagbubuntis nagsisimula ang buhay ng isang tao. Kaya naman napakahalaga o sensitibo ng yugto na ito sa buhay ng isang babae. Sa pagbubuntis maraming bagay siyang hindi na muna dapat gawin o kainin.
Ganoon din ang ilang mga beverages o juices na bawal niya munang inumin. Dahil sa ito’y maaaring magdulot ng peligro sa buhay ng dinadalang niyang sanggol.
Sa pamamagitan ng isang ekskusibong panayam ay ibinahagi ni Dr. Ramon Reyles, isang OB-Gyne at Chairperson ng Department of OB-GYN ng Makati Medical Center ang mga inumin na sinasabing maaaring makasama sa pagdadalang-tao. Ito ay ang sumusunod:
Kape
Marami sa atin ang mahilig sa kape. Pero ayon kay Dr. Reyles, pagdating sa mga babaeng nagdadalang-tao kailangang limitahan ang pag-inom nito.
Sapagkat ang caffeine humahalo sa ating bloodstream at nakakarating sa ipinagbubuntis na sanggol. Kung ang pag-inom ng kape ay nakakaapekto sa kakayahan nating matulog, ganoon din ang epekto nito sa mga sanggol na hindi pa naipanganganak.
Tulad ng epekto sa atin ng pagpupuyat, hindi rin magiging mabuti ang epekto nito sa katawan ng nagde-develop pang sanggol sa sinapupunan.
Bagama’t sinabi ni Dr. Reyles na hindi naman ganap na ipinagbabawal ang pag-inom ng kape ng buntis, mabuting limitahan ito. Ito’y para makasigurong hindi ito makakasama sa ipinagbubuntis na sanggol.
“Pwede naman but limit. Pwedeng once in a while but not every day and it should not be part of your regular diet… Conditional ang kape.
Kung dati ka ng umiinom ng kape pwede naman. Pero you have to limit, mga one cup lang pwede na or not more than 200 mg of caffeine a day.”
Bilang pamalit sa kape maaaring uminom ng herbal tea. Tulad ng ginger at peppermint tea na nakakatulong maibsan ang sintomas ng morning sickness. Pwede rin ang lemon tea na pampakalma.
Pero dapat ay mag-ingat din sa pag-inom ng herbal tea. Mainam na magtanong muna sa iyong doktor kung anong klaseng tea ang dapat inumin. May mga herbs kasi ang toxic at maaaring makasama sa ipinagbubuntis na sanggol.
Photo by Shirley Tan from Pexels
Iced tea at milk tea
Tulad ng kape, hindi naman ganap na ipinagbabawal sa buntis ang pag-inom ng mga iced tea at milk tea. Ang kailangan lang din na limitahan ang pag-inom nito.
Maliban sa taglay nitong mataas na lebel ng caffeine, matamis din ito. Maaaring makasama sa buntis ang kung sosobra sa mamatatamis na inumin. Ayon kay Dr. Reyles,
“Pwede but limit rin. Kasi may caffeine rin ‘yun at the same time matamis so limit lang.”
Kaya tulad ng kape dapat limitahan lang ang pag-inom ng milk tea o iced tea ng buntis. Dapat isang cup o baso lang nito sa isang araw.
Pero kung kaya na huwag na munang uminom nito habang nagdadalang-tao ay mas mabuti at pabor sa sanggol na ipinagbubuntis.
Bawal ba sa buntis ang softdrinks?
Softdrink sa buntis? Isa pang inumin na bawal inumin ng buntis hangga’t maaari’y ang mga soft drinks o carbonated drinks. Sapagkat maliban sa mataas ang caffeine level ng inuming ito, mataas din ang calories nito.
Saka nagtataglay rin ito ng artificial sweeteners, lalo na ang mga diet soda na maaaring magdulot ng infant obesity. Kaya payo ni Dr. Reyles, mabuting iwasan nalang itong inumin,
“’Yong mga carbonated drinks, mataas ang caffeine at calories. They are unnecessary calories and caffeine kaya better to avoid and take water nalang.”
Kung naghahanap ng refreshment sa mainit na panahon, mainam na uminom nalang ng lemonade ang buntis. O kaya naman ay fresh coconut water na sinasabing nakakatulong ring maibsan ang sintomas ng morning sickness at dehydration.
Basta’t huwag lang masyadong sosobra sa pag-inom nito. Dapat ay limitahan lang ito sa isang baso sa isang araw. Dahil sa ito ay nagtataglay ng sodium at potassium na maaring makaapekto sa blood pressure ng buntis.
Mga pag-aaral tungkol sa softdrinks sa buntis
Maraming mga pag-aaral sa kaugnayan sa pagitan ng caffeine at ang mga panganib nito, tulad ng miscarriage, ay medyo limitado. Ang ilan ay may maliliit na sukat ng sample, habang ang iba ay may data na may naturang bias.
Hindi isinaalang-alang ng ibang pananaliksik ang iba pang mga salik (bukod sa caffeine) na maaaring tumaas ang panganib ng miscarriage.
Halimbawa, ang isang pag-aaral noong 2008 ay hindi nakahanap ng anumang kaugnayan sa pagitan ng pagkonsumo ng caffeine at miscarriage, gaano man karami ang nakonsumo.
Ngunit ang isa pang pag-aaral sa parehong taon ay nakahanap ng mas mataas na panganib ng pagkalaglag na may mas mataas na antas ng pagkonsumo ng caffeine kapag ang mga buntis ay may 200 mg bawat araw o higit pa.
Samantala, maraming pag-aaral na sumusuri sa kaugnayan sa pagitan ng paggamit ng caffeine at preterm na kapanganakan, ay hindi natagpuan na ang katamtamang pag-inom ng caffeine ay nagpapataas ng panganib ng preterm na panganganak.
Dagdag pa, ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), walang tiyak na katibayan na binabawasan ng caffeine ang daloy ng dugo ng matris, dami ng oxygen ng pangsanggol, o timbang ng kapanganakan.
Iyon ang dahilan kung bakit ang kasalukuyang mga alituntunin ng ACOG para sa mga buntis ay nagsasaad na maaari silang magkaroon ng katamtamang halaga ng caffeine, hangga’t ito ay 200 mg o mas mababa bawat araw.
Ang isang 12-ounce na lata ng soda ay may humigit-kumulang 35 mg ng caffeine at isang 12-ounce na lata ng Mountain Dew ay may humigit-kumulang 54 mg.
Epekto ng softdrinks sa buntis
Ang caffeine ay isang stimulant, kaya bagama’t maaari itong makatulong sa iyong manatiling gising sa isang araw kung saan nakakaramdam ka ng partikular na pagkapagod, maaari rin nitong mapataas ang iyong presyon ng dugo at tibok ng puso.
Habang lumalaki ang iyong pagbubuntis, maaaring hindi ma-break down ng iyong katawan ang caffeine nang mabilis, kaya maaari itong magbigay ng mas mahirap na pagkatulog, heartburn, o pagkabalisa.
Kaya’t kung nakakahanap ka ng caffeine ay nakakaapekto sa iyo nang higit kaysa dati bago ang iyong pagbubuntis – at ginagawa kang hindi komportable – maaari mong isaalang-alang ang pag-iwas dito.
Pwede ba ang softdirnks sa buntis? Ang mga inuming matamis, kabilang ang softdrinks sa buntis, ay dapat ding iwasan kung mayroon kang gestational diabetes o maaaring may mas mataas na panganib na magkaroon nito.
Iyon ay dahil ang gestational diabetes ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon para sa iyo at sa iyong sanggol. Ang iyong sanggol ay maaaring lumaki nang masyadong malaki, na nagdaragdag ng panganib ng isang mahirap na panganganak.
Dagdag pa, ang mga malalaking sanggol ay maaaring mahirapang i-regulate ang kanilang sugar sa dugo pagkatapos ng kapanganakan.
Ang gestational diabetes ay nagdaragdag din sa iyong panganib ng mataas na presyon ng dugo sa panahon ng pagbubuntis at naglalagay sa iyo sa panganib na magkaroon ng type 2 diabetes pagkatapos manganak.
Photo by Charlotte May from Pexels
Energy drink
Madalas man nakakaramdam ng pagod o fatigue ang isang buntis, hindi naman inirerekumenda na siya’y uminom ng energy drink. Sapagkat nagtataglay rin ng high levels of caffeine.
Bilang pamalit mabuting uminom ng sports drinks na nagtataglay ng electrolytes na safe sa pagbubuntis. Ayon sa mga eksperto, ang mga sports drink ay nakakatulong na maibsan ang cramping na nararanasan ng buntis. Pinapanatili rin nitong balanse at nasa tamang level ang kaniyang body fluids.
Alcohol o alak
Pagdating sa alcohol, walang amount nito ang ligtas sa pagbubuntis. Mabuting iwasan na lang muna ito ng babaeng nagdadalang-tao. Sapagkat tulad ng caffeine, ang mga compounds nito’y maaaring humalo sa bloodstream ng buntis. Maaaring makarating ito sa sanggol at makaapekto sa kaniyang development. ‘
Kung nais na mag-unwind, mas mainam na uminom na lang ng mocktails na gawa sa mga fruit juices. Basta’t muli dapat siguraduhing pasteurized ito at panatilihing limitado ang pag-inom.
Raw milk
Ang gatas ay siksik ng nutrients na kailangan ng buntis. Pero payo ng mga eksperto, hindi sila dapat umiinom ng raw o unpasteurized milk.
Sapagkat maaaring nagtataglay nito ang bacteria na nakakasama sa pagdadalang-tao. Mas mabuting uminom sila ng mga pasteurized na gatas. Puwede ang mga pregnancy milk pero mas mainam na magtanong muna sa kaniyang doktor. Ito ay upang makasigurado na hindi ito makakaapekto sa pagbubuntis.
“Kung milk-intolerant ka, mga non-lactose replacement. Para sa mga general population na walang lactose intolerance, you can drink formula for pregnant moms, you can take them but ask your doctor.”
Untested tap water
Kailangan ng buntis na uminom ng maraming baso ng tubig sa isang araw. Pero dapat ang tubig na kaniyang iniinom ay hindi untested o hindi alam kung saan nagmula.
Sapagkat maaaring contaminated ito ng bacteria o lead na imbis na makatulong sa kaniya ay maaring makasama pa. Kaya naman mas mabuting uminom ng mga purified o tubig na dumaan sa filtration system. Ito ay para makasigurado na safe ito inumin at hindi makakasama sa kaniyang pagbubuntis.
Mga pwedeng inumin ng buntis
Paalala ni Dr. Reyles sa mga buntis, ugaliing uminom ng tubig at gatas para mapanatiling healthy ang inyong pangangatawan at pati na si baby sa loob ng inyong sinapupunan.
“Marami kasing calcium sa milk na kailangan ng buntis, kaya naman kailangan pa itong i-advise ng doktor kasi sa atin hindi naman tayo milk drinking country. Kaya paalala sa mga buntis na mahalaga ang calcium para sa kanila at kanilang baby.”
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.