Best Regalo Sa Binyag Ng Inaanak: Guide Para Sa Mga Ninang at Ninong

Kung may binyagan, may ninong at ninang! Iniisip mo na rin ba kung ano ang best na regalo sa binyag ng iyong inaanak? Alamin.

Binyag na yata ang isa sa mga common na celebration for babies bukod sa kanilang birthdays. Kung may binyagan, may ninong at ninang. Iniisip mo na rin ba kung ano ang best na regalo sa binyag ng iyong inaanak?

Kilalang-kilala ang binyag lalo sa kultura ng Pilipino na karamihan ng religion ay Roman Catholic. Malaking bilang ng pamilya sa bansa ang ginagawa ito. 

Kadalasang pinagpapasyahan ng mga magulang ng baby na ipabinyag siya bago mag-isang taon gulang ang bata. Minsan naman ginagawa ito kasabay ng kanyang first birthday upang mas makatipid sa paghahanda at maisabay na.

Masayang celebration ito para sa pamilyang Katoliko dahil nagsasama-sama ang ilan sa mga malalapit na kamag-anak, kaibigan, at kakilala kung saan sila na rin ang nagiging ninong at ninang ng mga bata. 

Common na tagpo sa binyagan na magmula ang karamihan ng aginaldong matatanggap ni baby sa kanyang mga ninong at ninang. Kung isa ka sa mga napili, narito ang list namin ng regalo para sa binyag for your inaanak! 

 

Para saan ang binyag for baby?

Taon-taon halos may nababalitaan tayong nabibinyagan na bata, artista man ‘yan o hindi. Halos kalakhan ng populasyon ang nagce-celebrate ng event na ito sa pamilyang Pilipino.

Ang tanong, ano nga ba ang purpose nito? Bakit ito kailangang ganapin sa early years ni baby?

Mahalagang tradisyon ito lalo sa Christian families sa panahon ng infant pa ang bata. Para sa kanila, ginagawa raw ito upang mabura ang “original sin" ng baby at maging full-pledged na anak ng diyos. Sinisimbolo rin nito ang pagpasok ng bata sa Christian faith at maging sa pamilya. 

Nangyayari ang kaganapang ito sa isang simbahan. Dinadamitan ang sanggol ng isang puting damit kasama ang mga magulang, ninong, at ninang. Nagkakaroon ng saglit ng misa ang pari para sa mga dumalo.

Matapos nito, ilalagay ang bata malapit sa baptismal font at nilalagyan ng tubig sa ulo. Ang gawaing ito ay sumisimbolo ng paglilinis daw ng kanyang kasalanan. 

Tiyaka ibibigay nang formal ang pangalan ng bata. 

 

Bakit kailangan ng ninong at ninang ng regalo para sa binyag?

Tumatayong “proxies" ng mga magulang ang ninong at ninang sa binyag. Pinipili ito ng mga magulang at kung sino ang tingin nila best para sa kanilang anak.

Kumbaga, ang mga ninong at inang daw ang nagbibigay din ng “spiritual growth" para sa bata bukod sa magulang. Sa panahon naman daw na neglectful o hindi na nagagampanan ng parents ang tamang pag gabay sa anak. 

Madalas ding eksena sa binyagan na kalakhan ng regalo sa bata ay nagmumula sa kanyang ninong at ninang. Sila ang karaniwang “sponsors," upang maisakatuparan ang celebration ni baby. 

 

For ninangs and ninongs: best regalo sa binyag ng inaanak

Kung ikaw ang chosen one, narito ang ilang recommendations namin ng regalo para sa binyag:

Pang regalo sa binyag Category
New Hope Tree Sweet Wooden Picture Frame  Best home decoration gift
Kongchengjun Babygrow Milestones Jumpsuit Best jumpsuit clothes
Create Life Baby Unisex Shoes Best unisex shoes
Baby Garden PH Summer Caps  Best infant hats
Snapteria Journals Baby Photo Album and Memory Book Best scrapbook

Best Regalo Sa Binyag Ng Inaanak
New Hope Tree Sweet Wooden Picture Frame
Best for home decoration gift
Buy Now
Kongchengjun Babygrow Milestones Jumpsuit
Best jumpsuit clothes
Buy Now
Create Life Baby Unisex Shoes
Best unisex shoes
Buy Now
Baby Garden PH Summer Caps
Best infant hats
Buy Now
Snapteria Journals Baby Photo Album and Memory Book
Best scrapbook
Buy Now

 

New Hope Tree Sweet Wooden Picture Frame

Best for home decoration gift

Magandang idisplay ang gift na New Hope Tree Sweet Wooden Picture Frame sa bahay ng pamilyang iyong pagbibigyan. Very modern ang style nito kaya napapanahon for home decoration.

With its high quality material, you can put 3 photos in the picture frame. Perfect para mailagay ang kanilang family picture or babies’ pictures during ng binyag. 

Ito ay walang color at design sa surface dahil mae-enjoy nila itong i-DIY. They can choose the styles and designs they want to put on the frame.

Mayroon na rin itong kasamang string so they can just hang it on their walls, o kaya pwede rin naman lagyan lang ng adhesive tape. Matibay naman ang material nito dahil wooden na gawa sa burlywood. 

Highlights:

  • Modern style for home decoration.
  • Can put 3 photos.
  • Made to DIY.
  • Made from wooden material called burlywood.

 

Kongchengjun Babygrow Milestones Jumpsuit

Best jumpsuit clothes

Kung ang gusto mo naman ay personal things talaga ni baby ang ireregalo, try the Kongchengjun Babygrow Milestones Jumpsuit. Ang maganda sa damit na ito ay ang design na mayroon ang jumpsuit.

Kaya tinawag na “milestone" jumpsuit ay dahil makakapili ka kung anong design depende sa edad ni baby. Maganda ring pang DIY baby photoshoot kada magdadagdag ng buwan ang bata. 

All white ang color nito at gawa mula sa 95% milk silk at 5% spandex material.

Short sleeve na rin para sa mainit na panahon. Hindi ka na rin mamomroblema if girl or boy ang reregaluhan dahil unisex naman ito. 

Highlights:

  • Milestone text design.
  • Best for monthly photoshoot.
  • Made from 95% milk silk and 5% spandex material.
  • Short sleeves.

 

Create Life Baby Unisex Shoes

Best unisex shoes

Para naman sa cute na cute na shoes ng baby, narito ang Create Life Baby Unisex Shoes. Designed talaga ang sapatos na ito na maisuot both ng girls and boys.

Soft na soft ang experience ng mga paa ni baby dahil gentle lang ang mga rubber material ng shoes. Breathable pa dahil sa style ng sapatos na madali lang isuot at tanggalin.

Anti-slip din ito para mas madali kay baby mag-aral na unti-unting maglakad. Available ang colors of red, beige, grey at mint green. 

Highlights:

  • Can be worn both by boys and girls.
  • Softest rubber material.
  • Breathable and anti-slip features.
  • Colors available: red, beige, grey, and mint green.

 

Baby Garden PH Summer Caps

Best infant hats

Swak na swak sa fashion ni baby ang Baby Garden PH Summer Caps. Tulad ng iba pang gifts sa list namin ng recommendations, unisex na rin ito.

Maganda para sa baby ang striped designs niya sa tuwing isinusuot lalo kung summer. Hindi na rin naman nakakairita para sa head ng bata dahil cotton material gawa ang hat. 

Maaari kang pumili between colors of red, grey, and black. 

Highlights:

  • Striped design.
  • Made from 100% cotton material.
  • Available colors of red, grey, and black.
  • Unisex.

 

Snapteria Journals Baby Photo Album and Memory Book

Best scrapbook

Mabibigyan mo naman ng chance na maging creative ang family ng inaanak sa Snapteria Journals Baby Photo Album and Memory Book. Style scrapbook kasi ang journal na ito, which is napakaganda para sa photos ng family at ni baby.

Mae-enjoy nilang lagyan ang 50 pages na quality thick paper ng album. Maganda para i-record ang bawat milestones ni baby at mababalikan palagi ang memories.

Easy to fill-out na rin kaya hindi gaanong mahirap para kay mommies and daddies dahil it is created with simplicity. 

Matibay ito dahil sa glossy hardcover ng album. You can choose among designs of floral, wonder park, at adventure. Best talaga na regalo para sa binyag!

Highlights:

  • Scrapbook styled journal.
  • Records the baby’s milestone.
  • Easy to fill out scrapbook.
  • Available designs are: floral, wonder park, and adventure.

 

Price comparison table: Pang regalo sa binyag

Ninong and ninangs! Handa na ba ang budget para sa gift ng inaanak? Para makapili na kaagad, narito ang price list ng bawat isa sa ating recommendations:

Brand Price
New Hope Tree Sweet Wooden Picture Frame  Php 49.00
Kongchengjun Babygrow Milestones Jumpsuit Php 128.00
Create Life Baby Unisex Shoes Php 72.00
Baby Garden PH Summer Caps  Php 100.00
Snapteria Journals Baby Photo Album and Memory Book Php 767.00

Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

 

May mga damit na kakailanganin si baby at ang kaniyang mga fashionistang ninang! Basahin: Damit ni Baby at Simple Ninang Outfit for Binyag

Sinulat ni

Ange Villanueva