TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bakit nga ba madaling mainip ang mga bata sa biyahe? Ito ang sabi ng mga experts

4 min read
Bakit nga ba madaling mainip ang mga bata sa biyahe? Ito ang sabi ng mga experts

May ilang ways din para mabawasan ang pagiging bored ng inyong kids tuwing kaya ay bumibiyahe nang malayo.

Sa mga bakasyon at pag-alis ninyo ng pamilya, napapansin mo rin bang mainipin ang inyong anak? Bakit nga ba madaling nagiging bored ang bawat biyahe sa mga bata lalo kung ito ay long drive? Alamin sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit nga ba madaling kainipan ang bawat biyahe sa mga bata? Ito ang say ng experts
  • Things to do para hindi maging bored ang inyong mga anak sa long ride

Bakit nga ba madaling kainipan ang bawat biyahe sa mga bata? Ito ang say ng experts

malungkot na batang babae - biyahe sa mga bata

“Malayo pa rin ba tayo?” at iba pang katanungan | Larawan mula sa Pexels

Magandang bonding ng pamilya ang pagbabakasyon o pagpunta sa isang lugar together. Nakaka-create ito ng stronger bond at maging memories na masayang balikan pagtanda. Lalo na kung papalapit na ang school holidays, breaks, o summer. Sa mga panahon kasing ito maraming bukas at fun na pasyalan lalo kung buong pamilya kayong bibisita.

Sa karanasan ng parents, maraming circumstances ang hindi mawawala sa bawat biyahe. Naririyan ang pagsusuka sa biyahe, pagpapabili ng mga bata ng kung ano-ano, at ang madalas na linyahan: “Malapit na ba tayo?”

“Malayo pa rin ba tayo?” at iba pang katanungan

Hindi mawawala sa back seat ang bawat hirit ng bata sa biyahe ang pagtatanong kung malapit na bang dumating sa destinasyon. Kung minsan hindi pa nga kayo tumatakbo nang isang oras ay magtatanong na kaagad nito samantalang malayo pa kayo sa inyong pupuntahan.

Bakit nga ba naiinip ang bata? Ang simpleng sagot? Dahil bata pa nga sila.

Ayon sa experts, nababago raw ang pagtingin ng tao sa oras. The more na nagkakaedad na, the more na bumibilis ang panahon. Kaya nga uso ang linyahan na, “Pasko na agad? Isang taon na iyon?” ngayong adult na.

Kung matatandaan, noong bata pa lamang ay parating naiinip dahil gustong-gusto na dumating ang Pasko. Ito raw dahil nga mas mabagal ang pagtingin ng oras sa mata ng mga bata.

Bukod dito, nagkakaroon na rin daw ang adult ng idea sa mga bagay dahil sa development tulad na lang ng distance at geography. Ibig sabihin, mayroon nang knowledge patungkol sa pupuntahan. Kaya naman mas mauunawaan ng isang adult kung bakit ilang oras ang biyahe.

Ibig sabihin nito, maaaring wala pa kasing ideya ang bata sa mga bagay na dapat ikonsidera sa biyahe. Kaya nauuwi ito sa pagtatanong sa adult upang magkaroon sila ng kaalaman kung gaano nga ba kalapit na sila sa patutunguhan.

magtatay sa kotse - biyahe sa mga bata

Bakit nga ba madaling mainip ang bawat biyahe sa mga bata? Ito ang say ng experts | Larawan mula sa Pexels

Children’s innocence

Ang ganitong mga ganap ay sinasalamin ng pagiging inosente ng mga bata. Punong-puno kasi sila ng uncertainty pa sa mga bagay o iyong walang kaalaman sa kung ano-ano ang mga sunod na dadaanan o pupuntahan. Adult ang nakakaalam at may control sa mga lugar na dapat hintuan, likuan at daanan.

Nakakadagdag pa sa boredom o pagkainip ng bata ang kawalan ng ginagawa sa back seat. Sa ganitong pagkakataon nila mas napopokusan ang tagal ng panahon at oras. Mas binibigyang atensyon kasi ang oras ay mas nagiging matagal ito kumpara kung nalilibang at nadi-distract ang isang tao.

Things to do para hindi mabored ang inyong mga anak sa long ride

pamilya sa kotse - biyahe sa mga bata

Things to do para hindi mabored ang inyong mga anak sa long ride | Larawan mula sa Pexels

Partner Stories
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Nurture Your Child’s Potential: Unlocking Optimal Growth and Development with Nutrilin
Nurture Your Child’s Potential: Unlocking Optimal Growth and Development with Nutrilin

Dahil nga masaya na magkaroon ng vacation time at bonding together ang pamilya from time to time ibig sabihin ay babiyahe kayo upang makabisita sa isang lugar. Madalas na eksena niyan ang pagbabalik sa probinsya, pagpunta sa mga beach resorts at pools, o pagbibisita sa mga amusement park.

Karaniwang eksena na sa ganito ang mahahabang oras ng biyahe, at dahil nga madaling maburyo ang mga bata sa ganito, narito ang ilang bagay na maaaring gawin upang maiwasan na mainip sila:

  • Maghanda ng iba’t ibang snacks. Maganda na bago pa man umalis ng bahay ay ready na ang lahat ng foods. Nakakagutom ang biyahe kaya mainam na may dala na agad na pagkaon. Piliing gawin o dalhin ang mga pagkaaing alam mong mai-enjoy ng bata upang mayroong silang kinakain habang nasa biyahe pa kayo.
  • Magdala ng mga laruan at iba pang entertainment nila. Ayos din naman na nagdadala ng laruan dahil pang-aliw ito sa kanila kung sakaling wala na silang magawa. Dalhin lamang iyong convenient at lagi nilang ginagamit para hindi pa rin hassle sa biyahe.
  • Talk to them. Maaaring maging tour guide ng sarili mong anak. Kausapin sila at bigyan ng knowledge patungkol sa mga lugar na nadadaanan o nag-ii-stop over kayo. Mag-share ng mga bagay na pwedeng nagawa mo na dito o kaya naman historical information para mayroon din silang nakakausap sa inyong biyahe.

The Conversation

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Bakit nga ba madaling mainip ang mga bata sa biyahe? Ito ang sabi ng mga experts
Share:
  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko