Child marriage law in the Philippines, ipinapatupad na!
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagbabawal ng child marriage sa Pilipinas.
- Mga nilalaman ng Child Marriage law in the Philippines.
Child marriage law in the Philippines
Isa ng krimen at paglabag sa batas ang child marriage o ang pagpapakasal ng isang adult sa menor de edad. Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (R.A.) No. 11596, ang batas na nagbabawal sa child marriage sa bansa noong December 10, 2021.
Ang kopya ng pirmadong batas na ito ng pangulo ay na-irelease sa media kahapon, January 6, 2020 na siyang palatandaan ng effectivity nito sa ngayon.
Sa ilalim ng bagong batas ay mahigpit ng ipinagbabawal ang pagpapakasal ng isang menor de edad sa higit na mas nakakatanda sa kaniya.
Base sa Family Code of the Philippines, ang legal na edad sa pagpapakasal ay 18-anyos. Pero may mga grupo o kulturang Pilipino ang hindi sakop nito at siyang tumatangkilik sa child marriage.
Ayon sa UNICEF, 15% ng mga batang babaeng Pilipino ang ikinakasal bago pa man sila tumungtong sa edad na 18-anyos. Dalawang porsyento sa mga ito ay naikakasal bago pa sila mag-diwang ng kanilang 15th birthday.
Ang mga batang babaeng ito ang madalas na biktima ng pag-aabuso. Sila rin ay may mas mataas ang tiyansang makaranas ng komplikasyon sa pagbubuntis at problema sa kanilang kalusugan. Sapagkat ang kanilang katawan ay hindi pa mature sa pagharap ng napakalaking responsibilidad ng pag-aasawa.
Kaya naman sa tulong ng bagong batas laban sa child marriage ay nilalayong mabawasan ang mga kaso ng domestic violence sa mga batang babae. Ganoon rin upang ma-protektahan ang kanilang kalusugan at kinabukasan.
Bawal na ang pagkakasal sa isang menor de edad
Photo by Thiều Hoàng Phước from Pexels
Sa ilalim ng bagong batas ay iniuutos na alisin na ang anumang traditional o cultural practices na nagsusulong ng child marriage sa bansa.
“The State recognizes the vital role of the youth in nation building and promotes and protects their physical, moral, spiritual, intellectual, and social well-being.
In the pursuit of this policy, the State shall abolish all traditional and cultural practices and structures that perpetuate discrimination, abuse, and exploitation of children such as the practice of child marriage.”
Ito ang isang bahagi ng bagong ipinatutupad na batas na RA 11596.
Base sa bagong ipinatutupad na batas, itinuturing na ang child marriage o ang pagpapakasal sa isang menor de edad ay maituturing na “unlawful and prohibited”. Ito rin ay isang krimen na kung saan may nararapat na kaparusahan.
BASAHIN:
Teenage pregnancy: Mga maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis
Pastor Quiboloy, inakusahan ng rape ng mga menor de edad
Civil wedding: Step-by-step guide kung paano ikasal sa huwes
Parusa ng sinumang lalabag sa bagong batas
Photo by Thành Đỗ from Pexels
Ang sinumang mapatunayang nag-ayos, nag-facilitate at magsagawa ng child marriage ay dapat managot sa batas.
Para sa mga napatunayang nag-ayos, nag-facilitate at nag-arrange ng child marriage, ang pagkakakulong ng 8 hanggang 10 taon ang maaari nilang maging kaparusahan.
Dagdag pa ang multa na hindi bababa sa P40,000. Kung ang nag-ayos, nag-facilitate at nag-arrange ng child marriage naman ay malapit sa menor de edad tulad ng kaniyang magulang, step parent o guardian ay mas mabigat ang kaparusahan.
Ito ay katumbas ng hanggang 10 taong pagkakakulong at hindi bababa sa P50,000 na multa. Maaari ring mawala ang parental authority ng sinumang mahuling magsasagawa nito sa isang menor de edad.
Samantala, para sa mga mahuhuling nag-officiate o nagsasagawa ng child marriage, hanggang sampung taon na pagkakakulong rin ang kaparusahan.
Ang multa ay hindi rin bababa sa P50,000. Maaari rin silang mawalan ng karapatang magkaroon ng puwesto sa gobyerno o organisasyon na kanilang kinabibilangan. Ganito rin ang magiging kaparusahan ng sinumang mapatunayang nagpakasal o nakipag-live in sa isang menor de edad.
Dagdag na aksyon kaugnay sa bagong ipinatutupad na batas
School photo created by tirachardz – www.freepik.com
Para matagumpay na maisakatuparan ang layunin ng bagong batas ay nakasaad rin dito ang mga direktibang dapat gawin ng iba pang ahensya ng gobyerno.
Tulad na lang ng Department of Education na ayon sa bagong batas ay dapat magkaroon ng diskusyon tungkol sa child marriage. Sa kanilang mga leksyon sa mga batang Pilipino ay dapat maisama nila ang isyu tungkol sa child marriage.
Pati na ang impact nito at paano maiiwasan na maaring ipaloob sa kanilang comprehensive sexuality education curriculum. Habang ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ay inaatasang gumawa ng mga programang mag-alalay sa mga batang magiging biktima ng child marriage. Tulad ng pagbibigay sa kanila ng legal na suporta, psychosocial services, counseling at educational assistance.
Source:
PTV4, The Asean Post
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!