Congrats mommy! Ang iyong anak ay 6 taon 11 buwang gulang na taon na ngayon. Excited ka na ba sa kanyang 7th birthday? Sa ganitong edad, ang anak mo ay marunong na ng maraming bagay.
Ang iyong little one ay patuloy pa ring nag eexplore sa kanyang kapaligiran at natututo sa pangaral ng mundo. Dahil rito, mas kailangan mong mag doble ingat pagdating sa kaligtasan ng iyong anak.
Tignan natin ang milestones at development ng 6 taon 10 buwang gulang mong anak.
Development at milestones ng isang bata: 6 taon 10 buwang gulang
Physical Development
Sa edad na 6 taon 10 buwang gulang ng iyong anak, hindi maitatangging malayo na ang kanyang narating sa physical development. Siya ay interesado na sa mga sports dahil ang kanyang motor skills ay well-developed na ngayon.
Sa edad na ito, ang iyong anak ay dapat tumatangkad ng 2.5 inches (6-7 cm) bawat taon. Pagdating naman sa kanyang timbang, dapat nadadagdagan ang kanyang timbang ng 4-7 pounds o 2-3 kg bawat taon hanggang siya ay magsimula na sa puberty stage.
Kung mapapansin mo, ang kanyang mga galaw ay maayos na ngayon. Kaya na niyang makasalo ng bola ng walang problema! Sa edad na ito, ang mga bata ay nagsisimulang matuto magpatakbo ng bike since marunong na siyang magbalance ng sarili niya.
Sa ganitong stage, ang median height at weight ng anak mo ay dapat:
- Boys
– Height: 121.5 cm (47.8 inches)
– Weight: 23 kg (50lb)
- Girls
– Height: 121.2 cm (47.7 inches)
– Weight: 22.7 kg (49.9lb)
Ito rin ang tamang pagkakataon para pagtuunan ng pansin ng anak mo ang physical activity. Crucial stage ito dahil kailangan mo silang hikayatin na maglaro sa labas para maging fit at healthy.
Dagdag pa rito, ang development ng 6 taon 11 buwang gulang mong anak ay may:
- Madaling nakakasalo ng bola at nag improve na ang kanyang hand-eye coordination.
- Marunong magbalanse at kaya nang magpatakbo ng bike
- Sumasayaw sa ritmo ng musika
- Madaling nakakatakbo, tumalon at umakyat
- Marunong lumangoy
- Skip rope
- Nasusulat ang kanyang buong pangalan at ang kanyang mga drawing ay mas naiintindihan na
Tips
- Gawing top priority ang physical activity sa buong pamilya. Mahalaga ito dahil dito pa lang nagsisimulang magkaroon ng matinding ugnayan ang iyong anak sa pamilya.
- Hikayatin ang iyong anak na sumali sa mga team sports
- Siguraduhing pakainin ang iyong anak ng masustansyang pagkain katulad ng gulay at prutas. Makakatulong ito sa kanyang muscle growth at development.
- Hayaan ang iyong anak na mag enjoy maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan
When To Talk To Your Doctor
Ang mga sumusunod ay maaring dahil may problema ang iyong anak. Kung makikita mo ang mga senyales na ito sa iyong anak, agad siyang ipasuri sa doctor.
- Hirap makahawak ng ballpen at magsulat ng kanyang pangalan
- May problema sa hand-eye coordination.
- May problema sa physical activity o hirap sa pagsali sa mga sports
Cognitive Development
Sa edad na ito, ang brain development ng iyong anak ay nakakamangha na! Mapapansin mo na ang kanyang attention span ay lalong humaba. Ibig sabihin nito ay hindi na siya madaling madistract ng nasa paligid niya. Pero hindi pa rin mawawala ang pagiging palatanong niya!
Magaling na rin niyang sabihin ang kanyang mga saloobin.
Sa pagtatapos ng kanyang primary school, ang development ng 6 taon 11 buwang gulang mong anak ay dapat may:
- Marunong makisalamuha sa mga tao at makahanap ng kaibigan.
- Marunong nang sabihin ang oras
- Naiintindihan ang mga abstract concepts katulad ng life and death
- Marunong nang magbasa at makaintindi ng simple sentences
- Nagsisimulang maging observant sa kanyang paligid
- Nasosolve ang mga simple puzzles
Tips
Mabuting hikayatin ang iyong anak na maimprove ang kanyang critical thinking skills
- Hikayatin ang iyong anak na ibahagi ang kanyang opinyon at obserbasyon sa mga bagay
- Makinig ng maigi sa mga bagay na ikukwento niya tungkol sa school. Tanungin pa siya para mahasa ang kanyang critical thinking
- Hindi pa rin mawawala ang pagiging palatanong niya. Manatiling mapagpasensya at intindihin ang iyong anak.
- Madali na niyang nasosolve ang addition at subtraction ng 20 pataas
- Kausapin ang kanyang guro at alamin kung ano ang performance niya sa school
When To Talk To Your Doctor
- May problema sa pagbibilang at hindi masabi ang oras
- Kung siya ay hindi interesado sa lahat ng bagay
- Hirap sa pagintindi ng abstract concepts
- Hirap i-express ang kanyang sarili
- Ang kanyang development ay hindi pa rin nag iimprove simula noong 6 years old
- May problema sa addiction at subtraction
Social And Emotional Development
Mapapansin mo na ang pagiging indepdent ng iyong anak. Nagsisimula na siyang maging kumportable sa kanyang ginagawa at sa mga kaibigan.
Lumakas na ang kanyang self confidence ngayon. Magiliw rin siyang nakikipagkaibigan sa school o kahit na sa inyong kapitbahay.
Dagdag pa rito, ang development ng 6 taon 11 buwang gulang mong anak ay may:
- Mas gustong makipaglaro sa iba kesa sa mag-isa
- Mahilig siyang makipag-usap sa kanyang mga kaibigan
- Nagpapakita ng kagustuhang maging independent. Kaya mabuting hayaan siyang i-explore at hayaang makadiskubre ng bagong bagay
Tips
- Hikayatin ang iyong anak na gumawa ng sariling desisyon
- Hikayatin ang iyong anak na makipaghalubilo sa ibang mga bata
- Buksan pa rin ang iyong komunikasyon sa iyong anak. Maaaring gusto niyang maging independent ngunit maghahanap pa rin siya ng iyong kalinga at atensyon
- Ang mga bata sa edad na ito ay nagsisimulang magsinungaling, mangopya at magnakaw. Siguraduhing alam nila ang kaibahan ng tama sa mali.
- Siguraduhin na may sapat na pahinga at tulog ang iyong anak. ‘Wag siyang i-pressure ng todo pagdating sa mga schoolwork.
When to Talk to Your Doctor
- Nagkakaproblema sa pakikipaghalubilo o pakikipagkaibigan.
- Ayaw maging independent. Lagi niyang gusto sa tabi mo.
- Hindi mailabas ang kanyang emosyon o damdamin.
Speech And Language Development
Sa edad na ito, hindi maiiwasan sa isang bata na magkwento tungkol sa lahat ng bagay. Maaaring kinukwento niya ang mga nangyari sa school, kung anong paborito niyang laro o ano ang kanyang palagay sa pinapanood na TV show.
Mas maayos na rin ang komunikasyon niya sa ganitong edad. Nagpapakita na rin siya ng madaming saloobin at emosyon. May pagkakataon na rin na naghahanap ka ng katahimikan dahil sobrang ingay ng iyong anak!
Nag iimprove rin ang spelling skills ng iyong anak sa pagkakataong ito at nakakapagulat ng simpleng pangungusap ng walang nagiging balakid.
Dagdag pa rito, ang development ng 6 taon 11 buwang gulang mong anak ay dapat:
- Nakakaintindi at nakakapagsalita na rin ng jokes
- Malinaw na ang komunikasyon at handang makinig ng bagong mga kwento
- Gustong matuto ng iba pang mga salita at gumagawa ng sarili nyang vocabulary
- Naiintindihan na niya ang mga utos at walang nagiging problema sa iyong mga utos
Tips
- Basahan lagi ng libro ang iyong anak. Books are your child’s best friend.
- Kumbinsihin siya na gumamit ng mga bagong salita. ‘Wag matakot na ituro sa kanya ang mga mahhirap na salita.
- Maaaring magtanong rin ang mga bata tungkol sa mga “bad words”. Maging handa na pag-usapan ito at kung bakit ito kailangang iwasan.
- Para maimprove ang kanyang writing skills, creativity at memory, maaari mo siyang turuan kung paano magsulat sa diary.
When to Talk to Your Doctor
- Hirap sa pag intindi ng mga simpleng utos
- May problema sa komunikasyon at pagsasabi ng mga simpleng salita
- May problema sa pagbabasa o madaling nalilito habang nagbabasa
- Bumabagsak sa school
Health And Nutrition
Ang pagkain ng iyong anak ay dapat mayaman sa nutrients. Ang pagkain ng masutansyang pagkain ay makakatulong sa paglaki at development ng iyong anak.
Narito ang sapat na calorie intake ng isang bata:
- Boys: 1,835 Kcal/day
- Girls: 1,721 Kcal/day
Kaya mahalaga na bigyan ng healthy snacks ang iyong anak bukod sa meals. Ngunit siguraduhin lamang na hindi ito mapapasobra na ikasisira ng kanyang appetite.
As usual, mahalaga ang ehersisyo sa development ng 6 taon 11 buwang gulang mong anak. Napapanatili nito ang fit, strong at healthy na pangangatawan.
Pagdating naman sa diet ng iyong anak, ito ang kailangan mong i-provide:
Dairy group
Ang milk products ay kasama sa kailangang kainin ng iyong anak. Mahalagang bigyan ang iyong anak ng fat-free or low-fat products kasama na ang mga pagkaing mayaman sa calcium.
Ang iyong anak ay kailangan ng 17 hanggang 20 ounce ng dairy araw-araw. Sa isang serving ng dairy ay katumbas ng milk-one cup; cheese-50 grams; yoghurt-3/4 cup
Protein group
Ang protein ay nakakatulong sa pagrepair ng cells, enzymes at hormones na nakakapagproduce ng energy sa bata. Ito ang mga pagkaing low-fat lean meats, eggs, fish, nuts, seeds, peas, at beans na mayaman sa protina.
Fruit and vegetable group
Ang fruits ay nagdadala ng natural vitamis at minerals. Kaya mahalagang tandaan ang iba’t-ibang kulay ng prutas na ipapakain sa iyong anak. Mas maganda na pakainin ng tatlong cups ng fresh fruits ang iyong anak sa ganitong edad. Makakatulong rin ito sa kanyang digestion.
Katulad ng prutas, ang gulay ay may enzymes na nakakapagpa-healthy at nakakapagpalakas sa katawan ng iyong anak. Nakakatulong rin ito upang makaiwas sa mga sakit at pagtaba. Kailangan niyang kumain ng orange, green leafy at dark vegetable araw-araw. Bigyan ng 2 cups ng gulay ang iyong anak 3 times a day.
Grains
Ito ay ang oats at rice. Kasama na rin ang mga pagkaing gawa sa kanila katulad ng bread at cereal. Siguraduhin lang na bigyan ng whole grain ang iyong anak para sa good digestion. Sa ganitong edad, ang anak mo ay kailangan ng 4 ounces ng grains sa isang araw. Ang isang ounce ng grain ay katumbas ng cereal o isang slice ng tinapay at 1/2 cup ng pasta.
Maaaring ito ay whole grain katulad ng oatmeal, quinoa, whole-wheat bread, popcorn, o brown/wild rice. Ngunit siguraduhin na wag lubusin ang pagkain ng grains katulad ng white bread, pasta at rice.
Tips:
- Mag imbak ng masustansyang pagkain sa iyong bahay. Ugaliing ito ang maging snacks niya.
- Mahalaga ang gulay sa diet ng iyong anak
- Imbes na karne, mabuting palitan ito ng beans, nuts o tofu
- Ugaliin ang good eating habits ng iyong anak dahil madadala niya ito hanggang sa paglaki
Ito ang kailangang kainin ng iyong anak araw-araw:
- Fruits: three cups for boys; three cups for girls
- Vegetables: two cups for boys; two cups for girls
- Grains: four ounces for boys; four ounces for girls
- Proteins: 36g for boys; 36g for girls
- Milk: 17-20 ounces for boys; 17-20 ounces for girls
- Water: 1500 ml for boys; 1500 ml for girls (around six cups)
Vaccinations and Common Illnesses
Karamihan sa mga bata sa ganitong edad ay may proper vaccination na dapat. Mabuting bumisita sa doctor ng iyong anak upang mabigyan siya ng iba pang vaccine kung kulang ito.
Dahil ang anak mo ay madalas na nasa labas katulad ng school, mataas ang tyansa na magkaroon ito ng lagnat. Sabihin sa kanya na kung sakaling may nararamdaman siya, ‘wag mag atubiling sabihin ito sa’yo.
Bigyang pansin din ang mga rashes na tutubo sa katawan ng iyong anak. Sabihin din sa iyong anak na kung mayroon siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, sabihin agad ito sa’yo.
Bilang isang paalala, ito ang mga vaccination na kailangan mayroon na ang iyong anak sa ganitong edad
Laging tandaan na kahit may proper vaccine ang isang bata, maaari pa rin itong kapitan ng colds, flu at Hand Foot and Mouth disease. Kung anak anak mo ay may sintomas ng pagsusuka, diarrhea at mataas na lagnat (over 38°C/100.4°F), mabuting magpakonsulta na saiyong doctor.
Treating Common Illness
1. Fever
Kung ang temperatura ng iyong anak ay mababa sa 38.5°C, bigyan ito ng madaming tubig at pagpahingahin. Gamit ang lukewarm compresses, dampian ang bahagi ng kanyang noo, kili-kili at groin area. Makakatulong ito sa kanyang kalagayan. Ngunit kung ito ay tumaas sa 38°C (100.4°F) dalhin agad ito sa ospital.
2. Cough
Ang pag-ubo ay normal ngunit ito ay pwedeng magdulot ng sipon sa isang tao. Para mapigilan ito na lumala, subukan ang mga home remedies katulad ng honey at luya na ihahalo sa maligamgam na tubig.
3. Cold
Ang colds ay dahil sa virus at maaaring hindi rin makatulong ang mga antibiotics na binibigay mo sa iyong anak. Kung ang cold na ito ay may kasamang sakit ng katawan at sobrang taas na lagnat, maaari itong influenza. Sa ganitong kondisyon, mabuting magpatingin na sa doctor.
Sa ganitong pagkakataon, mahalagang ituro sa’yong anak ang proper hygiene. Simulan sa paghuhugas ng kamay. Prevention is always better than cure!
Note: Some medications can be bought without any prescriptions, your first option of treatment for common health issues should be home remedies.
When to Talk to Your Doctor
See your doctor as soon as you notice that your child:
- Unusual na rashes, bukol at sugat
- Underweight at overweight sa kanyang edad
- Pagkakaroon ng lagnat na umaabot sa 30 degrees C. O lagnat na umaabot ng isang linggo
- Ayaw kumain at kadalasang walang gana
Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore
Sources: Web MD, CDC, Kid Central TN
BASAHIN: Development at milestones ng isang bata: 6 taon 10 buwang gulang
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!