Discharge ng buntis: Dapat ko bang ikabahala ito?

Ang pagkakaroon ng discharge ng buntis ay normal lamang. Ito ay puti o walang kulay at mild lang ang amoy. Tinatawag din itong leukorrhea.

Ang pagkakaroon ng discharge ng buntis ay normal lamang. Ito ay puti o walang kulay at mild lang ang amoy. Tinatawag din itong leukorrhea.

Mommies, narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa vaginal discharge ng buntis.

Maraming pagbabago ang nangyayari sa katawan ng isang babaeng nagdadalang-tao. Sa sobrang dami, minsan ay napakahirap mabantayan kung ano nga ba ang normal at ano ang hindi.

Pagdating sa discharge o fluid na lumalabas sa ating mga ari, ano nga ba ang dapat asahan ng mga buntis?

Vaginal discharge ng buntis – ano ang normal at ano ang hindi?

Discharge ng buntis | Image from Unsplash

Ang pagbubuntis ay nagdudulot talaga ng pagbabago sa vaginal discharge ng isang babae na mapapansin sa kulay, lapot at dami nito. Ang pagdami ng vaginal discharge ay isa sa mga unang senyales ng pagbubuntis.

Habang may mga pagbabago na normal at maaasahan, mayroon namang mga discharge na nagiging banta na mayroong ibang problema sa iyong kalusugan.

Normal lang na magkaroon ng vaginal discharge ang mga babae. Para sa mga buntis, ito ay puti o walang kulay at mild lang ang amoy. Tinatawag din itong leukorrhea.

Ang pagdami ng discharge ng buntis ay nangyayari rin upang mabawasan ang risk ng impeksyon sa vagina at uterus.

Bakit nagkakaroon ng pagbabago sa vaginal discharge?

Ang pangunahing dahilan ng pagbabago sa vaginal discharge na nararanasan ng isang babae kapag nabubuntis ay ang pagtaas ng kaniyang hormone levels.

Maaari ring makaapekto ang pagbabago ng cervix ng buntis sa dami ng vaginal discharge. Habang naghahanda ang katawan sa panganganak, ang cervix at vaginal wall ay lumalambot, at dumarami ang discharge para maiwasan ang mga infection.

Posible rin na ang ulo ni baby ay tumatama o nagbibigay ng pressure sa cervix kapag malapit na siyang lumabas, kaya naman dumarami ang vaginal discharge.

Bukod sa dumarami ang discharge, nag-iiba rin ang kulay at ang lapot nito. Kapag naging kulay pink ang discharge, at naging mas malapot ito na parang jelly, senyales ito na naghahanda na ang katawan sa labor at malapit na paglabas ni baby.

Iba’t ibang uri ng vaginal discharge ng buntis

Ang paglabas ng vaginal sa panahon ng pagbubuntis ay kadalasang walang amoy at walang kulay, ngunit may iba’t ibang mga pagkakaiba-iba na maaaring mangyari.

1. Milky white o clear

Ang kulay ng discharge na ito ay normal at healthy lalo na kung hindi naman matindi ang amoy. Karaniwang hindi mabahong discharge sa buntis ito. 

Ayon kay Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang pagkakaroon ng ganitong klase ng vaginal discharge ay karaniwan sa mga buntis at nangyayari sa simula ng ikalawang trimester.

“Usually you have this discharge during the second trimester of pregnancy, na whitish mucoid. Parang saliva siya, pero minsan may konting whitish.” aniya.

Dagdag pa ng doktora, kadalasan, hindi ito dapat nagdudulot ng anumang pamumula, pangangati o iritasyon sa iyong ari.

“It doesn’t have foul smell, it doesn’t cause irritation or itchiness.” 

Subalit para sa mga buntis na nagtatrabaho sa opisina o nasa labas ng bahay, maaaring magdulot ang vaginal discharge na ito ng pangangati dahil dumarami nga ito habang tumatagal.

Kung sakaling napapansin mo na dumadami na ito, iba ang consistency at sinasamahan ng iba pang nakakabahalang sintomas, maaaring may iba nang issue ang pumapasok dito. 

Tinatawag na leukorrhea ang malinaw o parang gatas na puting paglabas ng ari sa panahon ng pagbubuntis. Ang isang taong buntis ngunit hindi pa sa buong termino ay dapat magpatingin sa doktor kung makaranas sila ng pagtaas ng milky o white na discharge na patuloy na tumutulo o nagiging malapot at mala-jelly. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring magmungkahi ng preterm labor.

 2. White

Ang vaginal discharge na kulay puti ngunit tila makapal ay isang senyales ng yeast infection sa buntis. Kung ikaw ay nakakaranas ng pangangati, nahihirapan at masakit kapag umiihi o nakikipagtalik, maaaring ikaw ay may impeksyon. Magpasuri agad sa iyong doktor kung nararanasan mo ang ganito.

Sa lahat ng mga pagbabago sa mga hormone sa panahon ng pagbubuntis, ang antas ng pH sa iyong ari ay magbabago. Kapag nangyari ang pagbabagu-bagong ito, mas madali kang kakapitan ng yeast infection. Ang karamihan ng mga yeast infection sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring na dumating sa ikalawang trimester.

Ang pinakakaraniwang sintomas ng yeast infection ay kinabibilangan ng:

  • Isang makapal, puting discharge na kahawig ng cottage cheese
  • Isang malakas na amoy na parang yeast na kahawig ng amoy ng beer o bread
  • Pananakit o pagsunog sa loob at paligid ng ari
  • Pangangati sa paligid ng ari

Narito ang ilang paraan para maiwasang magkaroon ng yeast infection habang buntis:

  • magsuot ng damit (pang-ibaba) na maluwag at presko
  • pumili ng komportableng underwear na cotton, siguruhing lagi itong malinis
  • pagkatapos mag-ehersisyo o gumawa ng physical activities, siguruhing maligo at tuyuin ang iyong ari pagkatapos
  • pagkatapos magswimming o magshower, tuyuin nang mabuti ang iyong ari
  • subukan idagdag ang probiotics gaya ng yogurt at iba pang fermented foods sa iyong diet para magkaroon ng healthy bacteria sa katawan

3. Yellow o Green

Isa pang kailangang bantayan sa pagbubuntis ay ang green o yellow na kulay ng vaginal discharge. Ito ay isang sintomas ng delikadong sexually transmitted infection (STI), katulad ng trichomoniasis o chlamydia.

Kung sakaling mapapansin mo na mapula o irritate ang iyong ari, ito ay maaaring sintomas din nito.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang kung mayroong STI o sexually transmitted infection ang isang buntis, ito ay maari niyang mapasa sa kaniyang sanggol na nasa loob ng tiyan.

Mahalagang mapigilan ang paglala nito dahil puwedeng maapektuhan ng nasabing impeksyon ang nervous system at development ng bata. Damay rin ang infertility ng buntis na babae.

Subalit suriin din muna nang mabuti kung ito ba talaga ay discharge o leukorrhea lang na maaaring nahaluan ng ihi.

4. Pink

Ang kulay pink na vaginal discharge sa pagbubuntis ay maaring maging normal o hindi normal, depende sa dami at ibang sintomas na kasama nito.

Sa mga unang araw o linggo ng iyong pagbubuntis, maari kang makaranas ng kaunting spotting o mas kilala sa tawag na implantation bleeding. Pero posible rin na ang kulay pink na vaginal discharge ay senyales ng ectopic pregnancy o miscarriage.

Paano mo malalaman ang pagkakaiba? Pahayag ni Dr. Lapitan,

“Usually kasi ang implantation bleeding, paler and lesser in amount compared to other forms of bleeding that should cause an alarm like miscarriage or bleeding associated with ectopic pregnancy.”

Ngunit para makasiguro, pinapayo pa rin ng doktora na kumonsulta sa iyong doktor upang makumpirma kung ang discharge ba ang dahil nga sa implantation bleeding.

“It would be best to inform your OB-GYN, because she will examine you and get your history if it’s really implantation bleeding and not anything else.” aniya.

Pagdating naman ng kabuwanan o kapag malapit nang manganak ang buntis, posibleng magkaroon ng pink discharge na parang jelly ang consistency dahil sa paglabas ng mucus plug. Kadalasan, ito ay isang maagang senyales na magsisimula na ang labor, kaya dapat ay ipaalam mo rin sa iyong doktor kapag napansin ito.

5. Brown

Ito ay maituturing na early symptom ng pregnancy. Ang kulay brown na discharge ng buntis ay dahil sa lumang blood na lumalabas sa iyong katawan. Walang dapat ikabahala kung may lalabas na ganito sa’yo.

Ngunit kung may mapansing kakaiba, at maging dark brown ang kulay ng iyong discharge, huwag mag-atubiling kumonsulta sa iyong doktor.

6. Red

Agad na pumunta sa iyong doktor kung sakaling nakakaranas ng matinding pagdurugo na may kasamang clot at pananakit ng tiyan. Ito ay napakadelikado sa buntis dahil maaaring sintomas ng miscarriage o ectopic pregnancy.

Bukod sa kulay red na vaginal discharge o heavy bleeding, narito pa ang ilang sintomas ng miscarriage at ectopic pregnancy:

  • Panghihina
  • Pagkahilo
  • Pananakit ng balakang o likod
  • rectal pressure o parang may matinding bigat sa iyong puson

Kung mararanasan mo naman ito sa unang trimester, maaaring ito ay dahil sa implantation o infection. Para siguro, mas mabuti pa ring kumonsulta sa iyong OB-GYN kapag napansin ang ganitong kulay ng discharge ng buntis.

Para malaman ang iba pang posibleng dahilan ng pagdurugo o spotting habang nagbubuntis, basahin rito.

7. Gray

Ang kulay gray na vaginal discharge ay dala ng bacterial vaginosis.  Ito ay isang impeksyon kung saan maraming bacteria sa ari ng babae.

Bagamat maraming buntis ang nagkakaroon ng sakit na ito, mas mabuti kung maiiwasan ang bacterial vaginosis dahil maaari nitong maapektuhang ang iyong pagbubuntis.

Ayon sa mga pag-aaral, mas mataas raw ang posibilidad ng premature birth at low birth weight ng sanggol kung ang ina nito ay mayroong bacterial vaginosis noong ipinanganak sila.

Bukod sa kakaibang kulay ng vaginal discharge, narito pa ang ilang sintomas ng sakit na ito:

  • malangsang amoy ng discharge
  • pananakit o burning sensation sa ari, lalo na kapag umiihi
  • pangangati ng paligid ng ari
  • lalong napapansin ang amoy pagkatapos makipagtalik

Kapag napansin ang ganitong uri ng vaginal discharge, ipagbigay-alam mo agad sa iyong OB-GYN.

Ayon kay Dr. Lapitan, maaring sabihin na kung ang vaginal discharge ng buntis ay may ibang kulay bukod sa leukorrhea, posible itong cause for concern at dapat na ipaalam agad sa iyong doktor.

Habang nagbubuntis, panatiliing ang tamang pangangalaga sa sarili – kabilang na rito ang pagkain nang tama, pagkakaroon ng sapat na pahinga, pati na rin proper hygiene para maiwasan ang pagkakaroon ng hindi normal na vaginal discharge at mga komplikasyon.

Huling payo ni Dr. Lapitan,

“When in doubt – in everything that you feel and see in your baby, it’s best to see an OB-GYN. Don’t leave it to yourself. It’s best that they can see you so that you really have a doctor’s advice when in doubt, especially the first-time moms.”

Ano ang kulay ng discharge kapag buntis?

Halos lahat ng buntis na mommies ay nagkakaroon ng discharge. Ngunit, hindi lang naman buntis ang nagkakaroon nito. Ang discharge sa babae bago pa dumating sa puberty stage. Natatapos ang pagkakaroon ng discharge sa mga babae pagsapit ng kanilang menopausal stage.

Ibig sabihin, normal lang para sa mga babae, ang pagkakaroon ng discharge. Habang nagbubuntis, ang cervix at ang vaginal wall ay lumalambot. Kasabay nito ang pagdami ng discharge. Ang discharge ang tumutulong para maiwasan ang anomang impeksyon na makaakyat mula sa ari patungong bahay-bata o uterus.

Dagdag pa, mas dumadami rin ang production ng mga white dischagre lalo na kapag napapalapit na sa oras ng panganganak.

Pero, ano ang kulay ng discharge kapag buntis?

Kulay ng discharge kapag buntis

Ang normal na kulay ng discharge kapag buntis ay clear, puti o transparent. Kadalasan, may pagkalapot din ang puting kulay ng discharge kapag buntis. Kapag ganito ang kulay ng discharge kapag buntis, hindi ito dapat magkaroon ng anomang amoy.

Hindi rin ibig sabihin na nagbago ang kulay ng discharge kapag buntis ay hindi na ito normal. Mula sa pagiging clear white, nagiging yellowish din ang kulay ng white discharge sa buntis.

Minsan, ang kulay rin ng discharge ay maaaring maging indikasyon ng kondisyon ng iyong kalusugan. Ang white charge, kapag buntis, ay maaaring maging batayan kung gaano na kalaki si baby.

Mahalaga pa rin ang pakikipag-usap sa inyong doktor o OB-GYN. Minsan, maaaring mag-iba ang lapot ng dischae.

Discharge na parang sipon sa buntis

Ang pagdami ng napo-produce na discharge ng buntis ay normal lang din. Ang paglalarawan sa hitsura ng discharge sa buntis ay parang sipon; malapot at parang jelly ang tekstura.

Ang discharge na parang sipon sa buntis ay pwede ring magkaroon ng kulay na pula, brown at pinkish.

Bakit may lumalabas na parang sipon sa buntis?

Habang papalapit ang schedule ni baby para ipanganak, dahil normal ang hormones, pwede rin nating malaman ang impormasyon hinggil sa discharge. “Bakit may lumalabas na parang sipon sa buntis?”

Ang pagtaas ng level ng hormones ng babae habang siya ay buntis ay tumutulong para mabawasan ang tyansa na makapasok ang impeksyon. Dumarami ang discharge na parang sipon: malapot na malagkit.

Kung may mga pagdududa sa pagkakaron ng discharge na parang sipon, kumonsulta agad sa inyong OB-GYNE.  Mas mainam pa rin na maging maalam lalo na at tungkol ito sa pagbubuntis.

Mabahong discharge sa buntis: Dapat bang ipag-alala?

Kumonsulta sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng mga palatandaan ng abnormal discharge, kabilang ang:

  • Dilaw, berde, pula, o kulay abo ang kulay
  • Malakas, mabahong discahrge sa buntis
  • Pamumula, pangangati, o pamamaga ng bahagi ng ari

Bagama’t maaaring wala itong dapat ipag-alala, maaari itong magpahiwatig ng higit pang nangyayari, lalo na dahil mas karaniwan ang mga impeksyon sa lebadura sa panahon ng pagbubuntis. Ang mabahong discharge kadalasan ay normal din. 

Treatment ng mabahong discharge sa buntis at iba pang discharge

Dapat malaman na ang pagtatangkang gamutin ang iyong sarili ay maaaring makapinsala sa iyo at sa kalusugan ng iyong sanggol—lalo na kapag hindi mo alam kung ano ang tunay mong ginagamot.

Sa ilang mga kaso, ang vaginal discharge ay maaaring magpataas ng iyong panganib na maipanganak nang maaga ang sanggol. Para sa iyong kalusugan at kaligtasan, agad na kumonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay may nararamdaman o nararanasang mabahong discharge sa buntis. 

Narito ang mga maaaring gawin upang maiwasan o maibsan ang panganib mula sa vaginal discharge.

Hygiene

Ang discharge na nililikha ng iyong ari ay may kritikal na trabaho ng pagprotekta sa iyong katawan mula sa impeksyon. Ang katawan ay kailangang gumana sa ilalim ng perpektong mga kondisyon upang magawa ito.

Kung ikaw ay gumagamit ng mga matatapang na sabon o douching, gagawa ka ng pH imbalance sa ari. Kapag ang ari ay may pH imbalance, mas malamang na magkaroon ka ng impeksyon.

Kung sa tingin mo ay hindi sapat ang isang mainit at basang washcloth ay maaaring gumamit ng feminine wash para sa buntis o moist wipe na pH-balanced. Ibig sabihin nito, walang mga kemikal, pabango, mahahalagang langis, o alkohol ay ang susunod na pinakamahusay na bagay.

Panatilihin itong tuyo

Pagkatapos lumabas sa shower, lumabas sa pool, o kahit na mag-ehersisyo, makabubuting patuyuin ang iyong sarili. Ang pagbabawas ng kahalumigmigan sa bahagi ng vaginal ay nag-aalis ng perpektong kapaligiran para sa bakterya.

100% Cotton na Panloob

Gumamit ng underwear na gawa sa 100% cotton. Ang cotton underwear ay madalas na nakakatanggap ng papuri para sa kakayahang hayaang huminga ang mga nether region.

Nakakatulong ang breathability na ito na maiwasan ang moisture na gustong-gusto ng bacteria na mabuhay at pakainin.

Panty liners

Maraming tao ang magsusuot ng walang pabango na panty liner sa panahon ng pagbubuntis upang makatulong sa pagsipsip ng anumang discharge na ilalabas nila.

Nakakatulong din ito sa kanilang pakiramdam na tuyo, malinis, at mas komportable sa buong araw. At habang inirerekomenda ng ilang gynecologist ang pagsusuot ng panty liner sa panahon ng pagbubuntis, binibigyang-diin din nila na dapat iwasan ng mga buntis na magsuot ng mga tampon.

Maliban sa mga paraang ito, mas importante pa rin ang pagkonsulta sa iyong doktor upang mabigyan ka ng angkop na gamot at treatment.

Ang ilang mga pagbabago sa vaginal discahrge sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring mga palatandaan ng impeksyon. Mag-check in sa iyong healthcare provider kung napansin mo ang pamumula, pangangati, o pamamaga sa vulva, o mga pagbabago sa discharge.

 

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio, Margaux Dolores at Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano