Bilang bagong magulang, bawat araw ay napupuno ng maraming natututunan tungkol sa development ng baby mo at ang pagaaruga sa kanilang iba’t ibang pangangailangan. Para sa mga magulang na may baby boys, importanteng marunong silang magalaga ng foreskin o ang tinatawag na harapang balat.
Ayon sa Mayo Clinic, ang foreskin ay ang balat na tumatakip sa ulo ng penis.
Kalaunan, ang foreskin at ang glans na iisang tissue lamang ay maghihiwalay. Karaniwan itong nangyayari kapag two to three years old na ang bata.
Maaari ding mangyari ang paghihiwalay bago man sila ipanganak, pero bihira lamang itong mangyari. Karaniwang mga iilang buwan pa, o sa ibang bata, ilang taon pa, hanggang mga 5 years old. Ngunit, wala naman dapat ikabahala kapag lumagpas na sila sa edad na ito at hindi pa rin nangyayari.
Isang karaniwang nakakaligtaan ng new moms ay ang paghila sa foreskin kapag nililinisan ito.
Ngunit, ang foreskin ng baby ay hindi dapat hinihila nang masyadong maaga dahil maaari itong mag-cause ng injury.
Maliban dito, ang pagpwersa nito ay maaaring masakit para kay baby at hindi ito mapapansin dahil karaniwang umiiyak naman sila talaga kapag pinapalitan ang diaper o pinaliliguan.
Huwag piliting hilain ang foreskin ng baby mo, babala ng American Academy of Pediatrics dahil maaaring ma-injure o masugatan ang bata. Kapag na-force ito, maaaring maging mahirap o masakit na ito kapag lumaki ang bata.
Kapag nililinis ang foreskin ng baby, sapat na ang tubig at sabon
Sa paglilinis ng foreskin ng baby, importanteng umiwas sa matatapang na sabon. | image: shutterstock
Ang pagpapaligo ay sapat na para paniguraduhing malinis ang uncircumcised penis ni baby. Tama lang ang gumamit ng sabon at maligamgam na tubig, sabi ng Mayo Clinic.
Huwag gumamit ng cotton buds o kahit ano pang formulation o panlinis. Kung circumcised o natuli na si baby, puwedeng gumamit ng cotton balls na inilublob sa sabong may tubig. Puwedeng linisin ang scrotum (eskrotum) gamit ang malambot ng face towel.
Kapag three years old na siya, maaari mo nang turuan ang iyong anak ng genital hygiene. Kasama dito ang pagliinis sa ilalim ng foreskin araw araw.
Kung hindi mahila ang foreskin nila kapag teenager na sila, konsultahin ang kanilang pediatrician para makasiguro na hindi ito sintomas ng ibang kondisyon.
Huwag magpanic kapag nakakita ng puting buo-buo sa ilalim ng foreskin
Ang puting substance na tila “pearls” sa ilalim ng foreskin ay tinatawag na infant smegma. Ito ay mayroong mga natural secretions at dead cells na unti-unti nabakbak nang kusa habang lumalaki si bbay.
Para maiwasan dumikit ang foreskin ni baby sa diaper, maaari mong ipahid ang infant-friendly petroleum jelly sa ibabaw ng kaniyang diaper para mabawasan ang friction.
Pag-aalaga sa genitals ng baby mo
Maliban sa paghuhugas ng genitals ng baby mo gamit ang maligamgam na tubig at sabon, alalahanin ang mga importanteng hygiene habits na ito:
- Hugasan kaagad ang maselang bahagi ni baby pagka-umihi o tumae sila. Kapag puno ang diaper nila, maaaring maging prone sa bacteria at impeksiyong si baby.
- Siguraduhing palitan ang diapers nila nang madalas. Huwag kalimutang palitan ng madalas ang kanilang maduming diaper araw man o gabi.
- Iwasan ang mga baby care products na may perfume o alcohol. Siguraduhing huwag gumamit na matatapang na produkto tulad ng scented baby wipes.
- Kapag tinutuyo ang puwer nila, gumamit ng malambot na towel. Kung masyadong magaspang ang towel, maaaring ma-irritate ang sensitive skin ni baby.
- Siguraduhing nakababa ang penis ni baby kapag sinusuotan siya ng diaper. Ito ay para maiwasan ang irritation.
Sana natulungan kayo ng article na ito, kung mayroon kayong katanungan, ugaliing kumunsulta sa doktor ni baby.
Isinalin sa wikang Filipino mula sa orihinal na Ingles ni Bianchi Mendoza.
sources: WebMD, Mayo Clinic, American Academy of Pediatrics (AAP), MedlinePlus
BASAHIN: Bawal halikan si baby: Mga sakit na puwede niyang makuha
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!