11 natural at mabisang gamot para sa buni o ringworm

Alamin ang labing isang mga makikita sa loob ng mga bahay na maaaring gamitin bilang gamot sa buni (in English, ringworm) at kung paano gawin ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa mga mahihina ang immune system at mga bata, kahit sino ay maaaring magkaroon ng buni. Ang buni in English, ringworm, ay isang karaniwang fungal infection.

Ito ay dahil sa nakakahawang fungus na Tinea. Sa kabutihang palad, maraming mga maaaring gamitin na mabisang gamot sa buni ang makikita sa mga kabahayan.

Ano ang buni o ringworm?

Ayon sa Healthline ang buni o ringworm sa Ingles ay kilala rin sa dermatophytosis, dermatophyte infection, o tinea. Isa itong fungal infection sa balat.

Ang buni ay maaaring makaapekto sa hayop at mga tao. Makikita ang impeksyon na ito kapag may tila red patches sa apektadong bahagi ng katawan na mayroon nito. Sa kalaunan maaari itong kumalat sa iba pang bahagi ng katawan. Maaari itong makaapekto sa anit, paa, kuko, singit, balbas, at iba pa.

Sintomas ng buni o ringworm

Ang sintomas ng buni o ringworm ay iba-iba, nakadepende ito kung saan ka na apektuhan. Para sa isang skin infection maaari mong maranasan ang mga sumusunod:

  • pula, makati, o scaly patches, o kaya naman nakaangat o tila may pantal sa isang bahagi ng balat o tinatawag din ng plaques
  • Ang patches na ito ay maaaring mag-develop ng blisters o pustules.
  • Maaari ring maging mas mapula pa ang edges nito na may tila singsing.
  • Ang pataches na mayroong edges ay mas defined at mas nakaangat na.

Kung nakakaranas ka naman nito sa iyong kuko, maaaring maging makapal at discolored ang iyong kuko at magsimula itong mag-crack. Ito ay tinatawag na dermatophytic onychomycosis, or tinea unguium.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag sa anit naman ay apektado, maaaring ang buhok na apektado nito ay malagas, o makalbo, at magde-develop din ng mga patches. Ang medical term para rito ay tinea capitis.

Gamot sa buni o ringworm

Para naman sa gamot sa ringworm o buni sa Filipino, maaaring irekumenda ng doktor ang medication o pag-inom ng gamot at pagkakaroon ng lifestyle adjustments para mawala ang buni o ringworm.

Medications o gamot sa ringworm

Maaaring magreseta ang doktor ng mga gamot na nakadepende sa lala ng iyong ringworm infection o buni. Ang pagkakaroon ng jock itch, athlete’s foot, at ringworm sa katawan ay maaaring magamot ng mga topical medications. Katulad ng antifungal creams, ointments, gels, o kaya naman sprays.

Para naman sa gamot sa ringworm sa anit at kuko, maaaring magreseta ang doktor ng mga oral medications katulad ng griseofulvin (Gris-PEG) or terbinafine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon din mga OTC o over-the-counter medication at antifungal skin creams na maaari ring gamitin para magamot ang ringworm o buni. Ang mga produktong ito ay maaaring mayroong sangkap na contain clotrimazole, miconazole, terbinafine, o iba pang related na sangkap.

Pagbabago sa lifesyle

Bukod sa pagkakaroon ng reseta mula sa doktor at mga over-the-counter medication. Maaari ring irekumenda ng iyong doktor ang mga sumusunod:

  • Palagiang paglalaba ng bedsheet, punda, at mga damit kapag mayroong kang impeksyon na ito upang matulungan ma-disinfect ang kapaligiran.
  • Pagpapatuyo sa bahagi ng katawan na apektado nito
  • Pagsusuot ng maluwag na damit sa apektadong bahagi ng katawan.
Ringworm risk factors

Anyone can get ringworm, but you may be more at risk if you:

  • live in a warm, humid environment or climate
  • participate in contact sports, like wrestling or football
  • use public showers or locker rooms
  • come in close contact with animals
  • wear tight shoes or clothes that chafe your skin
  • have diabetes
  • have obesity or are overweight
  • sweat excessively
  • have a weakened immune system

Nakakahawa ba ang buni o ringworm?

Halos lahat naman umano ay maaaring magkaroon ng buni. Subalit mas karaniwan ito sa mga bata o mga taong may mga alagang hayop katulad ng pusa at aso. Ang pusa at aso ay maaari rin kasing magkaroon ng buni o ringworm, at maaari nila itong maipasa sa mga tao kapag nakahawan nila ito. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Senyales na may buni ang inyong alagang hayop: 

  • Mayroong bahaging walang buhok at may patches sa katawan na pabilog 
  • May patches pero may kaunting buhok 
  • Tila may scaly patches

Kung palagay mo ay mayroong buni ang iyong alagang hayop magandang ipakonsulta agad siya sa isang vet. Sa ganitong paraan maiiwasan na mahawa kayo ng buni niya. 

At sa tanong na nakakahawa ba ang ringworm o buni? Ang sagot ay OO! Kung ikaw ang mae-expose sa fungi. 

Buni habang buntis 

Hindi rin maiiwasan na magkaroon ng buni habang buntis, kapag napansin mo na tila may buni ka habang buntis. Magandang magpakonsulta agad sa inyong doktor at huwag mag-self medicate. 

Maaari kasing masama pala ang gamot na iyong nilalagay para sa iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan. Kadalasan, hindi nagbibigay ang mga doktor ng mga oral na gamot para sa buni. Sapagkat maaari itong magkaroon ng side effects kay baby. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

If you get ringworm during pregnancy, there are medications you can use to treat it that aren’t known to cause any problems to a baby.

11 home remedies na mabisang gamot sa buni o ringworm

Para naman sa mga home remedies na maaaring gawin, ito ang pwedeng subukuan.

1. Bawang

Image: Pexels

Madalas ginagamit ang bawang sa paggamot ng isang impeksiyon. Kahit walang pag-aaral na naisagawa sa epekto nito sa buni, may mga ebidensyang epektibo ito sa ibang mga fungi.

Gumawa ng paste gamit ang dinikdik na bawang na hinaluan ng olive oil o coconut oil. Ipahid ito sa buni at ibalot ng gasa. Patagalin nang 2 oras bago hugasan. Upang maging epektibo ito, gawin nang 2 beses sa isang araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit, kung makaranas ng sakit, pamamaga, o pamumula, hugasan at huwag na muling subukan.

2. Sabon

Panatilihing malinis ang balat upang maiwasan ang pagkalat sa iba pang bahagi ng katawan. Hugasan ang apektadong bahagi ng sabon at maligamgam na tubig. Gawin ito mula isa hanggang dalawang beses sa isang araw. Matapos hugasan, punasan ang apektadong bahagi hanggang siguradong matuyo ito.

3. Apple cider vinegar

Ang apple cider vinegar ay isang sumisikat sa internet bilang remediya sa maraming sakit. Marami naring halimbawa ang nagpapakitang kaya nitong labanan ang Candida at iba pang fungal infection.

Magpahid sa buni ng bulak na basa ng apple cider vinegar. Gawin ito 3 beses sa isang araw upang maging epektibo.

Ngunit, ang apple cider vinegar ay acidic at maaaring makasakit sa balat. Dahil dito, hindi inirerekumenda ang pag-gamit ng purong apple cider vinegar sa mukha.

4. Aloe vera

Larawan mula sa  Pexels

Ayon sa mga pagsusuri, ang aloe vera ay mayroong 6 na antiseptic agents. Ang mga ito ay mayroong mga bisa na antifungal, antibacterial at antiviral.

Maglagay ng gel mula sa halaman ng aloe vera at ilagay sa balat na may buni. Gawin ito nang tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.

Makakatulong din ang nakakapagpalamig sa pakiramdam na katangian ng gel na ito. Napapalagay ng lamig na dulot ng aloe vera ang makati at namamagang balat.

5. Coconut oil

Larawan mula sa Pexels

Ang coconut oil ay mayroong iba’t ibang fatty acid. Ang ilan sa mga ito ay sumisira sa mga cell membrane ng fungal cells. Dahil dito, nagiging mabisa ang coconut oil bilang mabisang gamot sa buni. Ayon din sa ilang pagsusuri, ang coconut oil ay maaaring remedyo sa ilang mga banayad hanggang katamtaman na problema sa balat.

Maaari itong ipahid sa buni tatlong beses sa isang araw bilang gamot dito. Maaari din itong gamitin bilang moisturizing lotion upang maiwasan ang pagbalik ng buni.

6. Grapefruit seed extract

May ilang mga ebidensya ang nagsasabing ang grapefruit seed extract ay nakakapagpagaling ng fungal infection.

Para sa buni, maghalo ng isang patak ng grapefruit seed extract at isang kutsara ng tubig. Ipahid ito sa apektadong balat dalawang beses sa isang araw.

7. Luyang dilaw

Gamot sa buni o ringworm. | Larawan mula sa Pexels

Ang luyang dilaw ay maraming anti-inflammatory na katangian. Marami nang pag-aaral ang nagsasabi na ang parte nito na tinatawag na curcumin ay maraming antimicrobial na kakayahan.

Maaaring inumin ang luyang dilaw bilang tsaa o kaya naman ay ihalo sa mga pagkain. Maaari rin ipahid sa apektadong bahagi ang paste na gawa sa hinalong luyang dilaw sa tubig o coconut oil. Hayaan itong matuyo bago punasan.

Paalala lamang na ang luyang dilaw ay maaaring mag-iwan ng pagka-dilaw sa balat. Ang epektong ito ay kusa ring nawawala matapos ang ilang araw.

8. Dinikdik na regalis

Ang regalis ay isa sa mga halaman na kadalasang ginagamit sa tradisyonal na chinese medicine. Mayroon itong katangian na antiviral, antimicrobial at anti-inflammatory. Maaari rin itong gamitin bilang gamot sa buni at iba pang fungal infection.

Maglagay at haluin ang 3 kutsara ng dinikdik na regalis sa isang baso ng tubig. Pakuluan ito at kapag kumukulo na, bawasan ang init at patagalin pa nang 10 minuto. Magmumukha itong paste sa paglamig nito. Ipahid ang nagawang paste sa buni at patagalin nang 10 minuto bago punasan o hugasan. Gawin ito nang dalawang beses sa isang araw.

9. Tea tree oil

Marami na ang mga gumagamit ng tea tree oil bilang remedyo sa mga impeksiyon na dulot ng bacteria o fungi. Sa kasalukuyan, kilala ito bilang mabisang lunas sa buni.

Maghalo ng 12 patak ng tea tree essential oil at isang onsa ng cold-pressed carrier oil tulad ng coconut oil. Ipahid ito sa balat tatlong beses sa isang araw.

Para sa mga hindi sensitibo ang balat, maaaring ipahid ng direkta ang tea tree oil sa buni.

10. Langis ng oregano

Gawa ito sa wild oregano na may 2 malakas na antifungal – thymol at carvacol. Ayon sa ilang pagsusuri, ang langis ng oregano ay nakakapigil sa fungus na Candida albicans.

Tulad sa tea tree oil, ihalo ito sa carrier oil bago ipahid sa buni. Gamitin ito hanggang 3 beses sa isang araw.

Alalahanin na ang karamihan ng mga itinitinda ay gawa sa karaniwang oregano imbes na wild oregano.

11. Langis ng tanglad

Ang essential oil na gawa sa tanglad ay nakitaan na nakakalaban sa ilang uri ng fungus.

Ihalo sa carrier oil at ipahid sa buni gamit ang bulak. Gawin ito 2 beses sa isang araw.

Paano maiiwasan ang buni o ringworm? 

Ang mga fungi ay matatagpuan sa halos lahat ng lugar ang mga pagkakataon. Pero may mga paraan pa rin naman para maiwasan ang pagkakaroon ng buni o pagkakaroon ng fungal infection.

Ilan sa mga paraang ito ay ang mga sumusunod: 

  • Panatalihing malinis at hindi basa ang inyong balat. 
  • Magsuot lagi ng malinis na damit kabilang na ang pagsusuot ng malinis na sapatos o tsinelas.
  • Huwag na huwag suotin ulit ang mga maruruming damit.
  • Pagkatapos makipaglaro sa mga alagang hayop ay laging maghugas ng kamay gamit ang mga sabon na antibacterial. 

Siguraduhing malinis ang balat bago sumubok ng remedyo. Bago pa lagyan ang buni in English, ringworm, subukan muna ang mga ito sa ibang parte ng katawan para masigurado na walang magiging allergic reaction.

Kailan dapat pumunta sa doktor? 

Kung ang mga sintomas ay hindi nawala sa loob ng 2 linggo, magpunta na sa doktor. Maaaring maresetahan ng mga topical lotion na may clotrimazole o terbinafine. Gagamitin ang mga ito dalawang beses sa isang araw. Maaari rin maresetahan ng masmalakas na antifungal na gamot depende sa lala ng impeksiyon.

 

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.