X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

10 min read

Pangangati at pamamantal ng balat ni baby? Narito ang mga home remedies na pwedeng gawin upang maibsan ang skin irritation at mga cream na pwedeng mabili.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Gamot sa kagat ng insekto sa baby
  • Home remedies para sa kagat ng lamok, langgam at iba pang insekto
  • Mga sakit na nakukuha sa kagat na insekto
  • Tips para hindi magkaroon ng insekto sa loob ng bahay katulad ng lamok

Gamot sa kagat ng insekto sa baby

Maliban sa mga pangkaraniwang sakit na ubo, sipon at lagnat, Madalas ring nakakaranas ng kagat ng insekto ang mga baby. Malalaman na nga lang ito kapag mayroon na silang rashes at pantal sa katawan na palatandaan ng kagat ng insekto tulad ng langgam at lamok.

gamot sa kagat ng insekto sa baby

Image from Freepik

Ang mga ito naman ay madaling malulunasan. maaaring ito ay sa pamamagitan ng mga home remedies at over-the-counter creams tulad ng mga sumusunod na proven safe para sa mga baby. Pero kailangan makakasiguro na bago gumamit ng sumusunod ay kumonsulta muna sa isang doctor.

1. Tiny Buds After Bites

Available in Shopee

gamot sa kagat ng insekto sa baby

Ang Tiny Buds After Bites ay nangunguna sa mga inirerekumendang gamot sa kagat ng insekto sa baby. Ito ay natural insect bite gel na ligtas para sa mga baby. Hindi ito nagtataglay ng harsh chemicals at steroids na maaring makasama sa kanila. Non-mentholated at non-greasy rin ito na napatunayan ng effective na gamot sa kagat ng lamok at langgam. Kaya din nitong malunasan ang iba pang minor irritations tulad ng kamot, maliliit na pasa at sugat.

2. Aveeno Anti-Itch Cream with Natural Colloidal Oatmeal

Available in Lazada

gamot sa kagat ng insekto sa baby

Isa pa sa inirerekumendang gamot sa kagat ng langgam at lamok para sa mga baby ay ang Aveeno anti-itch cream. Maliban sa nagbibigay ito ng fast at temporary relief sa pangangati at sakit na dulot ng kagat ng insekto ay nakakatulong rin itong malunasan ang iba pang skin irritations. Nagtataglay rin ito ng calamine na mabilis na nakakapagpatuyo ng mga rashes sa balat. Bagamat nagtataglay ito ng 1% hydrocortisone cream ligtas naman itong gamitin sa mga baby sa inirerekumendang paraan at paggamit ng doktor.

3. Calmoseptine Ointment

Available in Shopee

gamot sa kagat ng insekto sa baby

Ang Calmoseptine Ointment ay isa rin sa inirerekumendang gamot sa kagat ng insekto sa baby ng maraming mommies. Dahil ito ay sadyang ginawa para sa mga infants. Bagamat hindi naman ito ipinapayong gamitin sa mga sanggol na ipinanganak ng premature.

Maliban sa ito ay gamot sa kagat ng lamok at langgam, inirerekumendang lunas rin ito sa mga diaper rash, minor cuts at burns.

4. Bioneem Ointment

Available in Shop Organic

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

Ang Bioneem ointment ay napatunayan ring mabisang gamot sa kagat ng insekto ng ilang mga mommies. Guaranteed safe rin ito sa mga baby dahil ito ay organic. Gawa ito sa neem at acapulco extract na nakakatulong para maibsan ang pangangati at pananakit na dulot ng kagat ng insekto. Nakakaalis rin ito ng mga peklat at stretch marks.

5. Human Nature Rescue Balm

Available in Lazada

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

Inirerekumenda rin para sa mga baby ang Human Nature Rescue Balm pagdating sa pagagamot ng kagat ng mga insekto. Gawa ito sa all-natural ingredients kaya siguradong ligtas para sa balat ni baby. Ang major ingredient nito ay tea-tree na may germ-fighting properties at lavender na nakakatulong naman na maibsan ang sakit at pamamaga sa balat.

Maliban sa ito ay gamot sa kagat ng langgam, lamok at iba pang insekto, mabisa rin itong gamot sa iba pang skin irritations.

May mga gamot sa kagat ng insekto sa baby naman ang hindi na kailangang bilhin pa. ito ay ang mga remedies na available lang sa loob ng bahay na makakatulong upang maibsan ang pananakit at pangangati sa balat. Ito ay ang mga sumusunod:

Home remedies para sa kagat ng lamok, langgam at iba pang insekto

Para naman sa mga gusto ng mga natural na pamamaraan para sa kagat ng insekto, narito ang mga home remedies na pwede niyong subukan.

1. Lemon

gamot sa kagat ng insekto sa baby

Larawan mula sa Food photo created by Racool_studio – www.freepik.com

Ang anti-inflammatory at anesthetic properties na taglay ng lemon ay nakatutulong upang maibsan ang sakit at kati ng kagat ng insekto. Hiwaan lang ito at direktang ilagay sa apektadong balat na may kagat. Maari ring i-apply ang katas o juice nito sa balat.

2. Bawang

Ang bawang ay mabisang gamot sa kagat ng insekto sa mga baby rin. Nakakatulong ito para maibsan ang pamamaga habang itinataboy rin ng matapang na amoy nito ang mga lamok. Ikuskos lang ito sa kagat ng insekto at linisin ng basang tela o towel pagkatapos.

3. Baking Soda

baking soda

Larawan mula sa House photo created by freepik – www.freepik.com

Ang baking soda ay mabisa ring gamot sa mga kagat ng lamok. Agad nitong naibabalik ang pH level sa balat at nababawasan ang pangangati. Magtunaw lang ng isang kutsarita nito sa isang tasang tubig. Ilubog rito ang towel at ilagay sa balat na may kagat ng insekto ng 10 minuto.

4. Yelo

Ang pagdadampi ng towel na may yelo sa kagat ng insekto ay nakakatulong upang maibsan ang pananakit at pangangati nito. Ngunit ingatan na huwag masyadong matagalan ang paglalagay nito sa balat ni baby dahil ito ay maaring magdulot ng discomfort sa kaniya.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

BASAHIN:

Top 6 na produkto na gamot sa pantal na dulot ng kagat ng mga insekto

Babae, hindi nagtatanggal ng make-up binahayan ng insekto ang pilik-mata

4 na sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok—bukod sa dengue

5. Asin

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

Larawan mula sa  Food photo created by Racool_studio – www.freepik.com

Ang paglilinis sa kagat ng insekto gamit ang asin o sea salt ay fast relief rin sa pangangati at pananakit na dulot nito. Dahil tulad ng lemon, ang asin ay may anti-inflammatory properties rin.

6. Aloe Vera

Mabisang pain reliever rin para sa kagat ng insekto sa mga baby ang aloe vera gel. Ilagay lang muna ito sa refrigerator sa loob ng ilang minuto at i-apply sa apektadong bahagi ng balat.

7. Honey

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

Larawan mula sa Food photo created by Racool_studio – www.freepik.com

Ang honey ay hindi lang mabisang gamot sa ubo. Para sa mga baby ay magagamit rin ito para maibsan ang kati at sakit ng kagat ng insekto. Ito ay dahil sa anti-bacterial at anti-inflammatory properties na taglay nito.

Ang mga nabanggit ay mga inirerekumendang mabisang gamot sa kagat ng mga insekto sa baby. Ngunit para sa ointment at creams ay mabuti munang komunsulta sa doktor ni baby para makasigurado.

8. Kalamansi

Ang katas ng kalamansi ay likas na astringent na kayang patuyuin ang mga pantal. May sangkap din itong lumalabas sa pamamaga. Magpiga ng isa hanggang dalawang kalamansi. Ipahid ang katas nito gamit ang bulak sa mga apektadong bahagi. Patuyuin at banlawan.

9. Langis ng niyog

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

Larawan mula sa Food photo created by jcomp – www.freepik.com

Ang langis ng niyog ay mabisa sa pag-alis ng pantal sa balat. Nagdudulot din ito ng hydration sa balat para mabawasan ang pangangati. Inirerekomenda ang virgin coconut oil dahil mayroon pa itong antiseptic at anti-inflammatory properties.

10. Breast milk

Ang gatas ng ina ay maraming benepisyo sa bata kabilang ang pagtanggal ng rashes sa balat ni baby. Ang paglalapat ng ilang patak sa apektadong bahagi ay maaaring magpagaling ng mga pantal nang walang anumang side effects. Ito ay dahil ang gatas ng ina ay puno ng mga immunoglobulin na tumutulong sa paglaban sa mga impeksyon.

Ang mga nabanggit ay mga inirerekomenda ng mabisang gamot sa kagat ng mga insekto sa baby. Ngunit para sa ointment at creams ay mabuti munang i-konsulta sa doctor ni baby para maka siguro.

Mga sakit na nakukuha sa kagat na insekto

Ayon sa Dr. Rey Salinel, isang family physician, nagkakaroon ng iba’t ibang epekto sa katawan ng tao ang kagat ng mga insekto, depende sa lagay ng kalusugan nito.

Dengue

Ang dengue ay acute viral infection na nakukuha mula sa kagat ng lamok na aedes aegypti. Karaniwang target nito ang mga bata at sanggol. Kapag hindi naagapan, posible itong ikamatay ng taong tinamaan ng sakit na ito.

Bukod sa rashes sa balat, kabilang sa sintomas nito ang pabalik-balik na lagnat, pananakit ng ulo, panghihina ng katawan, kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, at  pagdumi.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, “The first step to prevent dengue is within our homes, it is important to remove any space or container than can hold unnecessary stagnant water which may become breeding sites of mosquitoes,”    

Malaria

Ang malaria ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng parasito Plasmodium at kadalasang naipapasa sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Anopheles.

Kapag ‘di nagamot, ang impeksyon ay maaaring humantong sa ‘di wastong paggana ng bato (kidney failure), seizure, matagal na kawalan ng malay (coma) at kamatayan.

Ang mga sintomas ay kadalasang lumalabas sa loob ng 10 hanggang 15 araw pagkatapos makagat ng lamok na nagdadala ng parasito.

Ang unang mga sintomas ay kadalasang mukhang banayad lang gaya ng lagnat, panginginig, at sakit ng ulo. Ngunit habang lumalala ang sakit, ang mga pasyente ay maaaring makaranas na ng anemya, paninilaw ng balat (jaundice), pagduduwal, pagsusuka at pagtatae.

Lymphatic Filariasis

Ang lymphatic filariasis ay isang napabayaang tropical disease (NTD) na karaniwang kilala bilang elephantiasis, sanhi ng mga parasito worm at naipadala sa mga tao ng iba’t ibang uri ng lamok. Ang karaniwang sintomas nito ay pamamanas.

Japanese Encephalitis

Ang Japanese encephalitis ay isang sakit na ang pangunahing komplikasyon ay pamamaga ng utak—kaya’t binansagang “brain fever”. Ito ay isang flavivirus, kaparehong virus na nagiging sanhi ng dengue, yellow fever at West Nile viruses.

 Ilan sa kabilang na sintomas nito ay pamamaga ng balat, hita, braso at ari.

Chikungunya

Ang chikungunya ay isang viral infection dulot ng lamok (Aedes aegypti at Aedes albopictus). Makikita  ang mga sintomas sa pagitan ng apat at pitong araw pagkatapos makagat ng infected na lamok ang pasyente.

Kabilang sa sintomas nito ay lagnat, sakit ng ulo, pagkapagod, pagsusuka, pananakit ng kalamnan at pagkakaroon ng pantal.

Tips para hindi magkaroon ng insekto sa loob ng bahay katulad ng lamok 

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

Larawan mula Room photo created by jcomp – www.freepik.com

Narito ang ilang tips mula kay Dr. Janette Calzada, isang pediatric neurologist, upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng kagat ng mga insekto.

  1. Huwag papasukin ang mga lamok sa loob ng bahay

Gumamit ng screen na pantakip sa mga bintana at pinto. Ayusin ang mga butas sa bahay na maaaring pasukan ng lamok.

“Mosquitos are attracted to dark colors so let your kids wear light-colored clothes.”

  1.  Expose less skin

Inirerekumenda na magsuot ng t-shirt at pants na natatakpan ang balat ng bata na maaaring makagat ng lamok lalo na kung lalabas ng bahay.

  1. Gumamit ng insect repellent

Gumamit ng insect repellent na may CEEC. Huwag itong pahirin sa batang edad 2 months old pababa. Tandaan na ang insect repellent ay hindi nagbibigay proteksyon sa buong araw. Kailangan ipahid ito sa balat alinsunod sa instruction ng insect repellent na iyong bibilhin. 

  1. Limitahan ang paglabas ng mga bata

Sa mga oras na aktibo ang mga lamok, mas mainam na panatilihin na lamang sa bahay ang mga bata. Kung hindi maiiwasan, siguraduhing magpahid ng insect repellent sa katawan upang maragdagan ang proteksyon laban sa kagat ng insekto.

  1. Linisin ang bahay

Siguraduhing walang nakaimbak na tubig na maaaring pamahayaan ng lamok na nagdadala ng maraming sakit. Gayundin ang mga basura ay huwag iimbak sa bahay na pinamumugaran ng ipis at iba pang insekto.

Source:

RCH Org, WebMD, DOH,

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby
Share:
  • Bata, namaga ang utak at nag kombulsyon dahil sa kagat ng lamok

    Bata, namaga ang utak at nag kombulsyon dahil sa kagat ng lamok

  • 7 dahilan kung bakit madalas kang kagatin ng lamok

    7 dahilan kung bakit madalas kang kagatin ng lamok

  • Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

    Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Bata, namaga ang utak at nag kombulsyon dahil sa kagat ng lamok

    Bata, namaga ang utak at nag kombulsyon dahil sa kagat ng lamok

  • 7 dahilan kung bakit madalas kang kagatin ng lamok

    7 dahilan kung bakit madalas kang kagatin ng lamok

  • Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

    Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.