Gamot sa ubo na hindi nawawala? Ubo ng ubo at nagtatagal na ito ng ilang linggo? Ito ang maaring dahilan ng nararamdaman mo at ang agad na dapat gawin mo para malunasan na ito.
Kung ubo ng ubo, ito ang paliwanag sa nararamdaman mo
Ang ubo ay isa sa madalas na nararanasang sakit ng marami sa atin. Lalo na sa tuwing malamig ang panahon kung kailan nauuso ito kasabay o kasunod ng pagkakaroon ng sipon.
Ito ay normal na reaksyon ng katawan sa tuwing may makating particle ang pumasok sa ating lalamunan. O kaya naman ay upang ilabas ang plemang bumabara dito.
Madalas, ito ay hindi seryosong sakit o dapat maging dahilan ng pag-alala. Ngunit maaring may seryosong dahilan na sa likod nito, kung ang ubo ay:
- tumagal na ng walong linggo at hindi pa gumagaling
- nakakaapekto na sa pag-gawa mo ng mga bagay-bagay sa araw-araw at naging nakakairita na sa mga taong nasa paligid mo
- nagiging dahilan na upang hindi ka makatulog nang maayos sa gabi
Ito ay maaaring dahil sa sakit na kung tawagin ay chronic cough. Isang sakit na dapat agad mabigyan ng atensyong medikal upang malaman ang tunay na dahilan. At ang malaman ang gamot sa ubo na hindi nawawala at patuloy na nagpapahirap sayo.
Ubo ng ubo: Sanhi ng chronic cough
People photo created by mdjaff – www.freepik.com
Maliban sa long-term na epekto ng paninigarilyo, marami pang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng chronic cough. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Postnasal drip o ang kondisyon na kung saan ang glands sa ilong at lalamunan ay nag-proproduce ng sobrang mucus
- Asthma
- Acid reflux
- Mga gamot na may ACE inhibitors na madalas na ginagamit upang malunasan ang high blood pressure
Ang chronic cough ay maaring dahil rin sa isang seryosong kondisyon o karamdaman. Tulad ng sumusunod:
- Chronic bronchitis o iba pang forms ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
- Infections tulad ng pneumonia o acute bronchitis
Ang mga nabanggit na karamdaman, kung hindi agad malunasan ay maaring maging banta sa buhay ng nakakaranas nito. Kaya naman sa oras na ubo ng ubo lalo na kung sasabayan pa ng sumusunod na sintomas ay dapat agad ng magpunta sa doktor:
- Lagnat
- Ubong may kasamang dugo
- Hirap sa paghinga
- Biglang pagbaba ng timbang
- Panghihina o labis na pagkapagod
- Pananakit ng dibdib
Maliban sa mga nabanggit na seryosong sintomas, ang chronic cough ay maaaring magdulot rin ng mga sumusunod pang sintomas sa katawan.
- Heartburn
- Paos na boses
- Runny nose
- Stuffed nose o baradong ilong
- Wheezing o tila sumisipol na tunog sa tuwing humihinga
- Pagkahilo o pagkahimatay
- Sakit ng ulo
- Hirap sa pagtulog
- Urine leakage o paglabas ng ihi sa tuwing umuubo
Gamot sa ubo na hindi nawawala
People photo created by 8photo – www.freepik.com
Ang pinakamainam na gamot sa ubo na hindi nawawala o chronic cough ay depende sa sanhi nito. Narito ang mga karaniwang sanhi at angkop na lunas:
Cough suppressants
Upang maibsan ang discomfort na dulot ng chronic cough, madalas ang mga doktor ay nagrereseta ng mga cough suppressants. Tulad nalang ng mga cough syrup na nagtataglay ng dextromethorphan.
Antihistamines, corticosteroids, at decongestants.
Para naman malunasan ang allergies at postnatal drip na nagdudulot ng chronic cough ang antihistamines, corticosteroids, at decongestants ang mga inirereseta ng doktor. Isa ito sa mga laging inireresetang gamot sa ubo na hindi nawawala.
Asthma medication
Kung ang ubo ay dulot ng asthma, ang mga gamot para maibsan ang pag-atake nito tulad ng inhaled steroids at bronchodilators, ang inirerekumendang paraan para maibsan ang pamamaga sa airways at mabawasan ang chronic cough.
Ang mga ito ay kailangang i-take araw-araw para maiwasan at mapigilan ang pag-atake ng asthma na madalas na makikita sa pamamagitan ng maya-mayang pag-ubo.
Acid blockers
Kung ang hindi mawala-walang ubo ay dahil sa acid reflux, maliban sa pagrereseta ng ng antacids, H2 receptor blockers at proton pump inhibitors, inirerekumendang magkaroon ng pagbabago sa lifestyle ang isang tao.
Antibiotics
Inirereseta naman na uminom ng antibiotics kung ang persistent cough ay dulot ng isang impeksyon.
Paninigarilyo
Ang gamot sa ubo na hindi nawawala dulot ng paninigarilyo ay ang pagtigil sa bisyo. O ang unti-unting bawasan upang matigil ang pag-ubo at ma-protektahan mula sa mas malalang sakit ang kalusugan ng taong nakakaranas nito.
Tips kung paano maibsan ang chronic cough
Water photo created by pressfoto – www.freepik.com
Maliban sa pag-inom ng gamot ay may mga maari ring gawin upang kahit papaano ay maibsan ang chronic cough. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Uminom ng maraming tubig o juice. Ang extra fluid sa katawan ay makakatulong para paluwagin o panipisin ang mucus sa ilong at lalamunan. Ang mainit na sabaw o tsaa ay makakatulong rin upang ma-sooth ang lalamunan.
- Sumisipsip ng mga cough lozenge.
- Kung may acid reflux ay iwasan ang overeating o pagkain ng dalawa o tatllong oras bago matulog. Makakatulong rin ang pagbabawas ng timbang.
- Gumamit ng cool mist humidifier para madagdagan ang moisture sa hangin. Ang paliligo sa hot shower ay makakatulong rin upang paluwagin ang iyong pakiramdam.
- Gumamit ng saline nose spray o nasal irrigation. Nakakatulong ang mga ito upang ma-drain ang mucus na nagdudulot ng pag-ubo.
Hindi dapat basta minamaliit ang ubo na nararanasan. Bagamat maraming pagkakataon na ito naman ay hindi seryoso, mabuting agad na magpatingin sa doktor sa oras na nagtatagal na ito at nakakaapekto na sa mga functions at trabaho mo.
Ito ay upang malaman na ang tunay nitong dahilan. At upang mabigyan na agad ito ng lunas upang hindi na lumala pa.
Paano maprotektahan ang sarili mula sa pagkakaroon ng ubo
Upang maiwasan at maprotektahan ang sarili mula sa pagkakaroon ng ubo, mahalagang sundin ang mga hakbang na nagpapalakas ng iyong immune system at iwasan ang mga bagay na maaaring magdulot ng iritasyon sa iyong lalamunan. Narito ang ilang epektibong paraan:
1. Palakasin ang Iyong Immune System:
- Kumain ng balanseng diyeta: Isama ang mga prutas at gulay na mayaman sa bitamina, lalo na ang Vitamin C (hal. mga dalandan, kalamansi) upang mapalakas ang iyong resistensya.
- Uminom ng sapat na tubig: Panatilihing basa ang iyong lalamunan at gawing mas malabnaw ang mucus.
- Mag-ehersisyo nang regular: Nakakatulong ang pisikal na aktibidad sa pagpapabuti ng kalusugan ng iyong baga at kabuuang kalusugan, na makakatulong upang hindi na kailangan ng gamot sa ubo na hindi nawawala.
2. Ugaliin ang Mabuting Kalinisan:
- Maghugas ng kamay nang madalas: Gumamit ng sabon at tubig o hand sanitizer, lalo na pagkatapos makisalamuha sa publiko, upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo.
- Iwasang hawakan ang iyong mukha: Pinipigilan nito ang mga virus na makapasok sa iyong katawan sa pamamagitan ng ilong, bibig, o mata, na nagiging dahilan kung bakit hindi mo na kakailanganin ng gamot sa ubo na hindi nawawala.
- Takpan ang bibig at ilong: Kapag umuubo o bumabahing, gumamit ng tisyu o ang iyong siko upang hindi makahawa sa iba.
3. Iwasan ang mga Irritants sa Respiratoryo:
- Huwag manigarilyo: Ang paninigarilyo ay nakakasira sa baga at nagpapataas ng posibilidad ng tuloy-tuloy na pag-ubo.
- Iwasan ang secondhand smoke: Ang usok mula sa sigarilyo ng iba ay maaaring magdulot ng iritasyon sa iyong respiratoryo, na magreresulta sa pangangailangan ng gamot sa ubo na hindi nawawala.
- Bawasan ang exposure sa polusyon at allergens: Manatili sa loob ng bahay kapag masama ang kalidad ng hangin, at gumamit ng air purifier kung kinakailangan.
4. Iwasang Makisalamuha sa mga May Sakit:
- Iwasang makipaglapit: Lumayo sa mga taong inuubo, bumabahing, o may mga sintomas ng respiratory infections tulad ng sipon o trangkaso, upang hindi ka magkasakit at mangailangan ng gamot sa ubo na hindi nawawala.
- Magsuot ng mask: Sa mga pampublikong lugar o sa panahon ng flu season, ang pagsusuot ng mask ay makakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng mga respiratory viruses.
5. Magpabakuna:
- Bakuna laban sa trangkaso: Magpabakuna taun-taon upang maprotektahan laban sa mga karaniwang respiratory viruses at maiwasan ang pag-ubo.
- Bakuna laban sa COVID-19: Panatilihin ang pagiging up-to-date sa mga bakuna at boosters para sa COVID-19 upang mabawasan ang panganib ng malalang respiratory infections, na posibleng magdulot ng pangangailangan ng gamot sa ubo na hindi nawawala.
6. Panatilihing Malinis ang Kapaligiran:
- Linisin ang mga ibabaw nang regular: I-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan tulad ng doorknobs, switch ng ilaw, at telepono upang puksain ang mga mikrobyo.
- Gumamit ng humidifier: Nagpapalambot ng hangin ang humidifier, na makakatulong upang maiwasan ang pagkatuyo ng lalamunan na nagdudulot ng ubo.
7. I-manage ang mga Allergy:
- Kilalanin at iwasan ang mga allergens: Kung ikaw ay may allergy, limitahan ang exposure sa mga bagay tulad ng pollen, alikabok, at balahibo ng hayop upang hindi na mangailangan ng gamot sa ubo na hindi nawawala.
- Uminom ng allergy medications: Uminom ng antihistamines o gumamit ng nasal sprays upang mabawasan ang mga reaksiyong allergic na maaaring magdulot ng ubo.
8. Gamutin ang GERD:
- Iwasan ang mga pagkaing nagdudulot ng acid reflux: Ang maanghang na pagkain, kapeina, at mga pagkaing acidic ay maaaring magdulot ng GERD, na magreresulta sa chronic cough.
- Itaas ang ulo kapag natutulog: Upang maiwasan ang pag-akyat ng asido mula sa tiyan papunta sa lalamunan, na maaaring magdulot ng pangangailangan ng gamot sa ubo na hindi nawawala.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito, maaari mong mabawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng ubo at protektahan ang iyong kalusugan.
Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa Speedoc at isinalin sa wikang Filipino na may pahintulot ni Irish Mae Manlapaz.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.