Pwede ba uminom ng gatorade ang buntis? Isa ang brand na Gatorade sa mga beverages o inuming nakakatulong para sa hydration ng katawan ng tao, lalo na ng mga mahilig sa sports at mga atleta. Sa mga Pinoy, nagiging bahagi na ng baseless science ang pag-inom nito kapag nilalagnat ang bata. Nakakatulong din daw ito bilang alternative sa water therapy kapag ang tao ay may sakit.
Para sa mga buntis na moms, posible ang pagkakaroon ng dehydration habang nagbubuntis. Ito ay sanhi ng mga pagbabago sa kanilang katawan habang buntis. Bilang katanungan ng ilang mga moms, safe ba o pwede ba uminom ng gatorade ang buntis?
Gatorade, pwede ba uminom nito ang buntis? Safe nga ba? Narito ang sagot ng mga eksperto.
Talaan ng Nilalaman
Pwede ba uminom ng gatorade ang buntis?
Kapag buntis ang isang babae ay maraming bawal inumin at kainin. Ito ay dahil sa maaaring maging epekto nito sa dinadala niyang sanggol. Pero payo ng mga doktor mahalaga na kumain ng masusustansyang pagkain para sa malusog na development ng sanggol. Pati na ang pag-inom ng sapat na tubig o fluid para maiwasan ang dehydration.
Maliban nga sa tubig, isa sa nakasanayan nating inumin upang makaiwas sa dehydration ay ang mga sports drink tulad ng Gatorade. Kaya naman ang malaking tanong mga babae, pwede ba uminom ng Gatorade ang buntis?
Ano ang Gatorade?
Ang Gatorade ay kilalang sports drinks sa buong mundo. Ayon sa Harvard Health Publishing, ito ay unang nai-produce noong 1960s para sa football team ng University of Florida.
Sa pagdaan ng panahon, hindi lang mga atleta ang nakasanayan ng uminom nito. Dito sa Pilipinas, ito rin ay madalas na ipinaiinom sa mga nagtatae. Dahil sa paniniwalang maiibsan nito ang sintomas ng sakit at maiiwasan ang dehydration na maaring magdulot ng seryosong komplikasyon.
Base sa product label ng Gatorade ito ay nagtataglay ng mga sumusunod na ingredients:
- Water
- Sucrose (table sugar)
- Dextrose
- Citric acid
- Natural flavor
- Sodium chloride (table salt)
- Sodium citrate
- Monopotassium phosphate
- Flavoring/coloring ingredients
Pwede bang uminom ng Gatorade ang buntis?
Ang sugar o carbohydrates na taglay ng Gatorade ay nakakatulong upang mapabilis ang water absorption ng ating intestines habang binibigyan ng kaaya-ayang lasa ang nasabing inumin. Ito ay ayon sa American Chemical Society.
Mula sa mga nabanggit na ingredients ayon sa Healthline, ang Gatorade ay nagtataglay ng mga electrolytes na sodium at potassium.
Ang mga electrolytes na ito ay mineral na kailangan upang ma-maintain ang ionic balance ng katawan. O ang responsable sa maayos na pagpa-function ng ating mga nerves, muscle at brain.
Samantalang ayon naman sa Michigan Medicine ang mga electrolytes na ito ay nakakatulong rin para ma-maintain ang fluid balance ng katawan sa tamang level.
Samantala, hindi pa rin matitiyak kung pwede bang uminom palagi ng Gatorade ang buntis. Bagaman nagiging problema ng mga buntis ang dehydration, pinakamainam kung ikokonsulta muna ito sa doktor.
Pwede ba sa buntis ang gatorade?
Ang mga electrolytes na nabanggit ay ligtas na i-consume ng mga babaeng buntis. Ito ay ayon sa registered dietician na si Natalie Allen. Sa katunayan, ang mga sports drinks tulad ng Gatorade ay one of the best choices nga raw ng mga buntis upang masigurong hindi sila made-dehydrate. At makakatulong nga rin daw ito na ma-alleviate ang sakit na dulot ng leg cramps kapag nagdadalang-tao.
Pwede ba ang Gatorade sa buntis?
Ito ang pahayag ni Allen na isa ring clinical instructor of dietetics sa Missouri State University.
“Some moms may experience leg cramps during pregnancy. If this happens, try a sports drink, as the electrolytes and fluid will help alleviate the cramps.” Nangangahulugan na ang sagot sa tanong na pwede ba ang Gatorade sa buntis ay nakadepende sa kondisyon o kalagayan ng isang buntis. Kung ang Gatorade ay pwede sa buntis, maaaring wala itong masamang epekto.
Ayon naman kay Elizabeth Lyster, isang OB-Gyne mula sa California, ang pag-inom ng mga sports drink na may taglay na electrolytes ay makakatulong sa mga buntis na nakakaranas ng severe morning sickness. Ito ay dahil sa pamamagitan nito ay maiibsan ang nausea na kanilang nararanasan at maiiwasang sila ay ma-dehydrate.
“Don’t get behind the eight ball, don’t try to tough it out. A baby fine if the mother can’t eat food, but the baby won’t be fine if mom can’t stay hydrated.”
Ito ang pahayag ni Lyster.
Kaya naman ang sagot sa tanong na kung safe nga ba o pwede ba uminom ng Gatorade ang buntis, ay isang malaking OO.
Pwede ba uminom ng gatorade ang buntis: Anong kulay at flavors ng gatorade ang pwede sa buntis
Pero ayon naman sa University of Iowa Health Care, hindi lahat ng klase ng Gatorade ay pwede sa mga buntis. Lalo na ang mga nakakaranas ng gestational diabetes.
Dahil may mga flavor nito ang nagtataglay ng mataas na amount ng sugar na maaaring magpataas ng kaniyang blood glucose level. Sa ganitong pagkakataon ay ipinapayong inumin ng mga buntis ang Gatorade na nagtataglay ng low amount of sugar at calories.
Anong kulay ng Gatorade ang pwede sa buntis kung ganun?
Maaaring may kinalaman sa kulay ng Gatorade kung anong kulay ang pwede sa buntis, pero hindi lagi. Alamin din ang nutritional facts at amount ng sugar sa produkto bago bumili.
Payo ng Pregnancy Food Checker, para sa mga buntis ay mas mabuti o tugon sa kung pwede uminom ng Gatorade, bilhin ang G2 series. Dahil ito ay may mababang level ng carbohydrates at calories kumpara sa original recipe ng Gatorade.
Pero, kung pwede ba sa buntis ang Gatorade ay alternatibong opsyon lamang. Mas mabuti parin umanong uminom ng sapat na dami tubig at masusustansyang inumin.
Dagdag pa ng Pregnancy Food Checker, kahit ang mga G2 series o low sugar concentrated na Gatorade ay nagtataglay pa rin ng mga sweeteners na tinatawag na sucralose. Hindi rin nakabatay sa kung anong kulay ng Gatorade malalaman ang pwede sa buntis.
Maliban pa dito, pareho namang safe inumin at pwede sa buntis ang Gatorade at G2 series nito, lalo na kung moderate lamang ang pag-inom nito. Hindi rin nagtataglay ng caffeine ang Gatorade.
Pero dahil may artificial flavorings, kulay o colorings, at sweetener ang Gatorade, ang madalas na pag-inom nito ay dapat iwasan.
Mga dapat gawin upang makaiwas sa dehydration ang buntis
Ayon sa Healthline, mainam kung makakainom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig sa araw-araw ang isang buntis. Ipinapayo rin na uminom ng tubig sa pagitan ng bawat meal o pagkain at hindi habang kumakain. Ito ay upang maiwasan ang indigestion.
Kung nakakaranas naman ng morning sickness at nahihirapang uminom ng tubig ay agad ng makipag-usap sa iyong doktor.
Dapat iwasan din muna ang pag-inom ng mga inuming nagtataglay ng caffeine. Dahil ang pag-inom nito ay mas nagpapadalas ng pag-ihi na nagpapataas ng tiyansa ng dehydration.
Kaysa bumili ng bumili ng Gatorade dahil walang katiyakan kung pwede ba ang Gatorade sa buntis, uminom na lamang ng maraming tubig. Maliban sa tubig, mabuti ring uminom ng gatas, natural fruit juices at soup.
Dapat ding umiwas sa mga activities na maaring magdulot ng overheating sayong katawan. Tulad ng mga mabigat o masyadong nakakapawis na exercise.
Makakatulong din ang pananatili sa mga lugar na malamig o presko. Dahil ang pananatili sa maiinit na lugar ay nagdudulot din ng overheating ng katawan.
Mga pagkain na dapat iwasan kung ikaw ay buntis
Sa kabilang banda, mayroon ding mga pagkain at inumin na makabubuting iwasan kung ikaw ay buntis.
Iwasan ang pagkain ng isdang mataas sa mercury.
Highly toxic element ang mercury at maaari itong makuha sa polluted waters. Kapag nakapag-consume ang isang tao ng higher amount ng mercury makaaapekto ito sa kaniyang nervous system, immune system, at kidneys. Bukod pa rito, ayon sa Healthline posible itong magdulot ng seryosong developmental problems sa bata.
Ilan sa mga isdang may mataas na mercury content ay ang mga sumusunod:
- Swordfish
- King mackerel
- tuna
- shark
- marlin
- orange roughy
Iwasan muna ang pagkain ng mga ito habang buntis upang matiyak ang kaligtasan ni baby pati na rin ni mommy. Tiyakin din na kung kakain ng isda ay lutuin ito nang maayos. Ang raw fish o hilaw na isda kasi ay maaaring mayroong bacteria o parasite na maaari ding makaapekto sa iyong pagbubuntis. Gayundin sa karne ng manok, baka, o baboy. Tiyaking maaayos ang pagkakaluto ng mga ito bago kainin.
Dagdag pa rito, tiyakin din na hinuhugasan nang maigi ang mga prutas at gulay bago ito kainin. Maaari kasing macontaminate ng bacteria at viruses ang mga ito kung kakainin nang hindi pa nahuhugasan.
Iwasan din ang pagkonsumo ng processed food. Bukod sa low in nutrients ang mga ganitong pagkain, mataas pa ito sa calories, sugar, at added fats.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre at Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!