Growee vs. Cherifer — ano nga ba ang mainam ipainom kay baby? At ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang vitamins na ito para sa bata?
Vitamins para sa bata
Kailangan nga ba ng iyong baby ng nutritional supplement o vitamins kaagad? Para sa mga ina na sa tingin ay sapat na ang nutrisyon na nakukuha ni baby sa breastfeed, iyan ay mali. Maari pa rin silang magkulang sa Vitamin D at iron kaya naman mahalaga ang vitamins para kay baby.
Para naman sa mga baby na nagsimula nang maging formula-fed, maaaring napupunan na ng gatas na kanilang iniinom ang Vitamin D at iron na kailangan ng kanilang katawan.
Cherifer vs Growee | Image from Freepik
Kapag nagsimula naman na silang kumain ng solids, maaring kumonti na rin ang gatas na kanilang iniinom. At ito naman ay normal. Ayun nga lang, mas kakailanganin na niya ng food supplements para mapunan ang mga vitamins na kailangan ng kanyang katawan.
Bukod sa Vitamin D at iron, maari na rin siyang mangailangan ng Vitamin B-12 na makatutulong para sa kanyang brain development. Nakukuha itong vitamin na ito sa karne, isda, itlog at marami pang iba.
Growee vs. Cherifer
Ang vitamins na Growee at Cherifer ay ang madalas na inirerekomenda ng mga doktor sa bata. Marami na rin kasing mga nanay ang nagsasabing gumana ito sa kanilang mga anak. Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawa at bakit mayroong mas gusto ang Growee o Cherifer para sa kanilang anak?
|
|
GROWEE |
CHERIFER |
Variations |
Drops, syrup |
Drops, syrup, forte, PGM |
Ingredients |
Vitamin D at Chlorella Growth Factor o CGF |
CGF at Vitamin C |
Claims |
Ito ay nakatutulong para ma-reach ng bata ang kanilang maximum height potential at para na rin lumakas ang kanilang mga buto at muscles. |
Maximum height potential at pampalakas ng resistensya ng bata. |
Ang Growee ay mayroong dalawang variation — ang Growee drops at syrup. Ang drops ay para sa mga batang 7 months old hanggang 2 years old habang ang syrup naman ay para sa mga batang 2 years old pataas.
GROWEE Syrup for Babies and Kids
Cherifer vs Growee: Anong Mas Mainam Ipainom Kay Baby? | Growee Drops
Cherifer vs Growee: Anong Mas Mainam Ipainom Kay Baby? | Growee Syrup
May iba’t ibang variation ito: Cherifer drops, syrup, forte at PGM. Ang dahilan kung bakit mas marami itong variations ay dahil mayroon itong vitamins na angkop hanggang 22 years old.
CHERIFER for Babies and Kids
Cherifer vs Growee: Anong Mas Mainam Ipainom Kay Baby? | Cherifer Drops
Cherifer vs Growee: Anong Mas Mainam Ipainom Kay Baby? | Cherifer Syrup
Bukod sa drops at syrup variant ng Cherifer, mayroon din itong capsule na maaaring inumin ng mga kabataan na nasa edad 10 hanggang 22 years old.
Iba pang paraan para lumaking malusog si baby
Cherifer vs Growee | Image from Freepik
Bukod sa vitamins, kailangan ng iyong anak ng masustansiyang pagkain. Ang vitamins ay food supplements lamang kaya narito ang ilan pang paraan para masigurong lalaki na malusog si baby.
Ang ilan sa mga mahahalagang vitamins na dapat na nakukuha ng iyong anak sa araw-araw ay Calcium, Fiber, B12, Vitamin D at Iron. Anu-anong pagkain nga ba ang mayaman sa mga ito?
Calcium: Ang gatas at iba pang dairy products ang pangunahing source ng calcium. Maari rin itong makuha sa mga green leafy vegetables kaya siguruhin na napapakain sila nito.
Fiber: Ito naman ay matatagpuan sa mga prutas katulad ng apple, berries, citrus fruits at iba pa. Nakatutulong ang fiber sa absorption o pagtunaw ng pagkain ng isang tao.
B12: Katulad ng nabanggit, ito ay nakukuha sa mga karne, isda at kahit sa milk products.
Malaki ang tulong ng mga vitamins sa nutrisyon ng bata, ngunit mas nakatutulong pa rin na kumakain sila ng masustansya at nag-eehersisyo na rin.
Source:
Unilab, Cherifer, TAP Community
Basahin:
#AskDok: Kailangan bang painumin ng vitamins ang mga newborn?