Pagdating sa mga bagong panganak na sanggol, inirerekomenda na breast milk o kaya ay formula milk lamang ang dapat ibigay sa kanila. Ito ay dahil hindi pa handa ang kanilang digestive system para sa ibang uri ng pagkain. Kahit nga tubig ay hindi dapat ibinibigay sa mga newborn na sanggol.
Ngunit tila ay hindi pinansin ng 2 magulang ang payong ito, dahil binigyan daw nila ng mashed potatoes ang kanilang bagong silang na sanggol. Dahil dito, naging malnourished ang 5-buwang sanggol, at halos ikinamatay na niya ang kakulangan ng nutrisyon.
Gulay para sa baby, hindi magandang ibigay ng maaga
Ayon sa mga ulat, vegan raw ang mga magulang ng sanggol na sina Julia French at Robert Buskey, tiga Florida, USA. Napag-alaman raw kasi ng mga doktor na lubhang malnourished ang sanggol. Napakatamlay raw nito, at ni hindi man lang raw umiiyak.
Ang dahilan raw sa pagiging matamlay ng sanggol ay pinalitan ng mga magulang ang pagkain ng kanilang anak. Noon raw ay baby formula na ibinigay ng doktor ang pinapainom, ngunit pinalitan raw ng vegan na mash gawa sa mga patatas. Tumanggi raw ang mga magulang sa formula, kahit vegan ang baby formula na galing sa doktor.
Nagsimula raw na malusog ang sanggol, at normal ang paglaki nito. Ngunit nanghina raw ito bigla nang palitan ang pagkain. Dahil dito, muntik na raw ikamatay ng sanggol ang pagiging malnourished nito.
Bakit nila pinalitan ang pagkain ng sanggol?
Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga awtoridad ang naging motivation ng dalawa. May kaya naman raw sila, at hindi problema ang pagbili ng gatas. Ngunit ayon sa mga doktor, may duda raw ang ama sa naging resulta ng medical tests sa bata. Ito ay dahil lumabas raw sa tests na malnourished ang kanilang sanggol.
Dahil sa nangyari sa sanggol, pinuntahan ng mga pulis ang kanilang tahanan at ikinulong ang magulang. Nasa kustodiya raw ng Department of Children and Families ang sanggol, at patong-patong na kaso naman ang haharapin ng magulang.
Kailan ba dapat bigyan ng gulay si baby?
Pagdating sa pagpapakain ng solid food sa sanggol, heto ang ilang mga importanteng tips na dapat tandaan ng mga magulang.
May mga tinatawag na developmental signs upang malaman na handa na nga si baby:
- Kaya na niyang itayo ang ulo kapag nakaupo. Kailangan niya ito sa pagkain ng kaniya.
- Nakakaupo na ng walang hawak o suporta mula sa ibang tao.
- Kapag binigyan mo ng maliit na piraso ng pagkain, ngumunguya na siya kahit wala pang ngipin, at hindi niya niluluwa ito.
- Gamit ang hinlalaki at hintuturo, kaya niyang pulutin ang maliliit na piraso ng pagkain.
- Natutuwa siyang nanood sa mga taong kumakain. Minsan pa ay inaagaw ang pagkaing hawak ng iba.
Kapag nagpapakita na ng ganitong senyales ang sanggol, ay puwede na siyang simulan sa gulay. Bukod dito, mahalagang makinig sa payo ng doktor, upang masiguradong nasa wasto ang pagkain na ibinibigay mo kay baby.
Source: VT.co
Basahin: Introducing solids to your baby? Here are some important dos and don’ts
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!