5 gamot sa constipation para sa mga buntis

Narito ang limang paraan at gamot sa constipation na safe para sa mga buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabisang gamot sa pagtatae ng buntis at hirap sa pagdumi ba ang hanap mo? Narito ang sagot.

Mabisang gamot sa pagtatae ng buntis at hirap sa pagdumi

Ang normal a bowel function o pagdumi ay iba iba sa bawat tao. Pero, may ilang tao rin na hirap sa pagdumi ng regular. Dito pumapasok ang constipation o hirap sa pagdumi.

Kadalasang nangyayari ang hirap sa pagdumi o constipated ang isang tao kapag mas mababa sa 3 beses ang pagdumi sa isang linggo. Kapag constipated, tiyak na magiging mahirap at masakit ang pagdumi. Dagdag pa, mapipilitang kang umire ng mas pwersahan kaysa normal.

Ang ilan din sa mga constipated o hirap sa pagdumi ay mararamdamang hindi pa nila tuluyang nailabas ang lahat. O ‘di kaya’y kailangan pa nilang magbawas pagkatapos nilang makadumi.

Kapag ganito ang sitwasyon, kailangan ng solusyon at gamot para sa hirap sa pagdumi, pero paano kung ng buntis? Ganoon din kapag may diarrhea o nagtatae ang buntis, ano ang mga puwedeng inumin para maibsan ang sintomas?

May mga kailangang alalahanin ang mga nagbubuntis tungkol sa pag-inom ng gamot basta-basta. At sa artikulong ito ay ating tatalakayin ang mga mabisang gamot sa pagtatae ng buntis at sa constipation na kaniyang nararanasan.

Hirap sa pagdumi ng buntis

Kapag hirap sa pagdumi ang isang tao, maaaring may mga sanhi ito na kailangang alamin para mabigyan ng solusyon. May mga gamot na maaaring solusyon sa hirap sa pagdumi, at home remedies na madali ring mahahanap sa palengke at sa bahay.

Pero, paano ang solusyon sa hirap sa pagdumi ng buntis? Ano ang mga maaaring pwedeng gawin para malunasan ang ganitong sitwasyon ng isang mommy na buntis. Dahil maselan ang alinmang pagbubuntis, may mga gamot na hindi maaaring inumin ng isang buntis ng walang konsultasyon sa doktor o OB-Gyne.

Ang hirap sa pagdumi ay isa sa mga normal na nararanasan ng isang babae habang nagdadalang-tao. Dagdag pa rito, ang infrequent bowel movements at pananakit ng tiyan na mga sintomas din ng constipation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pagtataya ng Pregnancy Birth Baby, may 1 sa bawat 4 ang hirap sa pagdumi ng buntis na kinakailangan ng solusyon. Pero, sa mga ganitong kalagayan, maiibsan o kusang malulunasan ang pagiging constipated habang tumatagal ang pagbubuntis.

Kailan nararanasan ang hirap sa pagdumi ng buntis at solusyon dito?

Maaaring maranasan na hirap sa pagdumi kapag nag-umpisa ng tumaas ang level ng hormones ng buntis. Ang pagtaas ng level ng hormones na ito ang siyang tumutulong bilang suporta sa pagbubuntis at sa lumalaking sanggol sa sinapupunan.

Pwedeng lumitaw ang pagbabagong ito sa hormones sa katawan sa simula ng 2 months o 3 months ng iyong first trimester.

Bakit nakakaranas ng hirap sa pagdumi ng buntis at solusyon para rito

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Acta Obstetricia et Gynecologica Scandinavica, ang constipation ay normal at nararanasan ng tatlo sa apat na babaeng nagdadalang-tao.

Ilan sa itinuturong dahilan nito ay ang hormonal changes, minimal physical exercise at low-fiber diet.

Ito ay dulot din ng pressure ng lumalaking uterus ng isang buntis. Ito ay nangyayari sa kaniyang intestines na nagpapabagal sa paggalaw ng mga pagkain at waste sa loob ng kaniyang tiyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabisang gamot sa pagtatae ng buntis at constipation/ Image from Pexels

Ang constipation ay isa ring side effect ng pag-inom ng iron na makikita sa mga pre-natal vitamins ng mga buntis. Ganoon pa man, ang hirap sa pagdumi o constipation ng mga buntis ay maari namang maiwasan at mabigyan ng solusyon.

Sanhi ng hirap sa pagdumi ng buntis para malaman ang solusyon dito

Narito ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng hirap sa pagdumi ng buntis upang mas maunawaan at magabayan sa solusyon nito:

  • ProgesteroneDahil sa pag produce ng katawan ng mataas na progesterone level ng buntis, nirerelax nito ang bituka, at maging pagdumi. Kung kaya, huwag masyadong puwersahin na ilabas ang dumi sa katawan. Ang pagbagal ng digestion dulot ng progesterone ay nakakatulong sa pag-absorb ng nutrients sa iyong mga kinakain at iniinom. Sa matagal na pananatili sa colon o large intestine ng kinain, mas natutuyot ito kaya mahirap ilabas.
  • Fetus: Ang fetus ang nagiging sanhi ng pagbigat ng iyong uterus. Sa pagbigat na ito, mas nakakadagdag ito ng pressure sa pagdumi, kaya mahihirapan kang maglabas ng dumi sa katawan.
  • Lifestyle habang buntis: Ang diet, at dami ng fluids na iniinom mo kada araw, at pregnancy exercise na iyong ginagawa ang sanhi ng hirap sa pagdumi ng buntis.

5 gamot sa constipation o hirap sa pagdumi ng mga buntis

Ang mga sumusunod ay ilan sa paraan at gamot bilang solusyon sa hirap sa pagdumi ng buntis na safe para sa kaniya.

1. High fiber diet

Ang pagkakaroon ng high fiber diet ay isang paraan para makaiwas sa constipation ang isang babaeng nagdadalang-tao.

Ang pagkain ng mga pagkaing high at rich in fiber din ay nagsu-supply ng kinakailangang vitamins at natural antioxidants ng isang buntis.

Sa araw-araw, ang isang buntis ay dapat nagcoconsume ng 25 to 30 grams ng dietary fiber na makikita sa mga prutas, gulay, beans, peas, cereals, prunes at whole-grain bread.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabisang gamot sa pagtatae ng buntis at constipation o hirap sa pagdumi ng buntis | Image from Frepik

2. Pagpapanatiling hydrated o pag-inom ng maraming tubig

Ang pag-inom ng maraming tubig ay mahalaga sa isang babaeng nagdadalang-tao lalo na’t tumataas rin ang fiber intake nito.

Ito ay makakatulong para mapanatiling soft ang bowels o dumi ng isang buntis. Sa ganitong paraan ay mas mabilis na makakagalaw ang pagkain sa digestive tract nito at maiiwasan ang constipation.

Ang mga babaeng buntis ay dapat umiinom ng hindi bababa sa walong 12 ounces na baso ng tubig sa isang araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Pagkain ng smaller meals

Ang paghahati rin ng pagkain ng buntis sa mas maliliit na meals ay makakatulong na maibsan ang hirap sa pagdumi. Sa pamamagitan nito ay mas mada-digest ng tiyan ng mas mabilis ang pagkain at maililipat sa intestines at colon ng mas madali.

Ang pagkain na malalaki at mabigat na meals kasi ay maaring maka-overload ng tiyan ng isang buntis na nagpapahirap sa digestive system na tunawin at i-process ito.

4. Pag-e-exercise o pagkakaroon ng regular na physical activity

Ang pagkakaroon ng regular na physical activity ay makakatulong ring maibsan ang constipation sa mga buntis. Ito ay isa sa nangungunang solusyon sa hirap sa pagdumi ng buntis.

Ang mga exercises gaya ng walking, swimming at iba pang moderate exercise ay nakakatulong sa intestines ng isang buntis. Sa pamamagitan ng pag-iistimulate ng kanilang bowel movements.

Inirerekumenda na ang mga babaeng nagdadalang-tao ay dapat na nag-eexercise ng tatlong beses sa isang linggo sa loob ng 20 to 30 minuto.

Ngunit para makasiguro ay ipinapayong i-check muna sa iyong doktor kung anong mga exercise ang safe kay baby at sayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hirap sa pagdumi ng buntis | Image from Frepik

5. Pag-inom ng over-the-counter medicines

Kung ang mga natural na paraan naman na nabanggit ay hindi naging epektibo sa isang buntis, ang mga doktor ay maari ring magreseta ng mga stool softerners o gamot sa constipation gaya ng Colace.

Ngunit ito ay panandaliang lunas lamang. Dahil, ang matagal na paggamit ng Colace ay maaring magdulot ng dehydration at pagbabago sa electrolyte balance. Kapag nagbago ang electrolyte balance ay maaaring makasasama sa isang babaeng nagdadalang-tao.

Ang stool softeners gaya ng Colace ay makakatulong na basain ang dumi upang ito ay mas madaling lumabas.

Malaking tulong ito sa mga babaeng buntis na hirap sa pagdumi. Lalo na sa mga pagkakataon na kung ito ay dulot ng mga iron supplements na kailangan nilang inumin.

Ang mga stool softeners ay medications o mga gamot na kailangang i-intake. Kaya naman, mas mabuting i-check muna sa doktor kung safe ito para sayo at sa baby na dinadala mo.

Maliban sa iron ay maaring magdulot rin ng constipation ang sobrang calcium intake na makukuha sa mga dairy products. Kaya naman dapat ding maghinay-hinay sa pagkain ng mga pagkaing may mataas na content nito.

Paalala para sa solusyon sa hirap sa pagdumi ng buntis

Ang constipation ay normal lamang sa mga buntis. Ito nga ay sinasabing isa sa mga side effect ng pagdadalang-tao. Ngunit ito naman ay maaring malunasan at higit sa lahat ay maiwasan. Kailangan lang sundin ang mga nabanggit na paraan. Dito matitiyak na ang hirap sa pagdumi sa isang buntis ay hindi na mararanasan.

Kung kaya, ugaliin din sa bawat pagbisita sa inyong OB o prenatal visit na itanong kung may kapansin-pansin ng hindi normal sa pagdumi. Mas makakatulong ito upang mabigyan ng solusyon ng wasto sa hirap sa pagdumi ng buntis.

Maging malusog sa pagbubuntis mga moms!

Pagtatae ng buntis

Ang pagtatae ay madalas rin nararanasan ng mga buntis. Ito ay dahil parin sa pagbabago sa kanilang hormones, diet at stress na nararanasan.

Bagamat karamihan naman sa pagtatae na nararanasan ng buntis ay hindi ganoon ka seryoso, kung mapabayaan ay maari naman itong magdulot ng komplikasyon sa pagdadalang-tao.

Para maiwasan ang pagtatae sa buntis ay dapat malaman ang mga dahilan nito at maiwasan. Pati na rin ang mabisang gamot sa pagtatae ng buntis para sa kaligtasan ng kaniyang dinadalang sanggol.

Dahilan ng pagtatae sa buntis

Ang pagtatae sa buntis ay dulot ng marami at iba’t-ibang dahilan. Kabilang sa mga ito ay ang sumusunod:

  • viral infections, tulad ng rotavirus, norovirus, o viral gastroenteritis
  • bacterial infections gaya ng SalmonellaE. coli
  • intestinal parasites
  • food poisoning
  • side effects ng iniinom na gamot
  • food intolerance

Ang pagtatae sa buntis ay maari ring maging common lalo na kung sila ay nakakaranas ng sakit. Tulad ng irritable bowel syndrome, Crohn’s disease, celiac disease at ulcerative colitis na pagtatae ang isa sa sintomas na ipinapakita.

Maari ring dulot ng dietary changes ang pagtatae na nararanasan ng buntis. Dahil sa pagbabago sa kanilang kinakain ay na-upset o naninibago ang kanilang tiyan.

Ito ang nagdudulot ng pagtatae. Maaari ring sensitive sila sa mga pagkain na kanilang kinakain. Lalo pa’t sa panahon ng pagbubuntis ay mayroon silang cravings.

Ang pagtatae maaring dahil rin sa prenatal vitamins na kanilang iniinom. At pati narin sa hormonal changes na nagpapabagal ng digestive system ng buntis at kaniyang panunaw na nagreresulta sa constipation. Maari rin nitong pabalisin ang digestive system ng buntis na nagreresulta naman sa pagtatae.

Mabisang gamot sa pagtatae ng buntis o home remedy sa pagtatae ng buntis

Mabisang gamot sa pagtatae ng buntis/ Larawan mula sa Pexels

Kung nagtatae at buntis, narito ang mga dapat gawin o mabisang gamot sa pagtatae ng buntis.

1. Manatiling hydrated.

Sa tuwing nagtatae ay maraming fluid o tubig ang nawawala sa katawan. Ito ay maaring magdulot ng dehydration na maaring mauwi sa mga seryosong komplikasyon. Kaya naman mainam na i-replace agad ang tubig na nawawala sa katawan dahil sa pagtatae lalo na kung nagdadalang-tao. Ito ang isa sa nangungunang ipinapayong home remedy sa pagtatae ng buntis.

Maliban sa tubig ay maaring uminom ng juice o sabaw para mawala ang electrolytes, vitamins at minerals na nawala sa katawan dulot ng pagtatae. Sa kabila nito ay dapat iwasan ang mga inuming may mataas na sugar content dahil sa ito ay maaring makasama sa iyong pagdadalang-tao kinalaunan.

2. Mag-BRAT diet.

Isa pang mabisang gamot sa pagtatae ng buntis ay ang BRAT diet. Ito ay tumutukoy sa diet na kung saan kabilang ang B-bananas, R-rice, A-applesauce at T-toast. Sa tulong ng pagkain ng mga ito ay maiibsan ng buntis ang stomach issues na nararanasan gaya ng diarrhea.

Dapat ding iwasan ang mga pagkaing matataba, prito at maanghang. Ganoon rin ang mga pag-inom ng gatas o pag-consume ng dairy products na mas magpapalala pa ng pagtatae.

3. Mag-adjust sa iniinom na gamot o vitamins.

Kung ang pagtatae na nararanasan ay dulot ng iniinom na gamot o vitamins ay mabuting makipag-usap sa iyong doktor. Ito ay para ma-adjust ang iyong medications at vitamins o kaya naman ay mapalitan para di ka na magtae pa.

4. Magdagdag ng probiotics sa iyong diet.

Makakatulong rin ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa probiotics. Ito ay ang maliliit na microorganisms o good bacteria na nagsisiguro na healthy ang ating tiyan.  Isa nga sa pagkaing may taglay na probiotics ay ang yogurt.

Tandaan:

Hindi dapat basta-basta umiinom ng gamot ang buntis para maibsan ang pagtatae ng walang go signal ng iyong  doktor. Kung nagtatae rin at nakakaranas ng kabawasan sa dami ng iniihi o masyadong madilaw ang ihi ay dapat magpunta na sa iyong doktor.

Ganoon rin kapag nanunuyo ang bibig, lalamunan o palaging tila nauuhaw. Lalo na kung sasabayan pa ito ng pagkahilo o sakit ng ulo. Ito ay sintomas na ng dehydration na kinakailangan na ng treatment o mas mabisang gamot sa pagbubuntis na gagamitan na ng medikasyon.

 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.