X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kailan magsisimulang makaintindi ng mga words si baby? Heto ang sagot ng expert

5 min read
Kailan magsisimulang makaintindi ng mga words si baby? Heto ang sagot ng expert

Sa ikaapat hanggang ikapitong buwan ng sanggol ay natuto na silang alamin ang tono ng bawat tao sa kanilang paligid.

Excited ang parents na marinig ang first word ng baby, pero kailan nga ba makaiitindi na ng mga words si baby kung kakausapin? At alamin din kung ano ang mga puwedeng gawin para mapaganda ang kaniyang communication skills.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Tips para ma-improve ang communication skills ni baby
  • Kailan makaiintindi ng mga salita si baby

Tips para ma-improve ang communication skills ng sanggol

kailan makaiintindi si baby

Larawan kuha mula sa Pexels

Kakaibang excitement nga naman para sa parents na marinig ang first bigkas ni baby ng “mama” at “papa.” Alam niyo ba parents na bago niya ito mabanggit, nauuna muna magdevelop ang kanyang panrinig at makaintindi ng mga sa salita? Ayon sa isang pag-aaral, nakaririnig na raw kaagad ang babies sa panahong 6 hanggang 7 buwan habang nasa sinapupunan pa lang ng ina.

Sa kanilang paglabas, nalalaman nila ang boses ng tao lalo kung sa kanilang mga magulang. Naooberbahan na rin nila ang mga emosyon tulad ng galit, pagkalungkot, saya at pagmamahal. Kaya nga mas nakatutulong sa bata sa tuwing maririnig niya ang kalmadong boses ng parents o kaya ang ngiti nila dahil dito sila mas natututo.

kailan makaiintindi si baby

Larawan kuha mula sa Pexels

Narito ang ilang tips para matulungan ang baby sa kanilang communication skills:

  • Iparamdam sa baby ang iyong love and care at maging affectionate sa anak.
  • Parating makipag-usap sa kanila kahit sanggol pa lamang dahil mas maraming salita silang naririnig araw-araw ay mas natututo sila ng maraming bagay.
  • Kung may tinutukoy na bagay ituro ito upang madali nilang ma-recognize.
  • Ugaliing basahan ang baby ng books na kahit hindi nila nauunawaan pa ay matutunan na nila ang rythms, rhymes at patterns nito.
  • Makipaglaro sa anak at bigyan sila ng age-appropriate na toys na makapagdi-develop both ng kanilang physical at mental health.
  • Ipakilala sa kanila kung ano ang good at bad behavior.
  • Maging mapagbantay sa baby kung mayroon ba siyang problema sa pandinig dahil maaaring maging balakid ito upang maging mabagal ang kanyang pagkatuto.

BASAHIN:

7 sintomas ng pagkaduling o pagkabanlag ng baby na dapat itong ikonsulta sa doktor

Guide to your 5 weeks pregnancy: Symptoms and the development of your baby

Hirap pakalmahin si baby? 6 ways para maramdaman ng sanggol ang soothing signals ni mommy

Kailan makaiintindi ng mga salita si baby

Ngayong alam mo na kung paano makipag-communicate kay baby, kailan naman kaya siya makaiintindi na ng mg salita? Alamin natin kung ano-ano ang kanilang naiintindihan base sa kanilang edad habang tumatanda:

kailan makaiintindi si baby

Larawan kuha mula sa Pexels

Age Development
Newborn hanggang 1 buwan Ginagamit ng newborn na sanggol ang kanilang senses upang magkaroon ng ideya sa kanilang paligid. Nag-oobserba sila lalo sa mga kumplikadong mga bagay. Mas emosyunal din sila sa ganitong edad kaya madlas magre-respond sila sa ngiti, hawak, at tono ng boses lalo ng kanilang magulang.

Sa ganitong edad, nalalaman na nila kung kaninong boses ang dapat nilang pagkatiwalaan dahil sanay silang naririnig ito.

2 hanggang 3 buwan Mahalagang malaman dito na isa sa mahalagang communication skills nila sa ganitong edad ang pagngiti. Dahil ibig sabihin ay nalalaman na nila ang ilang bagay tulad ng comfort. Unti-unti na ring nauunawaan ng sanggol ang paligid at mas nakakalma na ng boses ng parents ang kanilang pakiramdam.

Sa edad naman na ito, maiitindihan na nilang ikaw ang palaging nariyan sa tuwing kailangan ka nila tulad ng hirap sa pagtulog o kaya ay gutom.

4 hanggang 7 buwan Unti-unti na nilang nalalaman ang tono ng boses ng mga tao sa paligid. Halimbawa kung masaya ang boses ng kumakausap ay maaaring initial reaction nila ay maging masaya rin. Kung galit naman ay magkakaroon din sila ng reaksyon ng takot at iiyak.

Sa pagtuntong nila ng 6 na buwan ay malalaman na nilang sila ang tinatawag kapag nababanggit ang kanilang pangalan. Mapapalingon na rin sila at magre-respond kapag naririnig ito. Bagaman wala pa silang nauunawaan kung kakausapin mo sa stage na ito. Pero alam nila kung paano magre-respond sa tuwing kinakausap sila.

8 hanggang 12 buwan Susubukan ng babies na makita ang iyong responses upang malaman kung ano nga ba ang mga salitang iyong sinasabi. Naririyan ang pagkakataong sasadyain nilang itapon ang pagkain upang makita at makilala kung anong klaseng response ang iyong gagawin.

Pagdating nila sa 12 na buwan o isang taon, malalaman na nila ang ilan sa short commands at basic instructions gaya ng “yes” at “no.”

Matututunan na rin nila ang ilan sa mga actions at gestures kaya nga maiintindihan na ri nila ang larong peek-a-boo. Alam na rin nila ang pagkaway ay sign ng pag-alis o ng pagbati.

13 hanggang 18 buwan Dito na sila makapagbibigkas na ng lima o higit pang salita ang mga bata kaya magandang time na ito para masamahan siya sa exploration at turuan pa nang turuan.

Sa edad na 18 buwan, ay alam na nila kung ano ang pangalan ng kanilang laruan at kung anoa ng gusto nilang laruin. Kaya na rin nilang malaman at least ang isang body part sa tuwing tinuturo ito.

Ganito ang normal na response ng baby habang sila ay unti-unting lumalaki. Kung sakaling mayroong late sa kanilang pagkatuto ay maaaring kumonsulta na sa doktor upang malaman kung ang anak ba ay may hearing problem o kaya naman ay development delay.

Baby Center

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Kailan magsisimulang makaintindi ng mga words si baby? Heto ang sagot ng expert
Share:
  • STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

    STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

  • Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

    Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

  • STUDY: Video games makatutulong para tumalino ang anak

    STUDY: Video games makatutulong para tumalino ang anak

  • STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

    STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

  • Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

    Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids

  • STUDY: Video games makatutulong para tumalino ang anak

    STUDY: Video games makatutulong para tumalino ang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.