Nais niyo na bang magpakasal ng iyong partner pero kulang sa budget o kaya naman ay iniiwasan pa ang malaking gatherings dahil sa pandemya? Posibleng kasal sa huwes na ang sagot diyan!
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Marriage License Requirements
- Iba pang requirements na nakadepende sa sitwasyon ng mga ikakasal
- Magkano magpakasal sa huwes
Noon pa man, naging option na ang Civil Weddings para sa mas makatipid at mailaan na lamang ang ibang gastos sa bagong buhay na mag-asawa. Ngunit ngayon, mas dumarami na ang nagpapakasal sa huwes dahil na rin sa mga limitasyon na hatid ng pandemya.
Legal ba ang kasal sa huwes?
Ang pinakasimpleng kahulugan ng isang kasal sa huwes ay ito ay isang non-religious ceremony. Habang ang mga kasal sa simbahan ay karaniwang itinatakda sa mga simbahan na may pari na namumuno sa seremonya.
Ang mga kasal sa huwes ay karaniwang itinatakda sa mga bulwagan ng lungsod o iba pang mga setting na hindi relihiyoso.
Hangga’t sumusunod ka sa mga requirements na itinakda ng batas, ang isang kasal sa huwes ay may bisa, kinikilala ng Estado, at nagpapahintulot sa iyo na mapakinabangan ang mga legal na benepisyo ng kasal (mga benepisyo sa buwis, pangangalagang medikal, atbp.).
Ibig sabihin, legal ang pagpapakasal sa huwes. Kung may tanong kung paano mapawalang bisa ang kasal sa huwes, sa ngayon ay wala pang divorce law sa Pilipinas. Ang kasal ay napapawalang-bisa lang sa pamamagitan ng annulment process.
Kasal sa huwes
Step 1 para sa kasal sa huwes: Kumpletuhin ang requirements
Mga requirements na kailangan sa kasal sa huwes
Sa pagfill-up ng marriage license, may ilang mga dokumento ang kailangan para sa kasal sa huwes. Ang mga ito at aabutin na halaga ay:
1. Birth certificate
Maaari kang kumuha ng PSA Birth Certificate online o sa pamamagitan ng walk-in application sa alinmang Serbilis Service Center.
Ang isang certified copy ng iyong birth certificate ay nagkakahalaga ng Php140 kung personal kang mag-aapply sa isang Census Serbilis Center. Para sa mga birth certificate na na-order online, ito ay nagkakahalaga ng Php365 bawat kopya.
2. Affidavit of Parental Advice (kung ang isa sa mga ikakasal ay nasa 21 hanggang 24 taong gulang)
3. Affidavit of Parental Consent (kung ang isa sa mga ikakasal ay nasa 18 hanggang 20 taong gulang)
4. Certificate of no marriage (CENOMAR)
Makukuha mo ito sa Philippina Statistics Authority. Papatunayan ng CENOMAR na hindi pa kayo kasal ng iyong partner. Maaari mo itong i-order kasama ng iyong birth certificate.
Nagkakahalaga ito ng Php195 bawat kopya para sa walk-in application at Php430 para sa online application.
5. Certificate of attendance sa mga marriage counseling, family planning at responsible parenthood seminars
6. Community tax certificate (cedula)
Ibibigay ang iyong CTC o Cedula pagkatapos mong magbayad ng buwis sa iyong barangay o lungsod. Karaniwang makukuha mo ito sa Treasurer’s Office. Maghanda ng valid ID at pagbabayad.
Ang iyong pagbabayad ay ibabatay sa iyong kita. Halimbawa: Php5.00 (basic) + Php 1.00 para sa bawat Php1,000 na kabuuang kita. Kaya, kung idineklara mo na ang iyong kita noong nakaraang taon ay Php250,000, magbabayad ka ng bayad na Php255.
7. Barangay Clearance
Ang barangay certificate ay patunay na ikaw ay nakatira sa isang partikular na bahagi ng iyong lungsod o bayan. Upang humingi ng isa, pumunta sa iyong lokal na barangay hall.
Ipaalam sa opisyal ng barangay na ikaw ay nag-aapply para sa isang barangay certificate at sabihin ang dahilan ng iyong aplikasyon (hal. civil marriage requirements).
Hihilingin nila sa iyo na punan ang isang application form at isumite ang iyong kamakailang Community Tax Certificate o Cedula. Ang pagproseso ay gagawin sa loob ng araw at ang bayad ay hindi lalagpas sa PHP 100.
8. 1×1 Photo
9. 2 Valid IDs
Narito ang listahan ng mga valid primary at secondary IDs sa Pilipiunas.
9. Certificate of Attendance sa Pre-marriage counselling
Ang mga applicant ng marriage license na 25 years old pababa ay maaaring i-require na umatteng ng marriage counseling, responsible parenthood at family planning seminar. Karaniwang itong nagtatagal ng kalahating araw lamang.
BASAHIN:
Misis nakatanggap ng money bouquet bilang wedding anniversary gift
Iba pang marriage license requirements para sa kasal sa huwes
10. Kung ikaw at/o ang iyong partner ay 18-21 years old
-
- Parental Consent
- Kung ikaw at ang iyong partner ay 18-21 years old lamang, pareho kayong nangangailangan ng parents consent sa inyong mga magulang.
- Parent’s Personal Appearance
- Ang iyong mga magulang ay kailangang personal na magpakita at magsumite ng valid IDs. Kung wala ng mga magulang, maaaring humingi ng consent mula sa legal guardian. Kung walang sinumang maaaring magbigay ng consent, kailangang kumuha ng Affidavit of Consent mula sa dalawang witnesses.
- Parental Consent
Pinoprotektahan ng requirements na ito ang mga indibidwal na nasa murang edad pa at nangangailangan ng advice mula sa mga magulang o legal guardian.
May mga sitwasyon din kung saan pinipilit ang isang indibidwal na magpakasal ng labag sa kanilang kalooban. Ang mga magulang ay may karapatan na protektahan ang kanilang anak sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng consent.
11. Kung ikaw at/o ang iyong partner ay 22-25 years old
-
- Parental Advice
Ikaw ba ay 22-24 years old? Kailangan mo ang Parental Advice. Pwede mong ipasulat ito sa iyong mga magulang kasama ng pagsabi na alam nilang ikakasal ka. Pwede rin silang magpakita sa local registry para patunayan na pumayag sila sa iyong paparating na kasal.
Kapag hindi aprubahan ng iyong mga magulang ang kasal, kailangan mo ng sinumpaang pahayag na nagsasaad na ipinaalam mo sa kanila, ngunit tumanggi sila.
Kung pumayag ang iyong mga magulang, maghintay ka lamang ng 10 araw bago makuha ang iyong Lisensya sa Pag-aasawa. Kung tumanggi sila, maaaring tumagal ng hanggang 3 buwan ang oras ng paghihintay.
12. Ikaw at/o ang iyong partner ay biyudo/biyuda
Kung ikaw ay isang biyudo/biyuda, kakailanganin ang Death Certificate ng namatay na asawa. Maaari mo din itong isama sa aplikasyon para sa birth certificate at CENOMAR.
13. Ikaw at/o ang iyong partner ay annulled
Kumuha ng Certificate of Registration mula sa Local Civil Registrar para magparehistro para sa iyong Annulment Papers. Bibigyan ka ng Certificate of Finality of Annulment ng Korte.
Ang sertipiko ay dapat magkaroon ng pangalan ng hukom o ng hukuman na naglabas ng utos. Kailangan din nitong isama ang numero ng kaso at ang petsa ng paglabas nito.
14. Ikaw at/o ang iyong kapareha ay isang dayuhan
-
-
- Legal capacity mula sa embassy ng Pilipinas
- Kung divorced, divorce certificate
- Passport (original and photocopy)
-
Maaari ring personal na puntahan ang inyong local civil registry upang siguraduhin na kompleto ang inyong requirements. May mga ibang siyudad kasi na mayroon pang karagdagang requirements.
Step 2 para sa kasal sa huwes: I-submit ang mga requirements
Ang Marriage Certificate ay makukuha sa local civil registrar (LCR). Mahalaga na ang mga ikakasal ang personal na magtungo at magfill-up nito. Matapos fill-upan ay ipasa ito kasabay ng iba pang mga requirements.
Tandaan na nagkakaiba ang mga form sa bawat bayan kaya siguraduhing sa Local Civil Registrar ng iyong lungsod, bayan, o munisipalidad mo kukunin ang iyong Marriage Certificate.
Kakailanganin mo ng apat (4) na kopya para sa pagpaparehistro. Ang apat na kopya ay ibibigay sa registrant, Office of the Civil Registrar-General, at ang solemnizing office. Ang ikaapat na kopya ay para sa iyo.
Magtungo sa cashier o treasury department para magbayad ng mga fees. Kadalasan ay mas mataas ang kailangang bayaran kung sa foreigner ikakasal.
Karaniwan ay mabilis lamang ang pagrelease ng marriage certificate. Maaaring abutin ito ng 10 working days. Pagkakuha nito ay maaari nang ikasal kahit saan sa bansa sa loob ng 120 na araw o 4 na buwan.
Step 3 para sa civil wedding requirements in the Philippines: The wedding ceremony
Tulad ng naisaad sa step 2, maaaring ang mga ikakasal mismo ang pumili kung saan sila ikakasal. Ganunpaman, marami pa rin ang pinipiling magpakasal sa Mayor’s office o courtrooms sa munisipyo o city hall.
Matapos ma-release ang marriage certificate, maaaring magpa-assign sa LCR ng magkakasal. Maaari rin kumuha ng pastor o minister para pamunuhan ang pagpapakasal. Ngunit, may kaakibat itong karagdagan na bayad.
Narito ang kompletong listahan ng mga maaaring maging Officiant ng kasal:
- Chief Justice o Associate Justice ng Supreme Court
- Presiding Justice Justices ng Court of Appeals
- Judges ng Courts of First Instance
- Municipal o City Mayor
- Judge sa kanyang nasasakupan
- Military Commander, Pinuno ng eroplano o Kapitan ng barko
- Sinumang Reverend/Pastor, Ministro, Pari, Imam, o Rabbi ng alinmang simbahan o relihiyosong sekta
Saan man gaganapin ang kasal o sino man ang magkakasal, kailangan ng 2 witness na maaaring pumirma sa marriage certificate. Makakabuti rin kung mayroong dalawang pares ng ninong/ninang.
Para maging mas meaningful, makakabuting dumalo ang mga magulang ng ikakasal, mga kapatid, at mga pinakamalalapit na kaibigan. Hindi kailangan maging marami ang bisita, ang mahalaga ay ito ang mga importanteng tao sa inyong pagsasama.
Step 4: Reception
Maaaring isagawa ang reception ng pagpapakasal sa restaurants. Sa ganitong paraan, mayroong set meals ang maaaring i-avail.
Maaari rin piliin na kumuha ng venue kung saan gaganapin ang kasal at reception. May ilan na kumukuha ng events place o kaya naman garden para sa pagsasalo. Tandaan lamang na mas malaki ang nagiging gastos sa ganito lalo na kung kukuha pa ng catering services.
Iba pang mga bagay na maaari niyong isaalang-alang:
- Wedding rings
- Wedding outfit
- Mga bulaklak
- Hair and make-up
- Photographers and/or videographers
- Guest List
- Wedding vows
Magkano ang requirements para sa kasal sa huwes?
Marami ang interesado na magpakasal sa huwes, ngunit magkano nga ba ang requirements para sa civil wedding?
Kung susumahin mo ang lahat ng mga kinakailangan sa paghahanda ng requirements, ang mga ito ay magkakahalaga lamang ng Php3,000 hanggang Php5,000 para sa magkabilang panig.
Iyan ay isang maliit na bahagi ng gastos na kakailanganin para sa isang tradisyonal na kasal sa simbahan (ang mga simbahan lamang ay naniningil ng mga bayarin mula Php7,000 hanggang Php25,000).
Kaya naman malaki talaga ang matitipid sa kasal sa huwes. Para sa mas malinaw at mas malawak na impormasyon tungkol sa mga kailangan sa pagpapakasal sa huwes at kung magkano ang magpakasal sa huwes, maaaring personal na bisitahin ang inyong local civil registry.
Noong 2021, ang bayad sa judge ay Php 700. Upang masigurado ang schedule sa Hall of Justice o municipal hall, kailangan mo ring magbayad ng Php 300 para sa processing fee.
Paano kumuha ng Marriage License sa Pilipinas
Hindi maaaring ikasal saan man sa Pilipinas kapag walang Marriage license. Kaya’t kung mayroon ka na ng mga requirements ay sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Pumunta sa local civil registry (LCR)/city civil registry department kasama ang iyong mapapang-asawa at mag-fill out ng marriage license application form. Ang kaliwang bahagi ay kailangan sulatan ng groom, habang sa kanan na bahagi naman ang sa bride.
- Isumite ang mga kinakailngang dokumento kasama ang napirmahan na application form sa Civil Registry Department.
- Pumunta sa Cashier o Treasury department at bayaran ang application, filing, at iba pang kaiangang bayaran para sa marriage license. Tandaan na mas mataas ang kailangang bayaran kapag taga ibang bansa ang mapapang-asawa ng aplikante.
- Itago ang resibo at maghintay ng sampung araw bago i-claim ang inyong marriage license.
- Kapag nakuha na ang marriage license sa local civil registrar, maaari nang magpakasal saan man sa Pilipinas sa loob ng 120 na araw o apat na buwan.
Kagandahan ng kasal sa huwes sa Pilipinas
Ilan sa mga dahilan kung bakit magandang magkaroon ng civil wedding sa Pilipinas:
- Ang civil wedding ay nakakapagbigay ng legal na karapatan at prebelehiyo sa kasal.
- Hindi nangangailangan ng religious affiliation sa civil wedding.
- Ito ay mas simpleng paraan ng pagpapakasal, lalo na sa mga mixed marriage, o kung ang isa man ay nakabase sa ibang bansa. Ang catholic church ay mayroong karagdagang requirements sa mixed marriages, kung saan ang isa ay maaaring kasapi ng ibang relihiyon.
- Ang pagpaplano ng civil wedding ay nangangailangan lamang ng mas maliit na pera, pressure, at stress. Hindi mo kinakailangan ng mga bagay tulad ng bulaklak, damit ng mga bridesmaid, at kung ano pa. Mas marami din ang nagpapakasal ng civil wedding sa Pilipinas.
- Mas mura ang civil wedding.
- Ang civil wedding ay maaaring gawing preparasyon sa church wedding.
- Pwedeng na agad magpakasal kapag nakakuha ng marriage license.
Paano kumuha ng wedding certificate matapos magpakasal
Ang marriage certificate ay isang mahalagang dokumento na naglalaman ng mga detalye ng inyong kasal, na may prima ng mag-asawa at ng mga witness o lahat ng dumalo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang marriage certificate ay “isang dokumento na nagpapakita ng panlipunang union o legal na kontrata sa pagitan ng nga tao na lumilikha ng pamilya. Ang pagsasamang ito ay kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng seremonya ng kasal, o tinatawag din na matrimony.
Hakbang sa pagkuha ng marriage certificate online
- Sa PSAHelpline.ph website hompage, i-click ang “Order now” na matatagpuan sa kanang bahagi ng screen. Maaari mo ring pindutin ang “Order now” sa header ng website.
- Sa susunod na pahina, pindutin ang “Marriage.” Lagyan ng check ang kahon sa babang bahagi para sa terms and conditions. Pagkatapos ay i-click ang “Continue.”
- Susunod ay may ipapakitang dalawang pagpipilian. Kung ang iyong request ay iyong sariling PSA Marriage Certificate, piliin ang “My Own Marriage Certificate.” kung ang iyong request naman ay para sa kamag-anak o ibang tao, piliin ang “For Someone Else.” Matapos makumpirma ang iyong napili ay pindutin ang “Continue.”
- Sa susunod na pahina ay ipapakita ang mga impormasyon na kakailanganin ng PSAHelpline.ph mula sa iyo. Siguraduhin na nakahanda ang mga detalye bago magpatuloy sa proseso. Sunod na i-click ang “Continue.”
-
Mayroong lalabas na form kung saan mo ilalagay ang mga impormasyon na hinihingi tulad ng iyong kasarian, civil status (kung babae), first name, middle name, last name, araw ng kapanganakan, at ilagay ang iyong government -issued ID. Matapos ay pindutin ang “Continue.”
- Sa sunod na pahina ay ilagay ang mga detalye ng iyong asawa tulad ng first name, middle name, at last name Pagkatapos ay i-click ang “Continue.”
- Sunod na ay hihingiin ang petsa kung kailang ikinasal. Matapps ilagay ang detalye ay pindutin ang “Continue.”
- Kapag lumabas ang susunod na pahina, ilagay ang lugar kung saan ikinasal sa pamamagitan ng paglalagay ng bansa, probinsya, at munisipalidad. Pagkatapos ay pindutin ang “Continue.”
- Sa susunod na pahina ay tatanungin kung ang iyong kasal ay huli nang inirehistro. Kung oo, piliin ang “Yes, it was registered late.” Kung hindi, piliin ang “No, it was registered on time.”
- Susunod ay lalabas ang pahina kung saan kinakailangan tukuyin ang dahilan ng pag-request mo ng kopya ng iyong PSA Marriage Certificate. Matapos pumili ay i-click ang “Continue.”
- Kasunod ay tukuyin kung ikaw ay sumailalim sa kahit anong legel proceedings patungkol sa iyong kasal. Pindutin ang “Continue” pagtapos.
- Panghuli, ilagay ang iyong delivery address, mobile number, at email address.
Ilang paalala sa pagsasagot ng online application form:
- Siguraduhin na ang iyong pangalan at birthday ay parehas sa mga detalye sa iyong ID. Tandaan na kinakailangan mong pagpakita ng ID kapag dumating ang iyong PSA Marriage Certificate.
- Gumamit ng address kung saan maaari mong personal na matanggap ang ni-request mong dokumento mula sa PSA.
- Hindi ka maaaring mag-request ng kopya ng marriage certificate ng ibang tao kung ikaw ay nasa edad na 18 pababa.