Isang dalawang buwang gulang na baby ang natagpuang patay ng kanyang ama sa Postmouth nuong ika-20 ng Mayo taong 2018. Siya ay nakitang walang buhay sa sofa habang katabing natutulog ang nanay. Ayon sa mga reports, ang ina ng bata ay umiinom ng alcohol buong araw. Siya ay pumunta sa sofa para katabi ang baby matlog. Ayon sa mag-asawa ito ay dulot ng kakulangan sa pagbibigay alam sa kanila ng panganib.
Masama ba kapag katabi ang baby matulog?
Ayon sa mga reports, nang ipinanganak ang baby na si Ezra Boulton, madali itong nakalabas ng ospital. Sila ay hinikayat na umuwi agad matapos ang pagpapanganak. Ngunit, sa madaling pagpapauwi, walang maalala ang mag-asawa na naibigay na payo tungkol sa ligtas na pagtulog.
Ayon sa mga magulang ng bata, ang mga impormasyon na mahalaga ay tila balewalang naibigay. Karamihan pa dito ay makikita lamang sa leaflet na sinabihan silang kailangang basahin. Ang unang appointment nila sa health visitor ay naganap 7 lingo matapos ipanganak ang bata.
Ayon sa assistant coroner ng Postmouth na si Samantha Marsh, mahalagang maibigay ang mga impormasyon na ito sa mga magulang. Ito ay magiging daan upang maiwasan ang biglaang pagkamatay ng bata dahil sa katabi ang baby matulog. Kanyang idinagdag na ang pamilya ay walang natanggap na impormasyon tungkol sa safe sleeping. Ito ay dapat maibigay sa antenatal appointments o post-natal stage mula sa midwives o sino mang health advisor.
Sudden infant death syndrome (SIDS)
Ang sudden infant death syndrome (SIDS) ay ang biglaang pagkamatay ng baby na kadalasang nangyayari sa pagtulog. Kadalasan ay nangyayari ito sa mga tila malusog na mga baby na wala pang isang taong gulang. Maraming dahilan ang maaring magdulot nito mula pisikal at kapaligiran sa pagtulog. Sa kabutihang palad, may ilang maaaring gawin upang maiwasan ito.
Patulugin nang nakahiga
Patulugin ang baby nang nakahiga at huwag itong padapain o patulugin nang nakatagilid. Hindi ito importante kung gising ang baby o kaya ay nakaka-ikot na nang mag-isa. Ngunit, hangga’t maaari, patulugin siya sa kanyang likuran.
Walang laruan sa crib
Sa paggamit ng crib, panatiliin itong walang masyadong laman. Gumamit ng matatag na kutson at hindi yung mga sobrang lambot. Iwasan ang sobrang daming unan at ang paglalagay ng stuffed toys sa loob ng crib.
Panatiliin ang temperatura
Iwasan na maging masyadong naiinitan ang baby. Bihisan ito ng akma sa temperatura ng kwarto. Sa pagtulog, huwag suotan ng kahit ano sa ulo ang baby para hindi gaanong mainitan.
Parehong kwarto
Mas maganda na kasama ang baby sa kwarto kapag matutulog. Ngunit, dapat ay nakahiwalay ito ng higaan. Patulugin ang baby sa crib na katabi ng inyong kama. Panatilihin ito hanggang mag 6 na buwang gulang o kaya 1 taong gulang.
Breastfeed
Ang pagpapa-breastfeed hanggang anim na buwang gulang ay nakakapagpababa ng posibilidad ng SIDS. Magandang panatilihin ito para sa kaligtasan bukod pa sa ibang benepisyong nakukuha.
Basahin din: Ang mga dapat malaman tungkol sa Sudden Infant Death Syndrome
Source: BBC, Mayoclinic
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!