Bakit nga ba nagkakaroon ng pamamanas ang mga buntis?

lead image

Alamin ang mga sanhi at pagkaka-ugnay ng manas sa paa ng pagbubuntis at ang mga paraan upang guminhawa ang pakiramdam mula sa pamamagang dulot nito.

Karaniwan nang parte ng pagbubuntis ang edema o mas kilala sa tawag na manas. Ito ay dala ng pagpapanatili ng tubig sa katawan na nangyayari sa pagdadalang tao. Kadalasan itong napapansin sa ikatlong trimester, ngunit posible rin na mangyari ito ng mas maaga sa pagbubuntis.

Ating alamin kung paano nagkakaroon ng manas, at kung ano ang magagawa upang maibsan ang mga sintomas nito.

Bakit nagkakaroon ng manas na paa ang mga nagbubuntis?

Ang karaniwang sanhi sa pagiging manas sa pagbubuntis ay ang paglaki ng uterus. Habang lumalaki ito, naiipit nito ang mga daluyan ng dugo sa may balakang na nagiging sanhi ng pagbagal ng pagbalik ng dugo sa puso.

Ayon sa ibang pagaaral, may kinalaman ang init ng panahon sa pamamaga ng isang nagdadalang tao. Dahil dito, makakabuti sa buntis habang tag-init ang lumangoy upang mabawasan ang pamamaga.

Paano ito maiiwasan habang nagbubuntis?

Ang matagal na pag-tayo o pag-upo ang nagiging dahilan ng mabilis na pamamaga. Hangga't maaari, magpahinga at magrelax upang hindi malagay nang matagal sa balakang at paa ang bigat na dinadala. Ugaliin rin magsuot ng komportableng sapatos. Kaakibat nito ang pag-iwas sa pagsusuot ng mga mataas ang takong na maaaring lalong magpalala sa kundisyon.

Paano mapipigilan ang pamamanas?

Heto ang ilang mga bagay na puwedeng gawin upang mapigilan at makaiwas sa pamamanas, kahit hindi nagbubuntis.

1. Uminom ng maraming tubig

Ang inirerekumendang pag-inom para sa mga nagdadalang tao ay hindi bababa sa dalawang litro ng tubig sa isang araw. Bukod sa ginhawa mula sa manas na naibibigay nito, nakakatulong din ito sa dinadalang sanggol dahil sa pag-kontrol sa lebel ng amniotic fluids.

2. Itaas ang mga paa

Ang pagtaas ng mga paa ay maaari ring makatulong sa pagbawas sa manas. Nakakatulong ito dahil nagagawa nitong pabilisin ang daloy ng dugo sa katawan. Maaaring gumamit ng mababang upuan para patungan ng paa para gumaan ang pakiramdam.

3. Maglakad-lakad

Nagtra-trabaho man o hindi, maganda ang paglalakad para sa mga buntis. Nakakatulong ito sa daloy ng dugo at naihahanda ang mga balakang para sa panganganak. Siguraduhin lamang na hindi masyadong pinapagod ang sarili at magbigay ng tamang oras sa pahinga.

3. Lumangoy

Kung kaya, malaking tulong ang paglangoy upang guminhawa mula sa manas. Walang pruweba na natatanggal nito ang manas ngunit ang paggalaw sa paglangoy ay nakakatulong sa pagdaloy ng dugo. Nakakpagpalamig din ito ng katawan lalo na sa mainit na panahon.

4. Pagtulog sa kaliwang bahagi

Sa pagtulog sa kaliwang bahagi ng katawan, mababawasan ang nararanasang pamamaga. Dahil ang ugat na naiipit ay nasa kanang bahagi, matatanggal sa ganitong paraan ang pag-ipit na nadudulot dito. Nakakatulong din ang pagtulog sa kaliwang bahagi sa digestion ng mga nakain.

5. Cold compress

Maaaring makatulong ang pag-cold compress sa mga paa ngunit hindi madalian ang makikitang resulta. Nakakapagpalamig ito ng mga pagod na paa ngunit hindi agad natatanggal ang pamamaga.

6. Pag-ehersisyo

May ilang mga exercise na maaaring gawin kahit pa nagdadalang tao. Nakakatulong ito sa pagdaloy ng dugo basta't siguraduhin ng tamang pahinga at pag-inom ng tubig.

Ang edema ay karaniwan lamang at hindi dapat inaalala. Matapos manganak, nawawala ang pamamaga sa loob ng isang araw. Ngunit, kung ang pamamaga ay patuloy na lumalala kasabay ng pagtaas ng presyon ng dugo at pagbigat ng timbang, magpasuri sa duktor dahil maaaring sintomas ito ng preeclampsia.

 

Source: The Asian Parent

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner