Ayon sa Medical Daily, ang mga mommy na masayahin at may maalagang asawa o partner madalas ay mayroon ding kasing sayang baby. Kapag happy si mommy, happy din si baby. Sabi ng mga researchers sa Penn State College, kapag maaayos ang samahan ni mommy at daddy, bumababa ang risk ni colic (o apad) sa mga bata.
Ano ang colic?
Ang colic ay madalas nakikita sa mga sanggol na edad 2 weeks to 4 months. Ito ay ang paghilab o pagsakit ng tiyan, kaya umiiyak ng matagal si baby. Ang pakiramdam niya ay parang namumulikat at puwedeng sumakit hanggang binti niya. Maaari din itong mangyari sa matatanda.
Ang baby na may colic ay puwedeng baguhin ang posisyon o kaya lagyan ng hot water compress. Mabuti ring kumonsulta sa pedia para makasiguro na wala nang mas malalang sakit ang baby.
photo: dreamstime
Happy mommy = happy, healthy baby
Sa pagsusuri nila, tinanong nila ang 3,000 na bagong mommies kung masaya ba sila sa pagsasama nila ng asawa nila. Supportive daw ba ng mga ito at maalaga sa babies nila? Ginawa nila ang interview nung bagong panganak pa lamang at nung nag-1 month old na ang babies ng mga mommies na kasali sa study.
11.6% ng mga mommies ay nag-sabi na nagkasakit ng colic ang baby nila. Hindi kabilang dito ang mga mommy na nagsabi na maraming support at pagmamahal ang natatanggap nila sa asawa nila.
Base sa mga resulta, nadiskubre nila na tunay nga na ang kasiyahan ni mommy habang buntis at hanggang manganak na ito ay konektado sa disposition ni baby. Kapag masaya si mommy, di rin sakitin at iyakin si baby.
photo: dreamstime
Paano yung mga walang asawa?
Nilinaw ng mga researchers na hindi porkit single mom ay hindi na puede maging masaya. Basta’s matibay ang pagmamahal at suporta na natatanggap nila, hindi rin magiging iyakin at sakitin ang baby nila.
Sa pagaaral nila, nagulat din sila na ang mga mommy naman na dumaan sa postpartum depression pati ang mga may partner na hindi biological dads ng anak nila ay hindi naman automatic na nagka-baby na iyakin at sakitin.
Ayon sa Mayo Clinic, hindi naman senyales ng ibang sakit ang colic. Ang mga baby na umiiyak hanggang tatlong oras araw-araw ay puwedeng may colic. Pero maaari din mawala ito matapos ang ilang lingo.
Kahit na maraming pag-aaral pa ang kinakailangan para maputanayan ang findings na ito, wala namang masama sa pagsusumikap na maging masaya, diba mommies? Kaya, ugaliing maging positibo sa buhay, kahit single or in a relationship, dahil may naitutulong ito sa kalusugan ni baby!
READ: Does your baby have colic? Here are 7 things to look out for
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!