STUDY: Ang rason kung bakit mas masaya ang mga daddy kaysa sa mga mommy

STUDY: Ang rason kung bakit mas masaya ang mga daddy kaysa sa mga mommy

Ang pagiging masaya ng isang ina ay nasusukat umano kapag naibibigay niya ang tamang pangangalaga sa mga anak niya. Sang-ayon ka ba dito Mommy?

Pagiging masayang magulang naka-depende umano sa role at oras ng isang ama at ina sa kanilang mga anak. At dahil dito, base sa isang pag-aaral, ang mga daddy mas masayang magulang umano kaysa sa mga mommy.

Mga daddy mas masaya umano kaysa sa mga mommy

masayang magulang

Image from Freepik

Ayon sa pag-aaral na pinamagatang “Happy Moms, Happier Dads: Gendered Caregiving and Parents’ Affect”, ang mga daddy ay mas masayang magulang umano kaysa sa mga mommy. Ito ay natuklasan matapos i-analyzed ng mga researcher ng pag-aaral kung paano naapektuhan ang mood ng mga daddy at mommy ng mga activity na ginagawa nila kasama ang kanilang mga anak.

Base nga sa observation ng mga researchers na sina Cadhla McDonnell, Nancy Luke, at Susan E. Short ay napansin nilang mas masaya ang mga daddy sa mga oras na kasama nila ang kanilang mga anak. Habang ang mga mommy naman, bagamat masaya ay mas stress at pagod kapag kasama ang mga anak nila.

“Parenting is emotionally demanding and highly gendered. We observe a gender imbalance in the emotional rewards of childcare. Fathers report more happiness, less stress, and less tiredness than mothers.”

Ito ang naging pahayag ng mga researcher ng pag-aaral na mula sa Pennsylvania at Brown University.

Dahil paliwanag ng pag-aaral, kumpara sa mga mommy na laging punong abala sa pangangailangan ng mga anak, ang mga daddy ay madalas na nag-ispend lang ng oras kasama ang kanilang mga anak upang maglaro o gumawa ng mga exciting o recreational activity.

Pagiging masayang magulang

Sinuportahan naman ito ng isa pang pag-aaral na isinagawa ni Leah Ruppanner mula sa University of Melbourne. Ayon sa kaniya, ang mga magulang lalo na ang mga ina ay mas nagiging stress kapag nadadagdagan ang anak nila. Ito ay kaniyang natuklasan matapos niyang ma-review ang collected data ng 20,000 families sa Australia sa loob ng 16 na taon. Dagdag pa niya, ang stress na ito ay hindi nababawasan kahit na lumalaki na ang mga bata sa isang pamilya. Ito nga din daw ay nagiging dahilan para magkaroon ng gap ang isang mag-asawa.

Mas nagiging malungkot din daw ang mga ina ng pamilya habang nagbibinata o nagdadalaga ang mga anak nila. Ito ay dahil nagkakaroon sila ng less-meaning habang unti-unti ng natuto ang kanilang mga anak na alagaan ang sarili nila. Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na pinamagatang “Mothers and Father’s Well-Being in Parenting Across the Arch of Child Development: Well-Being in Parenting by Child Age”.

Paliwanag ni Ashley McQuire, isang manunulat sa Institute of Family Studies, ito ay dahil mas obsess ang mga mommy sa paggawa ng chores sa bahay at para sa kaniyang pamilya. Ngunit, hindi daw ito nangangahulugan na hindi siya masaya. Dahil habang napagsisilbihan daw ang kaniyang anak at mas naibibigay ang pangangailangan nito ay mas nagkakaroon ng fulfillment bilang isang ina ang isang babae. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng dahilan na maging masayang magulang kumpara sa kaniyang asawa.

Source: Psychology Today

Photo: Freepik

11 Karaniwang pagkakamali ng mga bagong magulang at paano ito ayusin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner