Mga nakakahawang sakit example na maaring dumapo sa iyong anak! Alamin kung ano ang mga ito dito.
Mga nakakahawang sakit example na dapat maiwasan sa ngayon
Hindi alam ng marami na ang mga 5 uri ng nakakahawang sakit at sintomas ng mga bata ay maaari pa ring makuha at makaapekto sa mga matatanda.
Ilang araw bago ang ika-30 na kaarawan ng pinsan kong si Claire, tumawag siya upang sabihin na baka hindi siya makadalo sa kaniyang handaan. May trangkaso umano siya at maaaring nahawa siya sa kaniyang mga estudyante.
Hindi nagtagal, nalaman na lang namin na ang kaniya palang sakit ay ang isa sa mga karaniwan na nakakahawang sakit ng mga bata—ang Hand, Foot and Mouth Disease o HFMD.
Ano ang 5 uri ng nakakahawang sakit at mga sintomas nito?
Ang mga 5 uri nakakahawang sakit at sintomas nito ay sanhi ng mga mikroorganismo tulad ng bacteria, virus, parasito at fungi na maaaring kumalat, direkta o hindi direkta, mula sa isang tao patungo sa isa pa.
Ang ilan ay naililipat sa pamamagitan ng kagat ng mga insekto habang ang iba ay sanhi ng paglunok ng kontaminadong pagkain o tubig.
Minsan iisipin natin na hindi naman tayo basta-basta mahahawaan ng mga bata sapagkat mas malakas ang resistensya natin kaysa sa kanila. Pero mali ang ang iniisip at akala. Sapagkat may ilang pagkakataon pa rin na tayong matatanda ay maaaring mahawa ng mga sakit ng mga bata.
Narito ang mga nakakahawang sakit sa bata na maaaring makaapekto sa matatanda.
5 uri ng mga nakakahawang sakit: Halimbawa ng sintomas at lunas sa bata na maaari pa ring maka-apekto sa mga matanda
1. Hand, Foot, Mouth Disease (HFMD)
Mga nakakahawang sakit example sa pagkabata | Image from Dreamstime
Ang Hand, Foot and Mouth Disease o kilala rin bilang Coxsackie virus ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay at kalinisan ng katawan. Madalas na magkaroon nito ay ang mga bata na limang taong gulang at pababa.
Sa kondisyon na ito, una mong mapapansin ang maliliit na blisters sa kamay, paa at bibig. Kabilang din sa mga sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, walang gana sa pagkain at namamagang lalamunan.
Ang HFMD ay kumakalat sa pamamagitan ng laway, dura o uhog ng sipon. Maaari ka rin mahawa kung ikaw ay napahawak sa fluid ng infected blister o kaya ay stool.
May mga over-the-counter na gamot na maaari mong mabili upang mawala ang lagnat at pananakit ng lalamunan. Pero mas mainam pa rin na magpakonsulta sa doktor para matiyak kung ano ang tamang gamot para sa iyong nararanasan.
Uminom ng maraming tubig kahit na masakit ang lalamunan para manatiling hydrated.
2. Parvovirus (Fifth disease)
Ang sakit na ito ay maaaring may mild na sintomas sa mga bata pero malubha para sa matatanda. Sa mga bata, nagsisimula ito sa pamumula ng pisngi, mga rashes sa braso at binti, lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan at runny nose.
Makalipas ang pagpapakita ng early symptoms, magsisimulang mapansin ang bright red rash sa mukha ng isang bata na kadalasan ay makikita sa kanilang mga pisngi. Kakalat na rin ito papunta sa kanilang braso at binti. Maaaring maging makati ito.
Samantalang sa mga matatanda naman, ang Parvovirus ay nagdudulot ng pananakit ng mga kamay kasama na ang wrists, tuhod at bukong-bukong, na maaaring tumagal ng ilang linggo.
Pinapayo ng mga eskperto sa mga matatandang nagkaroon ng sintomas ng Parvovirus, na kaagad na pumunta sa doktor upang magamot.
Para sa mga buntis na hindi pa nagkakaroon ng ganitong sakit noong bata pa. Maaaring makapagdulot ng fetal problems ang sakit na ito. Ang Parvovirus ay mapanganib din sa mga may anemia at mahinang immune system.
3. Roseola (Sixth disease)
Isa pang nakakahawang sakit sa bata ang Roseola o Sixth disease. Bagama’t ang sakit na ito ay pangkaraniwan sa mga bata na dalawang taong gulang pababa, ang mga matatanda ay posible pa ring na magkaroon ng sakit na ito.
Kapag na-expose ang isang bata sa sakit na Roseola, isa hanggang dalawang linggo bago makita ang sintomas nito. Maaari kasing magkaroon ng sakit na ito na mayroon lamang na mild symptoms o hindi talaga mapapansin.
Ilan sa mga sintomas nito sa bata ay lagnat, skin rash, pagiging iritable ng mga bata, mild na diarrhea, walang ganang kumain, namamagang eyelids.
Pumunta agad sa doktor kapag hindi bumababa ang lagnat at kapag hindi nawawala ang rash sa balat makalipas ang tatlong araw.
Kung hindi ka pa nagkakaroon ng roseola noong ikaw ay bata pa, maging maingat kapag ikaw ay may inaalagaan na batang may ganitong sakit. Paano? Maghugas palagi ng kamay at siguraduhin na palaging malinis ang katawan.
Ang mga may Roseola ay may mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang tatlong araw, at mga rashes sa braso, leeg at buong katawan.
4. Chicken Pox
Mga nakakahawang sakit example sa mga bata | Image from Dreamstime
Karamihan sa mga nagka-chicken pox o bulutong na noong bata ay hindi na masyadong nag-aalala sa sakit na ito. Pero maaari pa din silang magkaroon ng shingles.
Ang shingles na kilala rin sa tawag na herpes zoster o reactivated chicken pox ay nagdudulot ng masasakit na rashes at blister sa katawan. Bukod sa mainit na pakiramdam, napakakati rin nito.
May bakuna na nakakapigil sa pagkakaroon ng shingles. Pero kung ikaw ay nahawa na, maaari kang bigyan ng doktor ng antiviral drugs para dito.
Ang mga hindi pa nagkakaroon ng chicken pox noong bata ay may mas malaking chance na magkaroon nito. Lalo na kung hindi pa nabakunahan ng para sa chicken pox.
Pareho lang ang sintomas ng chicken pox sa bata at matanda. Subalit madalas ay mas malala ang rashes, lagnat at pangangati sa matanda.
Maaari rin itong maging daan sa iba pang sakit tulad ng pneumonia, encephalitis, dehydration, toxic shock syndrome, at bacterial infections sa balat, soft tissues, buto, joints at bloodstream.
Ang chicken pox ang sanhi ng isang virus na maaaring kumalat sa pamamagitan ng direct contact sa rash ng isang mayroon nito.
Maaari rin itong kumalat o mapasa kapag ang taong mayroong chicken pox ay umubo o sumunga at na-inhale mo ang air droplets na may virus.
Upang magamot ang chicken pox sa mga matanda na, nagbibigay ang doktor ng antiviral drugs at paracetamol.
Mahalaga rin ang palagian na pag-inom ng tubig at pagpapahinga para sa tuluyang paggaling. Nakakatulong din ang calamine at oatmeal bath upang mabawasan ang pangangati.
5. Whooping Cough (Pertussis)
Mga nakakahawang sakit example sa mga bata| Image from Freepik
Kung ikaw ay may inaalagaan na bata na may malubhang ubo at makapal na plema, isa rin itong nakakahawang sakit sa bata. Ang sakit na ito ay maaaring tumagal ng mahigit sa isang buwan sa mga matatanda.
Sanhi ito ng isang highly contagious na respiratory tract infection. Marami sa nagkakaroon nito ay nakakaranas ng severe hacking cough; na may kasamang high-pitched intake ng hininga na may tunog na “whoop”.
Ilan sa mga sintomas nito ay runny nose, nasal congestion, namumula at watery eyes, lagnat at ubo. Aabot sa sampung araw bago lumabas ang sintomas ng whooping cough matapos kang mahawaan nito.
Para maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito, laging maghugas ng kamay; magtaklob ng bibig kapag umuubo at suminga sa tissue o malinis na panyo. Turuan din ang mga bata na gawin ito.
Ang pag-aalaga sa iyong sarili ang isa sa pinakamahusay na paraan upang makaiwas sa mga nakakahawang sakit sa pagkabata.
Mga halimbawa ng nakakahawang sakit at mga sintomas nito
Kapag nakapasok na ang pathogen (halimbawa ay mikrobyo) sa katawan ng taong walang sakit, magtutuloy tuloy na itong dumami sa loob ng katawan. Ang isang taong nahawaan ng alinman sa mg a 5 uri ng nakakahawang sakit ay makakaranas ng mga sintomas nito.
Hindi magkakapareho ang sintomas ng alinmang 5 uri ng nakakahawang sakit. Ang iba sa mga nahawaan ay hindi makakaramdam o makakaranas ng anumang sintomas. Pero, maaari pa rin nilang maipasa ang pathogen sa ibang tao, tulad ng bata sa matanda.
Samantala, ang ilan naman sa mga sintomas ay direktang resulta ng mikrobyo o pathogen na wawasak sa mga cell sa katawan. Ang ibang sintomas naman ng 5 uri ng nakakahawang sakit ay dahil sa response ng immunity ng ating katawan mula sa impeksyon.
Dagdag pa, ang iba pang sakit maliban sa 5 uri ng nakakahawang sakit ay maaaring maging mild. At mawawala o lilipas ang mga sintomas ng mga sakit na ito sa loob ng ilang araw lamang.
Iba pang nakakahawang sakit at sintomas
Labas pa sa 5 uri ng nakakahawang sakit at sintomas, narito ang mga halimbawa ng nakakahawang sakit at sintomas nito.
Rhinovirus
Ang rhinovirus ay grupo ng mga virus na karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng sipon. Ilan sa mga sintomas ng sipon ay: runny nose, pamamaga ng lalamunan, pananakit ng ulo.
Kapag nakalanghap ka ng kontaminadong tilamsik mula sa ubo o sipon ng taong may sakit ay maaari kang mahawa ng mga sakit na ito.
Influenza
Ang mga influenza virus ay mga impeksyon na nagdudulot ng sakit sa respiratory system. Ilan sa mga posibleng nakakahawang sakit at sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- pagkakaroon ng lagnat o panlalamig
- stuffy o runny nose
- pamamaga ng lalamunan
- inuubo
- pananakit ng ulo
- pananakit ng katawan at muscles
- fatigue
Maaari ring mahawa ng influenza ang mga bata at matatanda, tulad kung paanong nakakahawa ang rhinovirus.
Tuberculosis
Ang tuberculosis ay isang nakakahawang sakit at impeksyon sanhi ng bacteria. Kadalasan nitong natatamaan ang baga. Narito ang ilan sa mga pwedeng maging sintomas ng TB:
- madalas at walang tigil na pag-ubo sa loob ng higit sa tatlong linggo
- pagkawala ng ganang kumain
- hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
- nilalagnat
- panlalamig ng katawan
- pamamawis ng malamig
Para sa mga matatanda o bata man, isa ang TB sa higit pa sa mga 5 uri ng nakakahawang sakit at sintomas na may atake sa baga. Mahahawaan ng TB ang taong makakalanghap ng patak o tilamsik (aerosols) mula sa pag-ubo o pagbahing ng sinomang may TB.
Kadalasan, ipinapayong pumunta sa doktor ang mga bata o matatandang nakakaranas ng mga sintomas ng TB habang maaga pa. Kinakailangan itong maagapan upang hindi na lumala pa ang sugat sa baga na dulot ng bacteria at ang posibleng pagkalat ng sakit sa loob ng tahanan.
Maliban sa mga nabanggit na 5 uri ng nakakahawang sakit at mga sintomas nito ay ang bulutong, hepatitis, HIV, meningitis, at marami pang iba.
Mga healthy habits para maiwasan ang nakakahawang sakit sa bata
Ang mga healthy habits na ito ay pumipigil sa pagkalat ng mga mikrobyo at mga nakakahawang sakit.
1. Pangasiwaan at ihanda ang pagkain nang malinis at maayos
Maaaring magdala ng mikrobyo ang pagkain.
- Hugasan nang madalas ang mga kamay, kagamitan, at lapag kapag naghahanda ng anumang pagkain, lalo na ang hilaw na karne.
- Palaging maghugas ng prutas at gulay.
- Magluto at panatilihin ang mga pagkain sa tamang temperatura.
- Huwag iwanan ang pagkain – palamigin kaagad.
Isa sa pinakamahalagang healthy habit upang maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo ay ang paglilinis ng iyong mga kamay. Ang ating mga kamay ay maaaring magdala ng mga mikrobyo, kaya mahalagang hugasan ang mga ito nang madalas, kahit na hindi ito marumi.
Paano Maghugas ng Kamay gamit ang Sabon at Tubig
- Basain ang mga kamay at lagyan ng sabon.
- Kuskusin ang mga kamay nang hindi bababa sa 20 segundo. Kuskusin ang lahat ng mga ibabaw.
- Banlawan ang mga kamay.
- Patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na tela o paper towel. Kung nasa pampublikong lugar, gamitin ang paper towel para patayin ang gripo. Pagkatapos, itapon sa basurahan.
*Kapag tinutulungan ang isang bata, hugasan muna ang kanilang mga kamay, at pagkatapos ay iyong sarili.
3. Umubo at bumahing sa isang tissue o sa iyong manggas.
Kung ikaw ay may sakit, ang hangin na lumalabas sa iyong bibig kapag ikaw ay umuubo o bumahin ay maaaring may mga mikrobyo at nakakahawa. Maaaring huminga ang isang taong malapit sa iyong hangin, o mahawakan ang isang ibabaw na kontaminado ng iyong mga mikrobyo, at magkasakit.
Umubo o bumahing sa isang tissue o manggas ng iyong kamiseta-hindi sa iyong mga kamay. Tandaan na itapon ang tissue at hugasan ang iyong mga kamay.
Maaari kang magsuot ng face mask kapag ikaw ay may sakit na may ubo o pagbahing. Alamin kung paano magsuot at magtanggal ng face mask.
4. Huwag magbahagi ng mga personal na bagay.
Iwasang magbahagi ng mga personal na bagay na hindi madidisimpekta, tulad ng mga toothbrush at pang-ahit, o pagbabahagi ng mga tuwalya sa pagitan ng mga labahan. Ang mga karayom ay hindi kailanman dapat ibahagi, dapat lamang gamitin nang isang beses, at pagkatapos ay itapon ng maayos.
5. Manatili sa bahay kapag may sakit.
Kapag ikaw ay may sakit, manatili sa bahay at magpahinga. Ikaw ay gagaling nang mas maaga, at hindi magkakalat ng mga mikrobyo.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.