9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

Para sa mga mommies na nagdadalang tao, narito ang mga pangunahing senyales ng pagkalaglag na dapat malaman. Bakit nga ba nangyayari ito?

Trahedya para sa kahit sinong ina ang malaglagan ng anak, lalong-lalo na kung matagal na nilang gustong magka-anak ng kaniyang asawa. Madalas ay ang pagkakaroon ng pagdurugo ay isang karaniwang sintomas ng nakunan na buntis.

Ngunit alam niyo ba na puwedeng malaglagan ng anak nang walang nararanasang pagdurugo? Mayroon pang ibang mga sintomas ng pagkalaglag na hindi madaling mapansin, ngunit mahalagang malaman ng mga ina. Ating alamin kung anu-ano ang mga ito.

Anu-ano ang mga sintomas ng nakunan na buntis?

9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

Paano malalaman kung nakunan ang isang babae? | Larawan mula sa iStock

Alam niyo ba na umaabot ng 25% ng mga pagbubuntis ang humahantong sa pagkalaglag o miscarriage? Bukod dito, maraming ina ang hindi man lang nalalaman na nalaglag na pala ang kanilang baby. Ito ay dahil walang sign na nakunan ang buntis.

Karamihan ng mga miscarriage o pagkalaglag ay nangyayari sa unang 13 linggo ng pagbubuntis. Madalas ay wala pang nakikitang mga sintomas ng nakunan ang ilang mga ina kapag ganito kaaga sa kanilang pagbubuntis.

Pero sa ibang mga pagkakataon, mayroong mga senyales na posibleng maramdaman. Narito ang mga karaniwang sintomas ng nakunan na buntis.

Sign ng nakunan na buntis

Ang miscarriage, na tinatawag ding spontaneous abortion, ay ang pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan sa loob ng unang 20 linggo ng pagbubuntis ang isang karaniwang problema na kinakaharap ng mag-asawa.

Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), nasa 15 hanggang 20 porsiyento ng pagbubuntis ay nalalaglag o nagtatapos sa clinically recognized pregnancy loss.

Kaya naman mabuti nang malaman ang lahat ng impormasyon at facts tungkol sa kondisyong ito para maiwasan o maagapan ito, o ‘di kaya’y malaman ang mga dapat gawin kapag nangyari ito.

Ilang buwan pwede malaglag ang bata? Sa early miscarriage o nakunan sa pagbubuntis ng maaga, ang sanggol ay nalaglag sa unang 12 linggo.

Ang tinatawag namang late miscarriage ay nangyayari mula 14 hanggang 24 linggo ng pagbubuntis, o second trimester miscarriage. Nasa 1 hanggang 2% ang nagaganap na ‘late’ stage o second trimester ng pagbubuntis.

Ang mga senyales at sintomas ng pagkalaglag ay kadalasang nakakalito, lalo sa mga mismong nagbubuntis. Maraming mga pagbubuntis ang karaniwang nalalaglag sa unang 2 linggo pa lamang. Bago pa man malaman ni nanay na buntis pala siya. Nasa 10 hanggang 20% naman ang nalalaglag sa unang 12 linggo o first trimester.

Ano ang mga pinakakaraniwang senyales at sintomas ng nakunan na buntis?

nakunan na buntis

Sintomas ng nakunan | Image from Freepik

Ayon kay Dr. Carlo Palarca, MD, internist at OB hospitalist sa Orlando Health Medical Clinic, sa Florida, USA, ito ang mga pinakakaraniwang makikitang sintomas o clinical presentation kung paano malalaman na nakunan ang isang buntis:

Vaginal bleeding o nakunan na buntis dugo

Spotting nakunan na buntis dugo. Ito ang pinakakaraniwang sintomas na paano malalaman kung nakunan ang isang babae. Hindi man kaagad dapat ipag-alala (lalo na kung hindi malakas), ay dapat pa ring ikunsulta sa OB GYN.

Itsura ng dugo pag nakunan

Ano ang kulay ng dugo pag nakunan? Ang pagdurugong tinutukoy rito ay mula brownish spotting hanggang heavy vaginal bleeding na mapulang mapula, bagamat hindi sa dami ng dugong nailabas malalaman kung nakunan nga.  

Ayon kay Dr. Palarca, natural para sa iba ang vaginal bleeding o nakunan na buntis dugo, lalo sa first trimester. May mga pagdurugo rin na hindi nagreresulta sa pagkalaglag.

May mga nalalaglag din na hindi naman dinugo. Kapag ang pagdurugo ay may kasamang fetal tissue, na buo buo at may puting mass na balot ng dugo, ito ang dapat ipag-alalang itsura ng dugo pag nakunan.

Ang paglabas ng fetal tissue ay karaniwang may kasamang severe cramping o labis na pananakit at pamamanhid ng tiyan.

Hindi maituturing na normal ang spotting o pagdurugo kapag buntis, ngunit mas mainam pa rin ang mailapit ito sa iyong doktor para maagapan ang anupamang malalang pangyayari. Hindi man ito miscarriage, ang spotting ay senyales na may hindi natural o normal sa pagbubuntis, payo ni Dr. Palarca.

Ilang araw ang pagdurugo pag nakunan ang buntis?

Ang nakunan na buntis ay maaaring magkaroon ng pagkalaglag at makaranas lamang ng pagdurugo at pag-cramping sa loob ng ilang oras. Ngunit ang ibang babae ay maaaring magkaroon ng miscarriage bleeding hanggang isang linggo.

Ang pagdurugo ay maaaring mabigat na may mga buo-buong dugo, ngunit ito ay dahan-dahang bumababa sa paglipas ng mga araw bago huminto, kadalasan sa loob ng dalawang linggo.

9 na senyales ng nakunan na buntis kung walang pagdurugo

nakunan na buntis

Sintomas ng nakunan | Image from Freepik

1. Pananakit ng likod

Isa sa mga sintomas ng nakunan ang babae ay ang pananakit ng kaniyang likod. Lalo na kung nararanasan niya ito sa kaniyang 1st trimester

2. Pelvic pain

Kapag sumakit nang labis ang pelvis, may pamamanhid, at maaaring tuloy tuloy o ‘di kaya’y nararamdaman sa regular intervals (tuwing 30 minuto, tuwing isang oras, atbp).

3. Painful contraction o labis na pananakit at paninikip ng tiyan at likuran.

4. Pagtatae o diarrhea

5. Pagsusuka o nausea

6. Decreased fetal movement o hindi na nararamdaman ang paggalaw ng bata

Bihira itong mapansin o maiturong sintomas dahil nga ang ibang pagkalaglag ay nangyayari sa napakaagang bahagi pa lang ng pagbubuntis. Karaniwan itong nakikita sa mga pagbubuntis na may kalakihan na ang sanggol sa sinapupunan.

Minsan ay aksidente lamang na nakikita o nalalaman dahil mayrong kawalan ng fetal cardiac activity na napagmasdan ng doktor gamit ang hand-held Doppler o pelvic ultrasound examination.

Ang ilan pang hindi gaanong napapansin, ngunit mahalagang mga sintomas ay ang pagkawala ng pregnancy symptoms tulad ng breast tenderness, morning sickness, pagsusuka o pagkahilo, tulad ng nararamdaman sa unang bahagi ng pagbubuntis, at ang pag-excrete ng white-pink mucus mula sa ari o vagina.

7. Pananakit ng tiyan

Isa pa sa mga senyales ng nakunan ay pananakit ng tiyan. Lalo na kung sobrang sakit nito, maaaring nakunan na ang isang babae.

8. Fluid na galing sa iyong vagina

9. Tissue o laman na galing sa iyong vagina

Walang paraan para mapigilan ang pagkalaglag, ngunit may mga maaaring gawin para hindi lumala o mapigilan ang hemorrhaging at infection.

Dapat gawin kapag may naramdaman o napansing sintomas ng nakunan

9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

Senyales na nakunan na ang buntis. | Image from Freepik

Kung may patuloy na pagdurugo o matinding abdominal at back pain lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis, itawag agad sa iyong OB GYN o GP, o kung may EPU (early pregnancy unit) sa inyong ospital (kung saan nakatakdang manganak), payo ni Dr. Palarca.

Ilang araw bago gumaling ang nakunan

Ang haba o ilang araw bago gumaling ang nakunan ay naiiba para sa bawat babae, at ito ay depende sa iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang ang:

  • kung gaano kalayo ka sa pagbubuntis
  • kung ikaw ay nagdadala ng isang sanggol lamang o twins o mas marami pa
  • gaano katagal magtanggal ang iyong katawan ng fetal tissue at placenta

Ilang buwan pwede malaglag ang bata?

Paano malalaman na nakunan ang isang buntis? Ang ibang miscarriages ay nalalaman lamang sa pamamagitan ng routine pregnancy ultrasound scan, kapag nakita ng doktor, sonologist o nurse na walang laman ang embryo sac. Ito ang tinatawag na missed o “silent miscarriage”.

Kahit pa ma-admit sa ospital dahil sa mga sintomas ng nakunan sa pagbubuntis, hindi kaagad masasabi kung tuluyan na ngang nawala ang bata. Depende ito sa sintomas at sa lala nito.

Maraming maaaring dahilan ng pagkalaglag. Pero ang una sa lahat, ang embryo ay hindi lumaki at kumapit sa sinapupunan, tulad ng inaasahan.

Ang ilang sanhi:

  • Masyadong mababa o mataas na levels ng pregnancy hormone
  • Pagkakaroon ng diabetes
  • Exposure sa radiation o kaya mga kemikal
  • Mga impeksyon
  • Pag-inom ng gamot o droga na makakasama sa sanggol
  • Endometriosis
  • May chromosome problems – maaaring masyadong madami o masyadong kaunti (kailangan ng 23 mula sa tatay at 23 mula sa nanay ang normal).
  • May mga pag-aaral na nagsasabing kapag mas matanda o may edad na ang lalaki,  mas malaki ang posibilidad ng chromosomal problems tulad ng Down’s syndrome.
  • Genetic factors at uterine problems, kung saan may mga uterine fibroids sa loob  ng uterus na humahadlang sa implantation o blood supply sa fetus. Ang ibang babae ay may in-born septum. Isang hindi karaniwang problema sa uterus na nagiging sanhi ng pagkalaglag. Ang iba naman ay may scar tissue sa uterus mula sa mga naunang surgery o second-term abortions. Kaya’t hindi na-iimplant ang itlog sa uterus, o pumipigil sa pagdaloy ng dugo sa placenta. Makikita ito sa mga specialized X-rays, at maaaring maagapan kung may early detection.

Iba pang mga sanhi:

  • Kung may mataas na lagnat ang isang buntis, o iba pang sakit tulad ng impeksiyon. Ang ubo at sipon ay hindi nakakaapekto, basta’t napapangalagaan. Ngunit ito ay delikado para sa embryo lalo bago mag anim na linggo.
  • Nariyan din ang mga autoimmune disorders, lupus, heart disease, kidney, liver disease, at diabetes.
  • Hormone imbalance ang karaniwang sanhi ng pagkalaglag. Katulad ng hindi sapat na progesterone levels na humahadlang sa pagkabit ng fertilized egg sa uterus.
  • Placental problems, tulad ng problema sa blood supply papuntang placenta, kaya’t hindi nabibigyan ng sapat na nutrisyon ang bata.
  • Problema sa sinapupunan, kung saan ang cervix ay mahina o nagbubukas ng maaga, kaya’t nagreresulta sa pagkalaglag.
  • Ectopic pregnancy, ang nakakaapekto sa isa sa bawat 100 pagbubuntis. Kung saan ang embryo ay lumalaki sa isang fallopian tube o sa labas ng sinapupunan. Ito ay higit na delikado sa mga nanay. Dahil maaaring maging sanhi ng pagputok ng tube. Hindi lang malalaglag ang fetus, kundi maaaring maimpeksiyon ang matris ng ina.

Early signs pagkalaglag sa kababaihan: Maiiwasan ba ito?

Maraming kaso ng miscarriage ang sadyang nangyayari nang hindi inaasahan at walang maaaring magawa ang ina para maagapan ito.

Ang payo ni Dr. Palarca, palagi lamang sundin ang routine early pregnancy advice at pre-natal check-up para mabawasan ang posibilidad ng pagkalaglag ng bata.

Uminom ng folic acid supplement, bago pa man magbuntis, hanggang sa first trimester, halimbawa. Ang pag-aalaga sa sarili, sa mga ginagawa at sa mga kinakain, ay pangunahing responsibilidad ng isang inang nagdadalan-tao.

Kumain ng balanse at mayaman sa nutrisyong mga pagkain tulad ng gulay at prutas, at mag-ehersisyo nang ayon sa payo ng OB GYN.

Alam na marahil ng lahat ang kasamaang nadudulot ng paninigarilyo. Bawal na gamot at alak sa katawan, lalo pa sa buntis.

Pakiramdaman palagi ang tiyan at paggalaw ng sanggol na dinadala, at kumunsulta agad sa doktor kung may napapansing kakaiba. Huwag mag-alinlangan at huwag mahiyang magsabi dahil mas mahalagang malaman kung delikado.

Mabubuntis pa ba ako, pagkatapos ng isang miscarriage?

Kadalasang payo ng mga doktor ang paghihintay ng ilang buwan o taon, bago sumubok magbuntis muli. Ito ay depende sa naging kondisyon, at tanging ang iyong doktor ang makapagsasabi nito.

Ayon sa APA, nasa 85% ng kababaihan na nagkaron ng miscarriage ay nakapagbuntis pa ulit, at naging malusog naman ang nanay at ang bata.

Raspa nakunan na buntis dugo

Ang dilation and curettage (D&C) o raspa sa nakunan na buntis ay isang pamamaraan upang alisin ang tissue at dugo sa loob ng iyong matris. 

Ang mga doktor ay nagsasagawa ng dilation at curettage upang masuri at magamot ang ilang partikular na kondisyon ng matris — tulad ng mabigat na pagdurugo — o upang linisin ang lining ng matris pagkatapos ng pagkakuha o pagpapalaglag.

Sa isang dilation at curettage, ang iyong doktor ay gumagamit ng maliliit na instrumento o isang gamot upang buksan (dilate) ang ibaba, makitid na bahagi ng iyong matris (cervix).

Gumagamit din ang iyong doktor ng surgical instrument na tinatawag na curette, na maaaring isang matalas na instrumento o suction device, upang alisin ang uterine tissue.

Nakunan pero ‘di niraspa

Humigit-kumulang 50% ng mga nakunan na buntis ang hindi sumasailalim sa pamamaraan ng D&C o raspa. 

Ang mga kababaihan ay maaaring ligtas na magkaroon ng natural miscarriage na magtatapos bago ang 10 linggo. Pagkatapos ng 10 linggo, mas malamang na magkaroon ng incomplete miscarriage, na nangangailangan ng pamamaraan ng D&C. 

Para sa ilang kababaihan, ang emosyonal na epekto ng paghihintay sa natural miscarriage ay isang mahirap na sitwasyon. Ang pagpapagaling para sa kanila ay maaaring magsimula sa pagkakaroon ng pamamaraan ng D&C.

Maaaring irekomenda ang isang D&C para sa mga nakunan na buntis pagkalipas ng 10-12 na linggo, nagkaroon ng anumang mga komplikasyon, o may mga kondisyong medikal kung saan maaaring kailanganin ang emergency care.

Gamot sa nakunan na buntis

Maaaring magrekomenda ang iyong doktor na magpahinga hanggang sa humupa ang pagdurugo o pananakit. 

Maaaring hilingin sa iyo na iwasan din ang ehersisyo at pakikipagtalik. Bagama’t ang mga hakbang na ito ay hindi napatunayang nakakabawas sa panganib ng miscarriage, maaari nilang mapabuti ang iyong kaginhawahan.

Kung nais mong mas mapabilis ang pagka-complete ng miscarriage, mayroong gamot na maaaring makatulong dito. Ang gamot ay maaaring inumin sa pamamagitan ng bibig o sa pamamagitan ng pagpasok sa ari.

Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang pagpasok ng gamot sa vagina upang mapataas ang bisa nito at mabawasan ang mga side effect tulad ng pagduduwal at pagtatae. Para sa mga 70 hanggang 90 porsiyento ng mga kababaihan, ang paggamot na ito ay gumagana sa loob ng 24 oras.

Kailan pwede makipagtalik ang nakunan

Maaari kang mag-ovulate dalawang linggo pagkatapos na makunan. Asahan na babalik ang iyong regla sa loob ng apat hanggang anim na linggo.

Maaari mong simulan ang paggamit ng anumang uri ng pagpipigil sa pagbubuntis kaagad pagkatapos na makunan. Gayunpaman, iwasan ang pakikipagtalik o paglalagay ng anuman sa iyong ari — gaya ng tampon — sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng pagkalaglag.

Mga dapat kainin ng taong nakunan: Vitamins para sa nakunan na buntis

Maaaring kulang ka sa iron dahil sa pagkawala ng dugo. Kumain ng balanseng diyeta na mataas sa iron at Vitamin C. Kabilang sa mga pagkaing mayaman sa iron ang pulang karne, shellfish, itlog, beans, at berdeng gulay.

Kabilang sa mga pagkaing mataas sa bitamina C ang mga citrus fruit, kamatis, at broccoli. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa kung kailangan mong uminom ng mga iron pill o multivitamin.

Kailan pwede maligo ang nakunan na buntis

Walang dahilan upang iwasan ang pagligo sa araw kasunod ng miscarriage. Ngunit, inirerekomenda na gumamit ng maligamgam na tubig. 

Pwede ring mag-swimming! Maaaring lumangoy sa sandaling sa tingin mo ay sapat na upang gawin. Bagaman ipinapayong maghintay hanggang sa tumigil ang anumang vaginal bleeding o discharge.

Mga bawal kainin pag nakunan

Ang ilan sa mga pagkain na dapat mong iwasan pagkatapos na makunan ay ang mga sumusunod:

  1. Refined grains tulad ng instant rice at noodles
  2. Sweets
  3. Fatty milk and meats tulad ng pork, beef, cheese, at butter
  4. Junk food
  5. Soy products

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Spontaneous abortion: Risk factors, etiology, clinical manifestations, and diagnostic evaluation, JOURNAL. Authors: Togas Tulandi, MD, MHCMHaya M Al-Fozan, theAsianparent PH, Healthline, NHS, Healthline, Mayo Clinic, American Pregnancy, Glo Hospitals, Alberta Health, Birth Song Botanicals, Mom Junction

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!