STUDY: Sobrang pagmamahal sa iyong anak maaaring makaapekto sa skills development at mental health niya

Labis na pagbibigay ng atensyon at pagmamamahal sa isang bata, paano maaring makasama sa kaniya? Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Labis na pagmamahal na magulang sa anak kung inaakalang makakabuti, hindi pala, ayon sa isang pag-aaral.

Pagmamahal ng magulang sa anak

Lagi nga nating sinasabi na walang tutumbas sa pagmamahal ng ina o ama sa isang anak. Ito nga naman ay totoo dahil ang pagmamahal ng ina ay “unconditional” na kung saan kung minsan ay gagawin lahat ng ina ang ikagiginhawa at ikagagaan ng buhay ng anak niya.

May mga pagkakataon din na halos makalimutan na ng ina ang sarili niya maibigay lang ang pangangailangan at kaligayahan ng anak niya.

Pero ayon sa isang pag-aaral, kung inaakala nating mga magulang na ito ay makakabuti, tayo ay mali. Dahil ang labis na pagmamahal ng magulang sa anak ay may kaakibat na negatibong epekto sa development ng isang bata.

Bakit ba hindi maganda ang pagpapakita ng labis na pagmamahal ng magulang sa anak?

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang pag-aaral na pinanganunahan ng professor at psychologist na si David Bredehoft, may tatlong paraan na kung saan naipapakita ang labis na pagmamahal ng magulang sa anak.

Una, ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay ng sobra sa isang bata. Maaaring sa pamamagitan ng sobrang laruan, damit, privileges o iba pang magbibigay ng satisfaction sa isang bata.

Pangalawa, sa pamamagitan ng overnurturing o ang pagbibigay ng labis na atensyon sa iyong anak o kaya naman ay paggawa ng mga bagay na dapat ang anak mo ang gagawa.

Pangatlo, ang tinatawag na soft structure o ang hindi pagpayag na gumawa ng mga gawaing-bahay ang iyong anak ng dahil sa sila ay bata pa. Maaari ring ang hindi pagdidisiplina sa mga ginagawang mali ng isang bata.

Kung titignan, ang pangalawa sa pagpapakita ng pagmamahal ng magulang sa anak ang inaakala nating kailangan at makakabuti sa kanila. Pero ayon sa pag-aaral pa rin na ginawa ni Bredehoft, hindi ito totoo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa halip, ang masyadong pagbibigay ng soft needs ng isang bata tulad ng love, touch, support, attention, at recognition ay maaaring makaapekto sa self-development niya at maging dahilan para siya ay magkaroon ng mental health issues sa kaniyang paglaki. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging self-centered ang isang bata at lumalaking incompetent.

Paano ba natin nao-overnurture ang ating anak? Ito ang ilan sa mga bagay na ating ginagawa.

  • Paggawa ng mga assignments niya.
  • Pagturo sa mga teachers o mga tao sa paligid niya kung paano at bakit dapat mag-adjust sa iyong anak.
  • Tagasunod ka sa lahat ng gusto ng anak mo tulad na lang sa mga laruan na ikaw ang nagliligpit matapos niyang magamit.
  • Masyado mo siyang pinoprotektahan sa lahat.

Ayon pa rin kay Bredehoft ang mga skills nga na maaaring hindi taglayin ng isang bata ng dahil sa overnurturing o paggawa ng labis para sa iyong anak ay ang sumusunod:

  • Communication
  • Interpersonal at relationship skills
  • Domestic at home skills
  • Mental at personal health skills
  • Decision-making skills
  • Money at time management skills
  • Paano ang pagiging responsable

Larawan mula sa Pexels

Pagdating naman sa kaniyang mental health, ang mga kondisyon o issues na maaari niyang maranasan sa kaniyang paglaki ng dahil sa overnurturing ay ang sumusunod:

  • Depression
  • Anxiety
  • Emotional regulation
  • Alcohol use

Ang iba pang maaaring maranasan ng iyong anak o makaapekto sa kaniyang paglaki dahil sa pagpapakita ng labis na pagmamahal ng ina sa anak ay ang sumusunod:

  • Mahihirapan siyang i-control ang kaniyang sarili.
  • Masyado siyang magiging self-entitled.
  • Hindi siya marunong magpasalamat o grateful sa mga natatanggap niya.
  • Hindi niya alam ang boundaries niya.
  • Pagiging materialistic.
  • Pagiging magastos.
  • Ang goal niya ay para lang yumaman, magiging kilala at para lang sa good image.
  • Hindi siya interesado sa personal growth niya o gawing parte ng pagpapaganda ng kaniyang komunidad.
  • Gusto niyang siya lang lagi ang center of attention.

Pero paano ba natin maiiwasan ang mga nabanggit na negative na epekto ng overnurturing sa isang bata? Ito ang maari mong gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

  • Tukuyin ang mga ipinapakitang maling pag-uugali ng iyong anak, i-address ito at itama.
  • Turuan siyang maging responsible sa kaniyang mga ginagawa. Tulad na lang ng kung paano niya dapat nililigpit ang mga laruan niya o kaya naman ay kung paano niya dapat inaayos ang mga gamit na na-damage o nasira niya.
  • Turuan siyang matutong rumespeto sa mga bagay at tao sa paligid niya.
  • Mag-decide ka sa mga rules na ibibigay sa iyong anak. Ano ang mga negotiable at non-negotiable sa mga ito?
  • I-enforce ang mga rules na ibibigay sa iyong anak gamit ang mga reasonable consequences.
  • Ipaitindi at ituro sa anak na bawat miyembro ng pamilya ay may gawaing-bahay na dapat gawin.

Hindi pa huli ang lahat para itama ang pag-uugali ng iyong anak. Oo nga’t ang nais lang natin ay maipakita at maiparamdam sa kanila ang ating pagmamahal. Pero tandaan ang sobra rin ay masama.

Sa bata nilang edad ay mabuti nang ituro at itama na natin ang inaakala nating tamang pagpapalaki sa ating anak. Dahil sa kinalaunan ito rin ay para sa ikabubuti ng kanilang buhay at kinabukasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement