X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ano ang nagiging epekto ng pamamalo sa mga bata?

4 min read
Ano ang nagiging epekto ng pamamalo sa mga bata?Ano ang nagiging epekto ng pamamalo sa mga bata?

Marami pa ring magulang ang nagsasabi na ang pamamalo sa bata ay tamang paraan ng pagdisiplina. Ngunit ang katotohanan ay mas nakakasama pa ito sa mga bata!

Para sa maraming Pilipinong magulang, normal lang ang pamamalo sa bata. Kung tutuusin, karamihan sa atin mismo ay naranasan nang paluin o saktan ng ating magulang kapag mayroon tayong kasalanan o pagkakamali.

Ngunit alam niyo ba na mas makakasama pa sa mga bata ang pamamalo? Maraming eksperto na ang nakapagsabi na hindi naman talaga nakakatulong ang pamamalo sa bata.

Pero, bakit nga ba dapat iwasan ang pamamalo? Ano ang epekto nito sa bata, at ano ang magandang alternatibo para dito?

Napatunayang makakasama lang lalo ang pamamalo sa bata

pamamalo sa bata

Walang mabuting maidudulot ang pamamalo sa mga bata.

Hindi na bago ang usapin ng pamamalo sa mga bata. Napakarami nang pagtatalo at diskusyon ang ginawa tungkol sa usaping ito.

At sigurado, maraming magulang ang magsasabi na, “pinalo naman ako ‘nung bata ako, pero maayos naman ako ngayon.”

Ngunit alam niyo ba na sa lahat ng ginawang pag-aaral tungkol dito, kahit isa ay walang nagpakita na mayroong mabuting epekto ang pamamalo?

Napatunayan pa nga ng mga eksperto na lalo lang nakakasama ang pamamalo. Kabilang sa mga epekto nito ang pagkakaroon ng galit o aggression ng bata, pananakit o pambubully ng ibang bata, pagkakaroon ng mas masamang ugali, mga mental health problems, at pagbaba ng IQ ng mga bata.

Nakakasira din ito ng ugnayan ng mga magulang sa kanilang anak, at lalo lang nitong pinaglalayo ang mga pamilya.

Natututo din manakit ang mga batang pinapalo

Ang isa pang masamang epekto ng pamamalo ay kung paano ito nagiging “normal” para sa mga tao. Kapag ang isang bata na pinalaki sa pamamalo o corporal punishment ay naging magulang, kadalasan, sasaktan din niya ang kaniyang mga magiging anak.

Dagdag pa ng isang pag-aaral, nagiging bayolente din ang mga batang pinapalo ng kanilang mga magulang. Masasanay din silang gamitin ang pananakit upang resolbahin ang kanilang mga problema, na hindi naman tama.

Nawawalan din ng respeto sa mga magulang ang mga batang pinapalo. Sa halip na intindihin at respetuhin nila ang kanilang mga magulang, ito ay napapalitan ng takot.

Ano ang mas magandang alternatibo?

pamamalo sa bata

Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ang mga magulang at kanilang mga anak.

Sa halip na paluin ang iyong anak, heto ang ilang mabuting alternatibo upang sila ay disiplinahin.

Pag-usapan ang nangyari

Mahalaga ang komunikasyon sa pagitan ng mga anak at kanilang mga magulang. Kapag may ginawang mali ang isang bata, kailangan ipaliwanag ng magulang kung bakit mali ang kanilang ginawa, hindi lang basta paluin ang bata.

Ito ay para mas maintindihan ng bata ang epekto ng ginawa niya, at upang hindi na niya ito ulitin sa sunod.

Pagbawalan sila

Sa halip na paluin sila kapag nagkamali, puwedeng ibawal mo sa kanila ang paglalaro, o kaya ang panonood ng paborito nilang palabas sa TV.

Magsisilbi itong tanda na kapag may ginawa silang mali, mayroon itong kapalit na masamang kinahinatnan. Mas matututo sila sa ganitong paraan dahil mas madali sa kanila ang intindihin ang kanilang pagkakamali.

Bigyan ng time-out ang iyong anak

Minsan, nakakatulong sa iyong anak ang pagkakaroon ng oras upang pag-isipan ang kaniyang ginawang kasalanan. Ang pagbibigay ng time-out ay isang mainam na paraan upang magkaroon sila ng oras para sa sarili at maintindihan at pagsisihan ang kanilang pagkakamali.

Dito, matututo rin ang iyong anak na intindihin kung bakit niya ginawa ang kasalanan, at kung paano niya ito maiiwasang uliting muli.

Mahalagang tandaan ng mga magulang ang magiging epekto ng kanilang pagdidisiplina sa anak. Hindi lang sapat ang panandaliang pagpaparusa gamit ng pagpalo o pananakit ng bata. Mahalaga na turuan nila ang kanilang anak kung ano ang mabuting ugali, at ang tamang paraan ng pagdidisiplina.

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: Motherly

Basahin: Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ano ang nagiging epekto ng pamamalo sa mga bata?
Share:
  • Mga magulang, narito ang masamang epekto ng pamamalo sa bata ayon sa pag-aaral

    Mga magulang, narito ang masamang epekto ng pamamalo sa bata ayon sa pag-aaral

  • 1 year-old, pumanaw matapos paluin ng paulit-ulit ng kaniyang ina

    1 year-old, pumanaw matapos paluin ng paulit-ulit ng kaniyang ina

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

    Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

app info
get app banner
  • Mga magulang, narito ang masamang epekto ng pamamalo sa bata ayon sa pag-aaral

    Mga magulang, narito ang masamang epekto ng pamamalo sa bata ayon sa pag-aaral

  • 1 year-old, pumanaw matapos paluin ng paulit-ulit ng kaniyang ina

    1 year-old, pumanaw matapos paluin ng paulit-ulit ng kaniyang ina

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

    Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.