Madalas bang napapansin mo ang iyong binata o dalaga na problemado o balisa? Sa kabila nito ay hindi naman nila ikinikuwento kung may pinagdadaanan sila? Narito ang ilang ways kung paano ang tamang pakikipag-usap sa anak ng mga magulang.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 3 ways ng tamang pakikipag-usap sa anak ng mga magulang
- 5 questions you can ask you teenagers
3 ways ng tamang pakikipag-usap sa anak ng mga magulang
3 ways ng tamang pakikupag-usap sa anak ng mga magulang | Larawan mula sa Pexels
Kapag nasa childhood stage pa ang kids, walang sikreto silang matatago mula sa kanilang parents. Halos lahat yata ng nararanasan nila ay sasabihin nila verbally; masaya man iyan o malungkot. Hinihingi rin nila most of the times ang approval from parents. Ganito lang kadali kapag bata pa ang anak.
As they grow old, naririyan pa rin sa kanila iyong kinakailangan nila ng advice sa mga magulang. Dito kasi nagsisimula ang maraming sensitive na bagay. Magmula sa questions of their physical changes and other changes hanggang sa maraming pagbabago pa na mararanasan nila.
“Ok lang kaya na ganito ang nararamdaman ko towards same sex?”
“Bakit wala pa akong dream career sa edad na ito?”
“May need ba akong purpose na i-fulfill for the society?”
Maaaring itanong din nila ang mga bagay tungkol sa society, career, sexuality, at iba pang unti-unti na nilang natututunan. Sa ganitong pagkakataon, mahalaga ang magiging response ng magulang. Sa response na ito babase ang teenagers kung comfortable bang balikan ulit ang parents for a particular question or not.
Kung nagsisimula na silang magtanong sa inyo, narito ang 3 ways ng tamang pakikipag-usap sa anak:
3 ways ng tamang pakikupag-usap sa anak ng mga magulang | Larawan mula sa Pexels
Make sure to keep your communication open.
Unang susi diyan, pakikinig. Stage ito ng maraming bagay na ang naku-curious sila at maraming nais i-explore. Dala na rin ng peer pressure, ang mga baagay na nais nilang alamin kung hindi magagabayan ng tama ay maaaring mauwi sa kapahamakan. Kung nagbubukas sila ng isang topic, mahalaga na pakinggan kaagad kung bakit nila ito nais i-open up.
Sa pakikinig, malalaman mo kung bakit nila ito nasimulang tanungin at ano ang nais nilang gawin. Mahalagang without judgements ang pakikinig sa anak mo para hindi nasa-shut down ang nais niya sabihin.
Tandaan na humahanap sila ng kasagutan at sa tingin nila nasa inyo bilang parents ang tamang guidance. Isang magandang sign ito na malaki pa ang tiwala at paghanga nila sa inyo na kanyang magulang. Dito papasok ang malaking ginagampanang role ninyo para sa kanilang future.
Always show respect.
Gaya kung paano ninyo itinuro ang pagbibigay ng respeto noong bata pa, ganito rin dapat ang ipinapakita sa kanila ngayong matanda na. Kung naiisip mong hindi ka agree matapos mong pakinggan ang kanyang concern, maaari mo itong i-voice out nang hindi siya nabibigyan ng takot.
Crucial ang part na ito dahil dito sila magbabase kung safe ba or comfortable ka bang lapitan ulit. Kung disagree ka sa kanila, hindi maiiwasang magalit o ma-disappoint sila sa iyong reaction. Dito naman papasok ang inyong patience as parents.
Ipaliwanag mo lahat ng sides at consequences kung bakit hindi ka agree sa kanyang sinasabi. Mainam din ang pagbibigay ng halimbawa sa iyong karanasan kung sakaling napagdaanan mo na ito. Sa ganitong paraan malalaman niya na tama nga ang iyong point at mali ang kanya.
Don’t let your emotions get activated.
Para magawa ang lahat ng ito, mahalagang hindi ka napapangunahan ng iyong labis-labis na emosyon. Ang nangyayari kasi kadalasan, sa tuwing may binubukas ang mga anak nauuna ang emosyon ng magulang. Maaaring magkaroon kaagad ng takot at nais protektahan ang anak sa kung ano man ang concern nito.
Kailangang ipaalala sa sarili na papunta na rin sa adult life sila at kailangan nilang matuto sa buhay. Bagaman naririyan kayo bilang magulang para sa guidance, later on ay kinakailangan nilang magdesisyon for themselves. Dito na nila masisimulan na i-figure out ang mga problema. Kaya nga hindi dapat nauuna ang emosyon para mas maging malawaka ng pakikinig at pang-unawa kapag kausap na sila.
5 questions you can ask your teenagers
5 questions you can ask your teenagers | Larawan mula sa Pexels
Hindi lang naman anak ang maaaring mag-voice out ng katanungan. Maganda rin na nagtatanong ang parents sa kanilang mga anak na teenagers. Sa ganitong way kasi nae-explore nila ang point of view ng teens at paano ito nagagabayan sa kanilang buhay. Narito ang ilang questions that you can ask them:
- “Kamusta naman ang relasyon mo sa friends mo?”
- “Ano ang paborito mong ginagawa ngayon sa school?”
- “Minsan ba naiiisip mo na ikasal balang araw?”
- “Nararamdaman mo bang tama lang ang suporta na natatanggap mo mula sa amin? Kung hindi, paano namin iyon mababago?”
- “May kinahaharap ka bang problema ngayon na kailangan mo ng tulong?”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!