10 dapat gawin para mapatibay ang relasyon ng mag-asawa

Ayon sa isang relationship expert, magbabago talaga ang iyong asawa sa pagdaan ng panahon, ganoon rin ang inyong relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatibay ng relasyon ng mag asawa, magagawa sa pamamagitan ng sampung practices na ito sa kanilang pagsasama.

Pagpapatibay ng relasyon ng mag asawa

Ika nga ng isang kasabihan, ‘change is constant’. Sa relasyon ng mag asawa ang kasabihan na ito ay na-apply rin. Ayon sa isang pag-aaral, natuklasan na mas mataas ang satisfaction level ng isang magkarelasyon kapag nagsisimula palang ang pagsasama at habang bata pa ang mag-asawa.

Sa pagdaan ng panahon, habang nagkaka-edad ang mag-asawa ay bumababa ang satisfaction level nila sa isang relasyon. Dito na nakakaramdam ng pagsisisi ang mag-asawa sa isa’t isa na sa kalaunan ay maaaring maging dahilan ng paghihiwalay. Lalo na kung idadagdag pa ang pressure at responsibilidad ng pagiging isang magulang sa mga anak nila.

Pero ayon kay Suzanne Degges-White, isang relationship at family expert, may mga practices na maaring gawin para mas mapatibay ang pagmamahalan ng mag asawa sa isa’t isa.

At para maiwasan ang pagkasira ng kanilang relasyon pati na rin ng kanilang pamilya sa pagdaan ng panahon. Ang mga practice na ito ay ang sumusunod na nagpapataas din ng level ng satisfaction sa relasyon ng mag-asawa.

10 practices para mapatibay ang relasyon ng mag-asawa

Larawan mula sa Pexels

  1. Kaibiganin ang iyong asawa.

Maraming mag-asawa ang sinasabing tumagal ang relasyon nila dahil sa itinuturing nilang kaibigan ang kanilang asawa. Ayon kay Degges-White, isa ito sa sikreto ng pagkakaroon ng masayang pagsasama.

Hindi naman umano kailangang maging bestfriend mo ang iyong asawa. Pero kailangan mo siyang ituring na kaibigan na iyong pagkakatiwalaan at mapagsasabihan ng iyong problema na mas magpapagaan ng loob ninyo sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong paraan ay mas naiintindihan ninyo rin ang isa’t isa na mas magtutulak sa iyong mag-adjust sa mga pagkakataong mayroon kayong hinaharap na problema.

  1. Magkaroon ng couple identity.

Dapat rin i-practice ng mag-asawa ang pagkakaroon ng couple identity. Ang ibig sabihin nito ay ang pagdedesisyon na kung saan laging dalawa kayo as team ang gumagawa.

Lalo na pagdating sa relasyon ninyo at pamilya. Pero hindi naman ibig sabihin nito na dapat mo ng isantabi ang individual identity mo o kaya naman ay iwasan ang mga bagay na nagpapasaya sayo.

Kung may mga hobbies ka na nagugustuhan na hindi gusto ng partner mo ay ipagpatuloy pa rin ito. Pero pagdating sa issues at concerns ng inyong relasyon at pamilya ay laging dapat team kayo na haharap at mag-dedesisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Mag-focus kayo sa shared values ng inyong relasyon.

Maliban sa paggawa ng mga bagay na pareho ninyong ini-enjoy, payo rin ni Degges-White ay dapat nagpo-focus rin ang mag-asawa sa shared values ng kanilang pagsasama.

Tulad ng ano ba dapat ang pareho nilang gawin para mas mapatibay pa ang kanilang relasyon. At ano ang attitude ng kailangan nilang parehong taglayin para malampasan nila ang mga pagsubok sa kanilang pagsasama.

  1. Maging willing na sumubok ng mga bagay na gustong ginagawa o gawin ng iyong partner.

Para mas maintindihan ang iyong asawa ay subukang gawin ang mga bagay o activity na ginagawa niya. Ito ay para maiintindihan mo siya at mas makikilala. Naipapakita mo rin ang iyong suporta at pagmamahal sa kaniya sa ganitong paraan.

  1. Magkaroon kayo ng engage at honest conversations sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels 

Sa pag-uusap na ito ay hindi lang dapat basta ugali ng isa’t isa ang ipinupunto ninyo. Kasama na rin dito ang mga gusto ninyo at ayaw sa pakikipagtalik. Ito ay para maibigay ninyo ang needs at wants ng isa’t-isa na hindi kayo magkakasamaan ng loob o wala ni isa sa inyo ang kailangang ma-kompromiso ang gusto.

  1. Isaisip na parte ng relasyon ang pagkakaroon ng problema at hindi pagkakaintindihan.

Nakaka-frustrate talaga ang mga pagkakataon na may hindi kayo pagkakaintindihan na mag-asawa. Pero hindi ito dahilan na dapat ay itigil ninyo na ang relasyon at maghiwalay na.

Isaisip na parte ito ng iyong relasyon na dapat ay pinapakitaan ninyo ng inyong shared values. Ito ay para ma-overcome ninyo ito ng magkasama na mas magpapatibay sa inyong pagsasama.

  1. Ipagdiwang ang tagumpay ng iyong asawa.

Tulad nga ng una ng sinabi ni Degges-White dapat ay may tinatawag na couple identity. Ito ay hindi lang dapat ina-apply sa paggawa ng desisyon. Sa achievements at accomplishments ng mag-asawa ay dapat ina-apply din ito.

Ibig sabihin ang tagumpay ng isa ay dapat i-take na tagumpay na parehong mag-asawa. Ito ay dapat nilang i-celebrate na paraan din ng pagpapakita ng suporta sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. I-respeto ang mood at perspectives sa buhay ng iyong asawa.

Nobody’s perfect, ganoon rin sa pag-aasawa. May mga qualities na maaaring makita mo sa iba na wala sa iyong asawa. O may mga paniniwala siya na maaring salungat ng sa ‘yo o hindi ninyo napagkakasunduan.

Pero hindi dapat maging dahilan ito para mabawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. Sa halip, dapat ay i-respeto ito at huwag iparamdam sa kaniya na hindi siya ang lalaking pinapangarap mong makasama.

  1. Mag-work kayong pareho para mas maintindihan ang feeling ng isa’t isa.

Bagamat bawat isa sa atin ay may iba’t ibang paraan sa pagharap sa iba’t ibang consequences, sa pag-aasawa ay dapat maipatindi mo sa iyong partner ang mga nagiging reaksyon mo o feelings sa mga bagay na iyong nararanasan.

Huwag mong i-assume na dapat ay naiintindihan niya na. Dapat ay maging open at honest ka sa iyong asawa. Dahil hindi niya kayang hulaan ang feelings mo at kailangan niyang maintindihan kung bakit ito ang nararamdaman mo.

  1. Tanggapin na magbabago ang partner mo sa pagdaan ng panahon.

Larawan mula sa Pexels 

Kailangan mo ring tanggapin na magbabago ang iyong asawa sa pagdaan ng panahon. Ganoon rin ang inyong relasyon. Pero hindi ito dahilan para sabihing dapat ng tigilan ang inyong pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang magkapareho ay dapat mag-adjust kayo sa mga pagbabagong ito. I-improve pa ang inyong sarili at relasyon. At gamitin ang mga pagbabagong ito para mas patibayin pa ang inyong pagsasama at pamilya.