11 home remedies kung paano magpaliit ng tiyan matapos manganak

For sure, ang dream ng bawat mommy ay magkaroon ng flat na tiyan paglabas ni baby. Narito ang 11 ways kung paano ito magagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak, ito ang nangunguna sa laging hinahanap ng mga buntis na babae. Katulad din nito ang mga tanong na paano pumayat ng mabilis at paano pumayat ng walang exercise pagkatapos manganak. Ano nga ba ang mga paraan at pagkain na safe na pampapayat ng mga bagong panganak na mommies? Narito ang mga dapat mong malaman.

Paano pumayat pagkatapos manganak

Ayon sa isang pag-aaral ang dagdag na timbang na nakukuha ng mga mommies tuwing nagbubuntis ay binubuo ng mga sumusunod:

  • ang sanggol
  • placenta
  • amniotic fluid
  • breast tissue
  • blood o dugo
  • uterus enlargement
  • extra fat

Ang mga ito ay hindi maiiwasan. Sa katunayan, base sa isa pang pag-aaral, halos kalahati ng mga babaeng buntis ay nadagdagan ang timbang ng higit sa kanilang recommended amount of weight. Ito ay may kaakibat na consequences na kabilang ang mga sumusunod kung hanggang sa pagkatapos manganak ay hindi parin ito maalis.

  • dagdag na risk ng pagiging overweight.
  • mas mataas na risk na pagkakaroon ng diabetes at heart disease.
  • mas mataas na risk ng pagkakaroon ng komplikasyon habang buntis.
  • higher health risk ng pagkakaroon ng gestational diabetes.

Paano lumiit ang tiyan matapos manganak

Pagkatapos ng panganganak, hindi kaagad na babalik sa dati nitong anyo ang iyong katawan partikular na ang iyong tiyan. Pero siyempre ang lagi at concious na tanong ng maraming babae ay kung paano pumayat ang tiyan at braso ng mabilis matapos manganak. Ito ang sagot at paliwanag ng mga health experts.

Para lamang din itong lobo na na-iinflate habang lumalaki ang iyong anak sa sinapupunan. Pagkapanganak naman, hindi kaagad agad na liliit tulad ng pagputok ng isang lobo. Sa halip, dahan-dahan itong babalik sa dating laki ng iyong tiyan. Hindi nga lang kaagad-agad.

Aminin na natin, lahat sa ating mga babae ay gustong magbalik agad sa flat at sexy nating tiyan matapos manganak. May ilan sa ating ginagawa ang lahat para ma-achieve ito.

Habang may ilan ang sumuko na at in-enjoy na lang ang tiyan na may kalakihan. Pero gaano man kahirap alisin ang mga taba na iyan sa tiyan, posible naman itong gawin.

Narito ang ilang simpleng home remedies at tips na pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak. Ang ilan sa mga paraan na ito ay masasagot rin ang tanong sa kung paano pumayat ang braso ng babaeng bagong panganak.

Mga mabisang pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak

  1. Abdominal binding

Isa sa pinaka-effective na paraan para lumiit ang tiyan pagkatapos manganak ay sa pamamagitan ng pagsusuot ng abdominal binder. Ang kailangan lang gawin ay isuot ito ng mahigpit at matagal hangga’t kaya mo araw-araw.

Ayon sa mga health experts, hindi lang ito nakakatulong na mapaliit ang tiyan ng babaeng bagong panganak. Para sa mga cesarean section moms ay nakakatulong din ito upang humilom ng maayos ang kanilang sugat dulot ng surgery.

Pero isang paalala bago gumamit nito ang mga CS moms ay mas mabuting hingin muna ang payo ng iyong doktor. Sapagkat madalas ay ipinapayong kailangan munang humilom ang sugat dulot ng cs delivery.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay tinatayang makalipas ang 4-6 na linggo matapos manganak. Pero kung gagamit ng modern style binders o postpartum girdles ay maaari naman gumamit na nito agad. Muli para makasigurado ipinapayong konsultahin muna ang iyong doktor.

Isang tip para sa mga CS moms na nag-aalala sa kanilang tahi at gustong gumamit ng abdominal binder, maaaring lagyan o takpan muna ng sanitary pad ang iyong tahi bago mag-suot ng binder sa inyong tiyan.

Para sa mga mommies na nanganak sa pamamagitan ng normal o vaginal delivery, ang pagsusuot ng abdominal binders ay maaring simulan agad matapos ang panganganak.

  1. Lotions

Maraming mabibiling lotions na nagsasabing makakatulong sa pagkakaroon ng flat na tiyan matapos ang panganganak. Pero dapat ay maging maingat sa pagpili ng mga lotions na bibilhin.

Kailangan tingnan kung safe ba ang mga ingredients nito lalo na kung nagpapasuso. Ang mga lotions din na ito ay hindi lang basta magagamit bilang pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak. Maari rin itong gamitin bilang sagot sa kung paano pumayat ang braso ng bagong panganak na babae.

Para maging effective na pampaliit na tiyan at braso, hanapin ang mga lotions na may collagen, vitamin A, C at E. Ang mga ito ay nakakatulong para ma-improve ang blood flow sa tiyan at mapaliit ito.

Kung may oras ka naman ay maaari ka ring gumawa ng sariling lotion mo. Ang isang hand-made lotion na sinasabing effective ay ang pinagsamang 250ml fresh grape extract at 750ml ng extra virgin oil.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gawin ito, una sa pamamagitan ng pagsasala sa grape extract saka ihalo sa oil. Ilagay ang mixture sa isang bote at itabi ito sa lugar na maarawan sa loob ng isang linggo.

Sa paggamit ay i-shake muna ang bote at mag-apply ng lotion dalawang beses sa isang araw.

  1. Mag-exercise at magpapawis

Paano pumayat ng walang exercise, marami ang may tanong nito. Pero isa ito sa pinaka-epektibong paraan ng pagpapayat. Maliban sa physical benefits nito ay may kaakibat din ito ng benepisyo sa mental health ng bagong panganak na babaeng makakatulong para makaiwas sa postpartum depression ang babaeng bagong panganak.

Hindi naman dapat agad na sumalang ka sa mga mapuwersa at mahirap na workouts matapos manganak. Sapagkat sa ito ay maaaring makasama sa ‘yo at sa iyong matris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kailangan lang gawin ay magsimulang i-build ang iyong endurance sa pamamagitan ng walking, swimming at cycling. O kaya ay mag-focus sa mga cardio exercise o aerobic exercise na magbibigay rin sa ‘yo ng aliw.

Kapag nawala na ang mga overall fat sa iyong katawan ay saka naman sundan ito ng tummy toning exercises tulad ng crunches at planks.

Pero bago mag-tummy exercises, siguraduhin na wala kang diastasis recti o ang kondisyon na kung saan may gap sa pagitan ng iyong left and right abdominal muscles.

Sapagkat kung mayroon ka nito ang mga tummy exercise tulad ng crunches ay mas palalain pa ito. Ngunit huwag mag-alala, may mga exercises na maaaring gawin upang maitama ang kondisyong ito.

Maaari ka ring makipag-usap sa iyong doktor o physical therapist para sa mga angkop na ehersisyo na para sa iyong kondisyon.

  1. Breastfeeding

Maliban sa napakaraming benefits na ibinibigay sa newborn baby, ang breastfeeding nakakatulong din na paliitin ang tiyan ng bagong panganak na mommy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakatulong ito na mag-burn ng aabot sa 500 calories a day ang katawan ng bagong panganak na babae. Ganoon din upang mag-contract ang uterus at bumalik sa dati nitong size.

Pero hindi ina-advise na mag-low-calorie diet ang babaeng bagong panaganak lalo na kung siya ay nagpapasuso. Ang kailangan lang ay bawasan niya ang kaniyang calorie intake ng 500 calories per day na makakatulong para mabawasan ang kaniyang timbang ng 1 pound o 0.5 kg kada linggo. May mga apps na makakatulong para ma-itrack mo ang iyong calories at masuportahan ang iyong weight loss journey.

  1. Pag-inom ng tubig

Isa pang given at safe na paraan na pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak ay ang pag-inom ng tubig.

Sa pag-inom ng tubig ay nailalabas ang toxins sa loob ng katawan at nakakatulong na mabawasan ang taba sa tiyan. Ito ay nakakatulong rin para mapabilis ang metabolism ng babaeng bagong panganak.

Kung nagpapasuso ay nakakatulong rin ito na ma-replenish ang fluid na kailangan ng iyong katawan. Dapat ring iwasan ang pag-inom ng alak kung nagpapayat. Ito rin ay hindi makakatulong sayo kung ikaw ay nagpapasuso ng iyong newborn baby.

Added bonus – ang pag-inom ng maraming tubig ay nakakaganda rin ng balat.

Kung mayroon namang nagsabi sa ‘yo na ang pag-inom ng tubig matapos manganak ay magiging dahilan para mahirapang maalis ang taba sa tiyan, huwag maniwala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay hindi totoo. Kailangan mong uminom ng maraming tubig. Para sa iyong pinapasusong sanggol at nagre-recover pang katawan.

  1. Balanced diet

Siyempre, para lumiit ang tiyan, ang pagkakaroon ng balanced diet ang isa sa mga sikreto dyan.

Siguraduhin lang sa iyong pagkain ay mag-include ng two portions ng gulay, prutas, whole grains at healthy protein. Bawasan din dapat ang iyong sugar at salt intake kung maaari. Iwasan din ang mga sodas at iba pang carbonated drinks.

Ang mga prutas at gulay tulad ng papaya, mangga, grapefruit, broccoli, at kale ay sinasabi ring mabisang pampaliit ng tiyan.

Tandaan huwag ikompromiso ang nutritional value ng pagkaing iyong kinakain para lang mapaliit ang iyong tiyan. Sapagkat mahalaga ang masusustansyang pagkain para sa iyong recovery, lalo na kung ikaw ay nagpapasuso.

  1. Kumain ng konti ngunit mas madalas

Ang pagda-diet bilang pampaliit ng tiyan ay hindi effective at pahihinain lang ang iyong katawan.

Sapagkat bago kang panganak, ang iyong metabolism ay mabilis sa ngayon. Kaya dapat ay anim na beses kumain ng two heavy meals a day at 3 to 4 small meals na may regular na interval. Mabuting kumain ng heavy breakfast araw-araw.

Tandaan na kapag kumakain ka ng maayos ay mas marami kang calories na nabe-burn sa iyong katawan.

Mga pagkaing pampaliit ng tiyan

Photo by Cup of Couple from Pexels

Speaking of balanced diet at pagkain ng konti ngunit madalas, narito ang ilang mga pagkaing pampaliit ng tiyan.

  1. Curry leaves at garlic

Hindi lang pang-detox ang curry leaves, pampaliit rin ito ng tiyan! Ganoon din ang pag-nguya ng 2 butil ng hilaw na bawang na susundan ng pag-inom ng lemon water. Ang mga ito ay effective at natural na paraan rin ng pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak.

  1. Honey Lemon

Ito ay isa ring easy at yummy way para ma-achieve ang flat na tiyan matapos manganak. Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang fresh lemon juice at kalahating kutsaritang honey sa isang baso ng maligamgam na tubig. Saka inumin ang mixture bago kumain o habang wala pang laman ang iyong tiyan.

Kung posible, ay mas mainam na inumin ito pagkagising bago uminom ng tubig o kahit anong inumin. Pagkainom ng mixture ay palipasin ang kalahating oras bago ito sundan ng ibang inumin o pagkain.

Maaari rin itong dagdagan ng mint leaves at cucumber saka i-brew ng magdamag. Makakatulong din ang pagdadagdag ng cayenne pepper para makatulong na ma-boost ang iyong metabolism at ma-burn ang taba sa tiyan.

Pero ito ay hindi advisable sa lahat ng babae. Ganoon din ang labis na paggamit ng mint leaves lalo na sa mga breastfeeding moms. Sapagkat sa ito ay maaring makaapekto sa breastmilk supply.

  1. Green Tea

Ang isang tasa ng green tea sa isang araw ay mabisa ring pampaliit ng tiyan matapos manganak. Rich in antioxidants din ito na maganda sa balat.

Tandaan lang na dapat uminom ng tea in moderation. Sapagkat ang taglay na caffeine nito kapag sumobra ay hindi ipinapayo lalo na kung nagpapasuso.

Hindi rin ito dapat inumin na may asukal o sweeteners para ito ay mas maging epektibong pampaliit ng tiyan.

  1. Apples

Ang mga mansanas ay may taglay na substance na kung tawagin ay pectin na nakakatulong para ma-burn ang mga taba sa tiyan. Rich in antioxidants din ito na tinutulungan ang katawan na mag-accumulate ng dagdag na taba o fats.

Gaano katagal bago bumalik ang aking tiyan sa dati?

Ang bilis ng pagbalik ng iyong tiyan sa dati ay nakadepende sa iba’t ibang factors tulad ng:

  • Hugis at laki ng iyong tiyan bago ka magbuntis
  • Gaano kabigat ang timbang na iyong na-gain sa iyong pagbubuntis
  • Gaano ka ka-active sa ehersisyo, activities, at pagpapawis
  • Genes

Ayan mga mommies ang mga easy at effective tips na pampaliit ng tiyan pagkatapos manganak. Pero tandaan huwag biglain o pilitin ang iyong sarili.

Huwag gutumin at pahirapan ang iyong katawan. Kumain ng maayos para mapalakas ang iyong katawan. Hindi lang para sa iyong recovery kung hindi para narin maayos na maalagaan si baby.

Sabihin man sa isang ina na napakaganda nito sa kabila ng paglaki ng tiyan nito, hindi maikakailang iba ang dalang confidence ng pagkakaroon ng body na nais mong i-achieve kahit ikaw ay nanay na.

Mula sa amin, nais pa rin naming ipaabot ang papuri sa iyo. Ang iyong hubog ngayon ay isang napakagandang katawan na nakabuo at nakapagluwal ng isa na namang magandang nilalang.

 

Muling inilathala at isinanalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz na may pahintulot mula sa theAsianParent Singapore.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

The Asian Parent