Ayon sa isang pag-aaral, ang sanhi ng pagkakaroon ng uban sa batang edad ay dulot ng stress na nararanasan. Ang uban umano ay maaaring mawala o bumalik sa dating kulay sa oras na maalis na ang stress!
Mababasa sa artikulong ito:
- Sanhi ng pagkakaroon ng uban sa batang edad ayon sa isang pag-aaral
- Paano maiiwasan ang stress.
Sanhi ng pagkakaroon ng uban sa batang edad
Image from Flickr by Ermelin
Bata pa pero may uban na? Ayon sa isang pag-aaal, hindi iyan nakapagtataka lalo na kung stress ka! Ito ang natuklasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga researcher mula sa Columbia University Vagelos College of Physicians and Surgeons.
Base sa ginawang pag-aaral, ang pagkakaroon ng uban ng isang tao ay hindi lang basta maiuugnay sa matandang edad. Sa katunayan, kung ibabase sa kanilang natuklasan malaki ang posibilidad na maiwasan ng isang taong nagkaka-edad na ang pagputi ng buhok niya.
Ito ay kung maiiwasan niyang ma-stress at manatiling positive sa buhay at masaya. Natuklasan ito ng pag-aaral matapos i-analyze ang buhok ng 14 na volunteers.
Ang mga naturang volunteers araw-araw sumasagot ng stress diary sa loob ng apat na buwan at ina-assess ang level ng stress na kanilang nararanasan linggo-linggo.
Ang stress level na kanilang nararanasan iniugnay sa pagbabago ng kulay ng kanilang buhok. Ito ay ginawa ng mga researcher sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan ng mga buhok ng mga volunteers at saka ito ina-analyze gamit ang high-resolution scanner.
Nang matapos ang ginawang experiment, ito ang mga natuklasan ng mga researcher na sanhi ng pagkakaroon ng uban sa batang edad.
Mas bumibilis ang pagputi ng buhok kung ikaw ay nakakaranas ng stress.
Bagama’t hindi umano makikita ng ating mata, sa tulong ng high-resolution scanner ay natuklasan ng mga researcher na nagbabago ang kulay ng buhok sa oras na makaranas ng stress ang isang tao.
Paliwanag ni Martin Picard, isa sa mga author ng ginawang pag-aaral, ito ay nangyayari sapagkat nagre-react ang mga cells sa loob ng ating katawan sa stress.
Partikular na ang mitochondria o ang powerhouse ng cell na parang antenna na siyang nag-rerespond sa iba’t ibang signal na nararanasan ng katawan gaya na nga lang stress.
Ito rin ay may napakahalagang papel na ginagampanan sa pagge-generate ng hormones sa ating katawan. Tulad na lang ng stress hormones na nakakaapekto sa health o kalusugan ng papatubo palang nating buhok.
Ang resulta kung mas stress ka, ay mas makukulangan ng nutrients ang iyong buhok. Kaya naman ang dating dark nitong kulay ay maaaring bahagyang mabawasan o tuluyang mamuti na.
Business photo created by katemangostar – www.freepik.com
Maaaring bumalik sa dating dark ang kulay ng iyong buhok kapag naalis na ang stress na iyong nararanasan.
Para sa mga researcher, ito ang pinakamahalagang natuklasan nila sa kanilang ginawang pag-aaral. Natuklasan nila ito matapos makita ang naging pagbabago sa kulay ng 5 hibla ng buhok ng isa sa mga volunteer matapos itong magbakasyon. Ito umano ay bumalik sa dati nitong dark na kulay matapos maalis ang stress na nararanasan at ng siya ay makapag-relax.
“There was one individual who went on vacation, and five hairs on that person’s head reverted back to dark during the vacation, synchronized in time.”
Ito ang pahayag ni Picard na associate professor ng behavioral medicine sa Columbia University Vagelos College of Physicians and Surgeons.
Kaya naman konklusyon nila, ang stress ay may malaking parteng ginagampanan sa pamumuti ng buhok ng isang tao. At ang uban na madalas na palatandaan ng pagtanda ay maaaring maiwasan o mapigilan.
“Understanding the mechanisms that allow ‘old’ gray hairs to return to their ‘young’ pigmented states could yield new clues about the malleability of human aging in general and how it is influenced by stress.
Our data add to a growing body of evidence demonstrating that human aging is not a linear, fixed biological process but may, at least in part, be halted or even temporarily reversed.”
Ito ang pahayag pa ni Picard. Bagamat paglilinaw niya, ang pagkakaroon ng uban dahil sa stress ay hindi basta-basta mangyayari. May intensity o mataas na level ng stress ang dapat maranasan bago magkaroon ng uban.
Dagdag pa niya, ang pagbabalik sa dating kulay ng buhok matapos ma-destress ay hindi rin applicable sa isang 70-year old. Dahil ang pagputi ng buhok ay natural na response lang ng katawan sa pagtanda.
BASAHIN:
#AskDok: Lalago ba ang buhok ni baby kapag kinalbo siya?
STUDY: Pang kulay at pang-straight ng buhok, maaaring magdulot ng cancer
6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa
Paano maiiwasan o maalis ang stress?
Music photo created by pressfoto – www.freepik.com
Samantala, para maiwasan na magkaroon ng uban sa batang edad ay narito ang ilang bagay na maaring gawin para maiwasan o maalis ang stress na nararanasan.
- Gawing healthy ang katawan sa pamamagitan ng pagkain ng prutas at gulay.
- Mag-exercise dahil nakakatulong ito na mabawasan ang stress hormones sa katawan. Nakakatulong din ito sa pagre-release ng endorphins na nag-iimprove ng mood at umaaktong natural painkiller ng katawan.
- Pagtulog ng maayos na nagbibigay pagkakataon sa katawan na makapahinga.
- Pag-inom ng supplements para mas manatiling malusog ang katawan.
- Ang paggamit ng essential oils ay sinasabing nakakatulong para maibsan ang feeling ng stress o anxiety na nararanasan.
- Iwasan ang pag-inom ng kape. Dahil ang caffeine umano na dulot nito ay nakakadagdag ng feeling ng anxiety o pagkabahala.
- Isulat sa journal ang stress na nararanasan upang maging aware dito at mabigyan ito ng karapatang solusyon.
- Mag-spend ng time kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya. Ito ay para maliwaliw ang iyong utak at maiwasang mag-isip ng problema.
- Tumawa dahil sa nakakatulong ito na ma-relax ang muscles sa katawan at iimprove ang iyong mood.
- Maging organize sa mga bagay na dapat mong gawin para maiwasan ang cramming na isa sa pangunahing dahilan ng stress.
- Mag-yoga. Isa ito sa effective na paraan ng pag-exercise at pampawala ng stress.
- Makinig sa nakakarelax na music para ma-relax rin ang iyong isipan.
- Magsagawa ng breathing exercises. Nakakatulong ito para pakalmahin ang mga muscles mo sa katawan.
Source:
Science Daily, The Asianparent PH, Medical News Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!