Bakit naduduwal ang baby? Ano ang kaibahan ng infant reflux sa acid reflux? Ito ba ang dahilan kung bakit naduduwal ang baby? Alamin kung ano ang mga sintomas ng acid reflux sa baby, at kung ano ang dapat iwasan para hindi ito mangyari.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Bakit naduduwal ang baby? Sintomas ng acid reflux sa sanggol.
- Sanhi ng acid reflux ng baby.
- Sintomas ng GERD sa baby.
- Sanhi ng GERD.
Talaan ng Nilalaman
Bakit naduduwal ang baby? Sintomas ng acid reflux sa sanggol
Bakit naduduwal ang baby? Normal lamang na magkaroon ng infant reflux ang mga sanggol. Ito ay nangyayari kapag natutulak pataas ang pagkain mula sa tiyan papuntang esophagus, kaya nailalabas ito ng baby. Tinatawag din itong gastroesophageal reflux o GER.
Ngunit hindi dapat ipag-alala kung nangyayari ito sa iyong anak, dahil nawawala rin ito habang lumalaki si baby. Madalang na magkaroon ng infant reflux ang mga sanggol sa ika-18 buwan pataas.
Kahit madalas magka-reflux si baby, basta’t siya ay malusog at maganang kumain, hindi ito dapat ipag-alala. Madalang na magkaroon ng labis na acid sa tiyan ng sanggol upang mairita ang tiyan at lalamunan nito at magdulot ng mas malalang sintomas.
Magpatingin sa doktor kung ang iyong baby ay:
- hindi nadaragadagan ang timbang
- palagiang sinusuka ang laman ng tiyan
- dumuduwal ng kulay berde o dilaw na liquid
- dumuduwal ng dugo o parang namuong dugo
- hindi makakain
- may dugo sa kanyang dumi
- nahihirapan sa paghinga at di gumagaling ang ubo
- biglang naduduwal sa edad na anim na buwan pataas
- bigla na lamang madalas iritable matapos kumain
Ang mga ito ay maaaring sintomas ng acid reflux sa baby, ang dahilan kung bakit naduduwal ang baby. Ito ay mas malalang kundisyon kaysa sa infant reflux. Maaari ring may nakabara sa digestive tract ng iyong anak.
Sanhi ng reflux sa baby
Ang lower esophageal sphincter (LES)—ang muscle sa pagitan ng tiyan at esophagus—ng mga sanggol ay hindi pa tuluyang nadedevelop, at isa ito sa dahilan kaya natutulak paitaas ang laman ng tiyan. Kalaunan, bubukas lamang ang LES tuwing lumulunok si baby, at mananatiling nakasara sa ibang pagkakataon.
Ang iba pang dahilan kaya nagkakaroon ng infant reflux ang mga sanggol ay hindi maiiwasan gaya ng paghiga sa mahabang panahon, ang kinakain ay halos liquid lamang, at kung sila ay isinilang na premature.
Bagamat kadalasan ay normal lamang ang infant reflux, minsan ay may mas malala itong dahilan, tulad ng:
- GERD – gastroesophageal reflux disease (GERD) ang reflux ay may sapat na acid upang mairita at masira ang lining ng tiyan at esophagus ng bata.
- Pyloric stenosis – kung ang valve sa pagitan ng tiyan at small intestine ay naging makipot, kaya hindi makapunta ang laman ng tiyan sa small intestine.
- Food intolerance – hindi tinatanggap ng katawan ang isa o maraming uri ng pagkain. Ang protein na nasa gatas ng baka ang madalas na trigger nito.
- Eosinophilic esophagitis – may build up ng eosinophil, isang uri ng white blood cell, at sinisira ang lining ng esophagus.
Kusang nawawala ang infant reflux, maliban na lang kung may mas malala itong sanhi, gaya ng acid reflux. May ilang pag-aaral na nagsasabing ang mga sanggol na madalas naduduwal ay mas mataas ang tsansiyang magkaroon ng GERD paglaki.
Paano maiiwasan ang acid reflux sa baby?
Upang hindi na mag-alala sa infant reflux o bakit naduduwal ang baby, at para hindi na mauwi sa sintomas ng acid reflux sa baby, subukan ang mga ito:
- Gawing mas madalas ngunit mas onti ang pagpapadede o pagpapakain sa sanggol.
- Magkaroon ng break tuwing nagpapadede o nagpapakain upang padighayin si baby.
- Buhatin si baby papatayo ng 20 hanggang 30 minuto pagkatapos niyang kumain.
- kung nagpapasuso, umiwas sa dairy products, baka, at itlog, upang makita kung may allerfy si baby
- Magpalit ng formula na pinapadede kay baby.
- Gumamit ng ibang nipple sa baby bottles. Kung masyadong malaki o maliit ang nipple, nakakalunok ang sanggol ng hangin.
- Patulugin si baby nang nakahiga.
- Sumubok ng solid food nang may approval ng inyong doktor
Para naman sa mga older kid:
- I-angat o i-elevate ang ulunang bahagi ng higaan ng iyong anak
- Hayaang nakaupo ang bata nang dalawang oras matapos kumain
- Bigyan ito nang tig-kakaunting pagkain sa buong araw imbes na bigyan ito ng tatlong large meals.
- Tiyaking hindi labis-labis ang kinakain ng iyong anak.
- Limitahan ang pagkain at inumin na nagpapalala ng reflux ng bata tulad ng pagkaing matataba, prito o maanghang na pagkain, inuming may carbonation at caffeine tulad ng soft drinks.
- Hikayatin ang bata na mag-ehersisyo nang madalas
Sintomas ng GERD sa baby
Karaniwang nawawala rin ng kusa ang acid reflux ng sanggol sa pagitan ng 12 buwan hanggang 18 buwan. Kapag nagpatuloy ito at lumampas sa 24 buwan, maaaring senyales na ito ng gastroesophageal reflux disease o GERD. Malalang kondisyon ito ng acid reflux sa baby.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pangkaraniwang sintomas ng GERD sa baby:
- Pagdura at pagsusuka
- Ayaw kumain o hirap sa pagkain at paglunok
- Pagkairita tuwing kumakain
- Sinisinok
- Hindi nadadagdagan ang timbang ng baby
- Madalas na pag-ubo o pabalik-balik na pneumonia
- Nabibilaukan
- Pagsakit ng dibdib o heartburn
- Hirap sa pagtulog
Mahalagang kumonsulta sa inyong doktor kapag napuna ang mga sintomas na ito sa inyong anak.
Sanhi ng gerd sa baby
Karaniwang sanhi ng poorly coordinated gastrointestinal tract ang reflux sa sanggol. Maraming sanggol na may GERD ang malulusog naman, subalit mayroong ilang may problemang pangkalusugan na nakaaapekto sa nerves, utak, at muscles. Ayon sa WebMD, maaaring sanhi ng immature digestive system ng sanggol ang pagkakaroon ng reflux. Ngunit maaari rin itong mawala nang kusa kapag sila ay tumuntong na sa edad na isang taon. Kung nagtatanong kayo kung bakit naduduwal ang baby, maaaring ito ay dahil sa hindi pa ganap na pag-develop ng kanilang digestive system.
Samantala, ang sanhi ng GERD sa mga older kid ay katulad din nang sa mga nakatatandang dumaranas ng GERD. Ano mang nagdudulot ng pagtaas ng pressure sa ilalim ng lower esophageal sphincter o LES ay maaaring maging sanhi ng GERD. Kung nais mong malaman bakit naduduwal ang baby, maaaring kailangan mong suriin ang iba pang posibleng sanhi na maaaring magpataas ng pressure sa tiyan ng iyong anak.
Ilan pa sa mga factor na maaaring maging sanhi ng GERD ay ang:
- Obesity
- Labis na pagkain
- Pagkain ng maaanghang
- Pritong pagkain
- Pag-inom ng kape o ano mang inumin na may caffeine
- Specific medications
Gamot sa GERD sa baby
-
Barium swallow o upper GI series.
-
pH probe.
-
Upper GI endoscopy.
-
Gastric emptying study.
- Antacids tulad ng Mylanta at Maalox
- Histamine-2 blockers tulad ng cimetidine o famotidine
- Proton-pump inhibitors tulad ng esomeprazole, lansoprazole, omeprazole, omeprazole-sodium bicarbonate, pantoprazole, at rabeprazole.
Surgery sa GERD ng baby
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.