TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Expert says ito ang tamang edad kung kailan dapat gawan ng social media accounts ang iyong anak

3 min read
Expert says ito ang tamang edad kung kailan dapat gawan ng social media accounts ang iyong anak

Alamin dito kung ano ang edad na dapat gawan ng social media account ang iyong anak at ang paliwanag kung bakit.

Social media safety paano ba maituturo sa iyong anak? Tamang edad ng pagkakaroon ng social media account ng isang bata ibinahagi ng isang eksperto pati na ang dahilan kung bakit.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ano ang tamang edad na magkaroon ng social media account ang iyong anak.
  • Social media safety ng iyong anak.

Ano ang tamang edad na magkaroon ng social media account ang iyong anak

social media safety sa mga bata

Larawan mula sa Shutterstock

Nakaka-excite at proud talagang magbahagi ng mga milestones ng ating mga anak. Marami nga sa ating mga proud parents, ang ibinabahagi ang milestones na ito sa social media. Sa katunayan ang iba pa nga sa atin ay nagawan na ng sariling social media profile ang anak. At ginagamit pa nga itong means para ma-kontak sila o kaya naman ma-pacify para mapigilan minsan ang kanilang pagwawala.

Pero ayon sa isang clinical psychologist na si Dr. Mitch Prinstein, may recommended age ang siyensya kung kailan dapat i-introduce sa mundo ng social media ang mga bata. Ito ay hindi lang para sa online safety nila. Kung hindi para narin maproktesyonan ang kanilang kalusugan at development.

Ayon kay Dr. Prinstein, ang mga batang edad 13-anyos ay hindi daw dapat gumagamit ng social media. Mas mabuti nga daw kung mas maidedelay pa ang paggamit ng mga bata ng social media hanggang sila ay mag-16 anyos na.

Epekto ng social media sa isang bata

epekto ng social media sa bata

Larawan mula sa Shutterstock

Paliwanag ni Prinstein, ay hindi lang dahil sa online safety ng mga bata. Ito ay dahil sa bata nilang edad ang paggamit ng social media ay maaring makasama sa kalusugan nila. Isang magandang halimbawa ay ang epekto nito sa kanilang pagtulog. Hindi tulad ng mga adults, hindi pa kayang i-handle ng maliit at mahina pang katawan ng isang bata ang masamang epekto ng sleep deprivation. Lalo pa’t ayon sa mga pag-aaral, ay lubhang engaging ang social media na maaring makapagpuyat ng sobra sa isang tao.

Dagdag pa ng isang pag-aaral, nasa 50% ng mga bata at teens ang nakitaang may clinical dependency sa social media. Nangangahulugan ito na gustuhin man nilang tumigil na sa paggamit ay nahihirapan sila. Sapagkat hinahanap-hanap na ito ng kanilang utak at katawan. Ang parehong paliwanag na ito ang sinasabing may malaking impluwensiya rin sa kanilang development. Dahil naiisip ng isang bata na ang nakikita niya sa social media ay tama kaya ito ang kaniyang ginagaya.

Paano maiiwasan ang mga masamang epekto na ito? Kailangan niya ng iyong proteksyon at paggabay.

Social media safety ng iyong anak

social media safety sa mga bata

Larawan mula sa Shutterstock

Narito ang ilang hakbang para masiguro ang social media safety ng iyong anak.

  • I-monitor ang paggamit ng social media ng iyong anak. Bigyan siya ng oras lang kung kailan siya maaring gumamit ng cellphone o gadget, ganoon rin ng kaniyang social media account.
  • I-set sa private ang profile ng iyong anak para hindi ito basta-basta ma-access ng mga hindi ninyo kakilala.
  • Paalalahanan rin ang anak na huwag basta-basta makipagusap sa hindi nila kakilala online. Para maiwasan ito ay hindi sila dapat mag-add din sa social media ng mga taong hindi nila kilala.
  • Mas maigi rin na maglagay ng parenting control app sa gadget o cellphone ng iyong anak para ma-block ang mga contents na hindi kaaya-aya para sa mga bata.
  • Ipaliwanag rin sa anak na hindi lahat ng nakikita niya sa social media ay hindi totoo at hindi niya dapat ginagaya.

 

CNBC, Kids Health

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Expert says ito ang tamang edad kung kailan dapat gawan ng social media accounts ang iyong anak
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko