TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Subchorionic Hemorrhage: Delikado ba sa buntis?

3 min read
Subchorionic Hemorrhage: Delikado ba sa buntis?

Ayon sa pag-aaral, hindi lahat ng pagdurugo o Subchorionic Hemorrhage sa buntis ay delikado. Ngunit kadalasan ito ay sintomas ng seryosong kondisyon!

Nakaranas na ba kayo ng pagdudugo habang nagbubuntis? Ano ang ginawa mo? Para sa mga preggy, mahalagang malaman ang Subchorionic Hemorrhage!

Subchorionic-Hemorrhage

Image from Dreamstime

Ano ang Subchorionic Hemorrhage?

Ang Subchorionic Hemorrhage o Subchorionic Bleeding ay nangyayari kapag nag-iipon ang dugo sa matres ng isang nanay habang siya ay nagbubuntis. Nangyayari ang pagdurugo kapag ang placenta sa iyong matres ay nag-iba ng posisyon. Ang subchorionic hemorrhage o hematoma na ito ay nagbabago ng laki. Ito ay karaniwang maliit lang, ngunit kapag lumaki, ito ay magreresulta ng matinding pagdurugo. 

Ayon sa pag-aaral, 1.7% ng 64,000 na mga buntis ay nakararanas ng pagdurugo o subchorionic hemorrhage. Sa isang pag-aaral ng March of Dimes, halos lahat ng buntis ay nakakaranas ng pagdurugo habang sila ay nagbubuntis.

Mga sanhi ng Subchorionic Hemorrhage

Kadalasang nangyayari ang spotting o pagdurugo sa mga buntis. Ngunit mahalagang malaman ang mga sanhi nito. Narito ang mga sumusunod:

  • Pakikipagtalik habang nagbubuntis
  • Pagbabago ng hormones
  • Pagbabago ng iyong cervix
  • Impeksyon
  • Implantation
  • Vaginal exams

Kapag malakas naman ang iyong pagdurugo. Ito ang mga seryosong dahilan:

  • Miscarriage o pagkakunan.
  • Molar Pregnancy. Bihira ang ganitong pagbubuntis. Ngunit, ito ay nangyayari kapag namuo ang mga tissue sa iyong matres imbes na fetus.
  • Ectopic Pregnancy. Kapag ang fertilized egg ng isang babae ay nagsimulang lumaki sa labas ng kanyang matres. Ang ganitong sitwasyon ay sobrang delikado.

Mga sintomas ng Subchorionic Hemorrhage

Bukod sa pagdurugo, isang senyales pa ng bleeding ay ang pananakit ng pelvic at pamumulikat. Ngunit ang ibang mga buntis ay hindi nakararanas ng mga sintomas. Malalaman lang nila ito kapag sumailalim na sa ultrasound.

Ano ang gagawin kapag nagkaroon nito

Kapag nakaramdam ka ng mga sintomas nito at tuluyan ka nang dinugo, tumawag ng aalalay sa’yo at marapat lang na gawin ang mga sumusunod:

  • Tignan kung gaano kalakas ang pagdurugo at kung ilan ang magagamit mong pad.
  • Tandaan kung anong kulay ng dugo ang lumalabas sa’yo.
  • ‘Wag gumamit ng tampon, douche cleaner at makipagtalik habang dinudugo.

Mabuting magpadala na sa ospital kung nakararanas ng mga ito:

  • Pananakit ng tiyan o pulikat habang dinudugo
  • Pagkahilo
  • Labis na pagdurugo

Delikado ba ang pagdurugo sa buntis?

Ang ganitong kaso ay hindi naman lahat ay delikado ngunit ito ay isang sign ng miscarriage (pagkakunan), premature birth o iba pang seryosong komplikasyon sa pagbubuntis.

Mga lunas sa Subchorionic Hemorrhage

Ang lunas sa Subchorionic Hemorrhage ay nakabase sa pagdurugo ng isang babae. Ngunit kadalasan, pahinga ang advisable na gawin. Kakailanganin mo rin na uminom ng gamot laban sa Rh Disease. Ito ay kapag ang iyong dugo at ng baby mo ay hindi compatible. Delikado ang ganitong klaseng sakit dahil maaaring mamatay ang isang baby.

Subchorionic-Hemorrhage

Paano makakaiwas sa Subchorionic Hemorrhage

Kung ikaw ay na-diagnosed na, maaaring sundin ang ilan:

Subchorionic-Hemorrhage

Image from Dreamstime

  • Magpahinga at umiwas muna sa mga stress (bed rest).
  • Iwasan ang pakikipagtalik habang nagbubuntis.
  • ‘Wag magpakapagod sa pag-eehersisyo.
  • Iwasan ang pagtayo ng mahabang oras.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Source: March of Dimes

BASAHIN: Senyales ng miscarriage ng walang pagdurugo , #AskDok: Naipit ang tiyan ko, may masama bang mangyayari kay baby?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Subchorionic Hemorrhage: Delikado ba sa buntis?
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko