Third trimester pregnancy guide: Lahat ng dapat mong malaman
First, scond, third trimester! Moms, nasa huling phase ka na ng iyong pagbubuntis. Ano nga ba dapat ang kailangang mong paghandaan? | Lead image from Unsplash
Para sa ating mga moms na nasa third trimester, ano nga ba ang mga dapat paghandaan bago manganak? Kaunting panahon na lamang ay maaari mo nang ipakilala ang iyong little angel sa buong mundo!
Pregnancy Guide: Mga dapat mong malaman sa iyong third trimester
Habang papalapit na ang araw ng iyong panganganak, pabigat na rin nang pabigat ang iyong mga kailangang gawin o tandaan. Narito ang third trimester guide na makakatulong sa iyong journey.
Week 29 pregnancy guide
Pagsapit ng iyong week 29, ang iyong anak ay kasing laki na ng acorn squash. Siya ay may timbang na 1.15 kg at may habang 38.6.
Sa week na ito, patuloy pa rin ang pagde-develop ng muscles at lungs ng iyong anak. Mas dumadami na rin ang kaniyang dugo. Patuloy lang na kantahan o kausapin si baby dahil sa puntong ito, tumatalas na ang kaniyang pandinig. Mapapansin mo na rin ang development sa hugis ng kaniyang reproductive organ.
Siguraduhin din na mayroon kang sapat na nakukuhang iron mula sa iyong prenatal vitamins at masustansyang pagkain. ‘Wag kakalimutan ang matulog sa iyong side para sa healthy pregnancy.
Week 31 pregnancy guide
Pagdating ng week 31 ng iyong pregnancy, ang mga kamay, binti at katawan ng iyong anak ay nakaproporsyon na sa ulo nito. Maganda na ang development ng organs katulad ng bladder ni baby. Mahalaga pa rin ang kausapin o laging basahan ng libro ang iyong anak sa loob ng tiyan dahil nakakaramdam na ito. Natuto na rin siyang lumunok, huminga o kaya naman igalaw ang kaniyang mga kamay at paa.
Moms, ‘wag kakalimutan ang maglakad-lakad para magkaroon ng ehersisyo na healthy din sa iyong pregnancy. Simulan na ring ihanda ang iyong hospital bag.
Week 32 pregnancy guide
Malamang ay nararamdaman mo na ng madalas ang iyong baby sa tiyan. Ito ay dahil aktibo na siya at marunong nang lumunok, sumipa, at huminga. Buo na ang digestive system at handang-handa na sa paglabas.
Makakatulong ang madalas na pag-e-ehersisyo na safe sa buntis katulad ng yoga o paglalakad. ‘Wag kakalimutan na uminom ng madaming tubig, moms!
Week 34 pregnancy guide
Sa paglaki ng iyong baby sa tiyan, tumutubo na rin ang mga kuko nito sa kamay at paa. Kasama na sa pag-develop ang excessive fat layers ni baby para mapanatiling mainit ang katawan nito. Habang nervous system ay makukumpleto na.
Pero teka mga moms, ‘wag nang gawin ang mga gawaing bahay dahil makakaramdam ka ng matinding pagkapagod sa linggo na ito. Lalakas ang iyong vaginal discharge dahil sa mabilis na pagbabago ng iyong hormones.
Advisable ang light exercises at magpahinga hangga’t maaari.
Week 35 pregnancy guide
Mararamdaman mo na ang mabigat na tiyan dahil sa patuloy na paglaki ng iyong baby. Magiging hobby niyo na rin ni mister ang magbilang ng sipa o galaw ni baby. Gawin itong hobby bilang bonding time at makakatulong na rin para sa pag-monitor ng kicks ng iyong anak. Fully developed na ang kidney at liver ni baby mabilis na ring mag-develop ang brainpower nito.
‘Wag kakalimutan ang ehersisyo katulad ng Kegel Exercise. Isa itong paraan para mapatibay ang iyong pelvic muscles.
Week 36 pregnancy guide
Madalas mo nang mararamdaman ang pananakit ng iyong likod dahil sa pagbigat ni baby. Mahihirapan ka nang maubos ang isang regular-sized meal dahil sa bigat ni baby sa tiyan. ‘Wag kakalimutan ang pag-inom lagi ng tubig dahil maaaring makaranas ng constipation sa linggo na ito.
Be aware moms! Sa week 36 ay mararanasan mo na ang Braxton Hicks contractions.
Week 37 pregnancy guide
Nakahanda na ba ang iyong hospital bag? Kung hindi ay maaari mo na itong galawin at lagyan ng mga gagamitin mong damit kapag ikaw ay manganganak. Sa week 37, ang iyong baby ay fully develop na.
Mahihirapan nang makatulog sa gabi dahil sa madalas na pag-ihi. Aasahan pa rin ang vaginal discharge na malakas. Kung makakakita ng hibla ng dugo dito, isa itong palatandaan na malapit ka nang manganak. Kung sakaling lumakas naman ito, ‘wag mag atubiling pumunta sa doktor.
Week 38 pregnancy guide
Karamihan sa internal organs ng iyong baby ay fully developed na ngunit ang kaniyang kungs ay hindi pa ganoon ka-mature. Kaya naman kahit ipanganak ito, kailangan mo pang mag-intay ng ilang araw para maging normal ang kaniyang pag-hinga.
Maaaring may tumutulo nang yellow fluid sa iyong suso ‘wag matakot dahil ito ay colostrum o mahalagang ingredient ng iyong breastmilk.
Week 39 pregnancy guide
Nabubuksan na ng marahan ng iyong baby ang mga mata nito habang ang kaniyang utak ay ay nagde-develop pa rin. Kasama pa sa development ni baby sa linggong ito ay ang kulay ng kaniyang balat.
Madalas nang mararanasan ang false labor ngayon o tinatawag nating Braxton Hicks. Moms, iwasan na ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay at pag gawa ng household chores.
Week 40 pregnancy guide
Sa linggo na ito ay hindi pa rin magiging komportable ang iyong pakiramdam lalo na sa iyong bandang balakang. Habang makakaramdam ka na rin ng pasumpong-sumpong na sakit sa iyong tiyan, vaginal area at sa paligid ng iyong binti.
Kumpleto na ba ang mga gamit mo?
Narito ang listahan ng mga dapat dalhin pag manganganak nangayong may COVID-19 pandemic. Upang masigurado ang kaligtasan mo at ni baby mula sa kumakalat na sakit.
Siguruhin na covered ka sa lahat ng newborn essentials! Narito ang check list para sa mga gamit ni baby na kakailanganin niya sa kaniyang mga unang buwan: newborn checklist.
Para sa iba pang mga karagdagang kaalaman tungkol sa pagbubuntis at pagpapalaki ng anak, mag-download ng theAsianparent app! Libre at available ito sa App Store at Play Store.
BASAHIN:
Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan bago mag-pregnancy test