Para sa mga ina, bahagi na ng kanilang motherly instinct ang pag-aalaga sa kanilang baby. Ngunit nakakapagtaka pa rin na lahat ng ina ay tumatayo kapag pinapatulog o pinapatahan nila si baby! Bakit nga ba ito ang ginagawa? Ating alamin ang sagot pati na rin ang ibang tips sa pagpapatulog ng baby!
Tips sa pagpapatulog ng baby para sa mga ina!
Ayon sa isang pag-aaral, mas madaling patulugin at patahanin ang isang umiiyak na sanggol kapag nakatayo. Kapag daw nakaupo ang isang ina, hindi gaanong epektibo ang pagpapatahan kay baby.
Napag-alaman ng mga researcher na ang ganitong paraan ng pagpapatulog sa mga sanggol ay bahagi ng motherly instinct ng mga ina. Kahit hindi mo ito ituro sa isang ina, automatic na kapag umiiyak si baby, bubuhatin sila ng ina, at papatahanin habang nakatayo.
Nakakatuwa lang isipin na naka “program” na ang ganitong ugali sa lahat ng mga ina. Likas na talaga sa mga ina ang pagiging mapag-aruga, mapag-alaga, at ang pagkakaroon ng koneksyon sa kanilang anak.
Ano ang dapat gawin kapag ayaw matulog ni baby?
Minsan, talagang mahirap patulugin si baby. Napakaraming dahilan kung bakit ito nangyayari, at hindi agad madaling malaman kung paano papatulugin at papatahanin si baby.
Kaya’t heto ang ilang tips sa pagpapatulog ng baby na makakatulong para mabawasan ang pagkapuyat at pagod ng mga ina!
- Normal lang sa mga bagong panganak na sanggol na paputol-putol ang tulog. Kaya minsan, mapupuyat ka talaga sa pagpapatulog at pag-aalaga sa iyong anak.
- Pagdating ng ika-3 at ika-4 na buwan, masasanay na sa kaniyang sleep schedule si baby. Mapapadali na ang pagpapatulog, kaya kailangan na regular ang kaniyang sleeping schedule para mas mabilis siyang masanay.
- Kailangan bigyan mo ng bedtime routine si baby. Kung nakakatulog siya kapag pinapainom ng gatas at hinehele, kailangan yun palagi ang iyong gawin para masanay ang katawan ni baby sa ganoong paraan ng pagpapatulog.
- Matagal ang proseso na ito, pero epektibo, at siguradong mas mapapadali ang pagpapatulog kay baby.
- Mahalaga na magpursigi lang, at palaging sundin ang sleep schedule pati ang inyong bedtime routine.
- Iwasang sigawan si baby, o kaya alugin ng malakas habang pinapahele. Minsan talagang nahihirapan lang makatulog ang mga sanggol, kaya hayaan lang ito.
Source: Motherly
Basahin: Paano makatulog ng mahimbing si baby gamit lamang ang tuwalya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!