Paano maiiwasan ang UTI habang buntis?

Paano maiiwasan ang UTI habang buntis?

Narito ang lahat ng mahalagang kaalaman tungkol sa sintomas, paglunas at pagiwas sa Urinary tract infection (UTI) habang nagbubuntis

Karaniwan ito sa mga babae, pero delikado pala ang magkaroon ng UTI habang buntis. Alamin rito kung bakit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit madalas nagkakaroon ng UTI habang buntis
  • Sintomas ng UTI sa mga buntis
  • Paano maiiwasan ang UTI habang buntis

Ang mga urinary tract infections o UTI ay madalas nangyayari sa babae, kahit na habang nagbubuntis ito. Nasa 2 hanggang 10% ng nagdadalantao ang makakaranas ng UTI habang buntis. Ang mga nagkaroon na ng impeksiyong ito noon ay mas posibleng magkaroon nito muli.

Ang UTI habang buntis ay nangyayari kapag may mga bacteria na nakakapasok sa urethra o urinary tract.

Ayon kay Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, mas mataas talaga ang posibilidad ng mga babae na magkaroon ng UTI dahil sa maikli ang ating urinary tract, kayamas madaling makapasok ang impeksiyon rito.

“Basically, women, we are prone to develop UTI because of the anatomic location of the urethra to the vagina and also the rectum,” aniya. 

Dagdag ni Dr. Lapitan, lalong lumalaki ang posibilidad ng UTI kapag buntis. “It is also aggravated by the pregnancy, with the pregnancy hormones.”

Habang lumalaki ang sanggol sa sinapupunan, dumidiin ito sa bladder at urinary tract. Dahil dito, maaaring ma-trap ang bacteria o umapaw ang ihi.

Isa pang naidudulot ng mga pagbabago sa ihi kapag buntis ay ang pagdami ng hormones at sugar, na nakakapagpatindi ng bacterial growth. Pinapahina rin nito ang kakayahan ng katawan upang labanan ang bacteria.

Ano ang mga sintomas ng UTI habang buntis?

uti habang buntis

Maaaring babae ang dumaranas ng UTI habang buntis, pero hindi ito dapat ipag-walang bahala. | image courtesy: shutterstock

Kung ikaw ay nagdadalantao at naranasan mo ang isa o lahat sa mga sintomas na ito, kumunsulta na sa doktor:

  • mahapdi or masakit na pag-ihi
  • pananakit ng puson
  • pananakit ng ibabang bahagi ng likod
  • malabong ihi
  • dugo sa ihi
  • sakit sa balakang o sa bandang puwerta
  • madalas na pag-ihi o pakiramdam mong naiihi kahit wala namang lumalabas
  • lagnat
  • pagkahilo o pagsusuka

Paano Maiiwasan ang UTI Habang Buntis?

Kahit na madali namang maibsan ang UTI, impeksiyon pa rin ito. Ang anumang impeksiyon habang nagbubuntis ay kailangan pagtuunan ng pansin dahil maaaring makasama ito sa ina at sanggol sa sinapupunan, tulad ng premature labor. “It could cause ascending infection and preterm labor,” ani Dr. Lapitan.

Kaya’t importante na ipagbigay alam sa iyong doktor na mayroon kang UTI habang buntis, upang maagapan ito.

Ayon rin sa doktora, sa mga unang checkup ng mga buntis, kadalasang pinapasuri na ng doctor ang ihi ng pasyente para malaman kung mayroon itong infection. “Sometimes, during the first checkup, we request for a urinalysis just to see if there is bacteria in the urine, even if the patient is asymptomatic.” aniya.

BASAHIN:

11 halamang gamot sa UTI at iba pang home remedies na pwede mong subukan

Pananakit ng puson habang buntis: Mga dapat mong malaman

Ihi ng ihi ang buntis, ano nga ba ang dahilan nito?

Kapag nalaman na mayroong UTI ang buntis, reresetahan agad siya ng doktor ng antibiotics para labanan at mawala na agad ang impeksyon.

Narito pa ang ilang paraan upang maiwasan ang UTI habang buntis. 

  • umihi nang madalas, lalo na’t bago at pagkatapos makipagtalik
  • iwasang magsuot ng mahigpit na underwear lalo na kung hindi ito gawa sa cotton
  • huwag na magsuot ng underwear or magsuot ng maluwag na underwear kapag gabi na
  • iwasang gumamit ng douche o vaginal spray
  • uminom ng maraming tubig
  • huwag gumamit ng soap o feminine wash na matapang ang amoy

Alam ng marami sa atin na ang pag-inom ng cranberry juice ay makakatulong sa pag-iwas at pag-lunas sa kondisyong ito. Pero may mga research na nagsasabi hindi ito totoo.

Kaya’t kung nangangamba kang may UTI ka, huwag magatubiling tumawag na sa iyong doktor upang mabigyan ka ng pinaka-mainam na treatment.

Mas mabuti nang maagapan at malaman kung paano iwasan ito upang magkaroon ka ng mas lalong healthy at masayang pagbubuntis.

Source:

Healthline, WebMD

Isinalin sa orihinal na Ingles na article ni Bianchi Mendoza.

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!