#AskDok: Anu-anong vitamins ang dapat inumin ng buntis?
Narito ang mga vitamins na dapat iniinom ng isang buntis.
Vitamin E for pregnant woman, mahalaga nga ba? Bakit nga ba mahalagang uminom ng vitamins para sa buntis kapag nagdadalang-tao? Ano ang nagagawang tulong nito sa baby na dinadala mo?
Mga mommies, alam niyo ba na ang isang buntis ay nangangailangan ng vitamins para sa kanilang sarili at baby? Proteksiyon din ito sa lahat ng mga posibleng kumplikasyon sa pagbubuntis. Dahil maselan ang panahong ito para sa inyo, marapat ang pag-iingat sa inyong kalusugan.
Bagama’t kailangan ng buntis ang vitamins, may iilan na maaaring makasama sa iyong kalusugan. Kailangan din muna ikonsulta sa doktor kung ano-anong vitamins ba ang para sa buntis at bawal sa buntis. Isama na rin dito ang ilang mga pagkain na source ng bitamina at minerals na makakatulong din sa iyong diet.
Vitamins para sa buntis, bakit nga ba mahalagang uminom nito?
Talaan ng Nilalaman
Ano nga ba ang vitamins na para sa buntis?
Ang katawan natin ay nangangailangan ng iba’t ibang nutrisyon para sa ikalulusog natin. Kasama dito ang vitamins, minerals, protina, carbohydrates, fats, at pati na rin ang fiber.
Ang vitamins o bitamina ay mga organikong compounds na ating kailangan, sa kakaunting dami. Ang katawanan natin ay may mga organic compunds na hindi nito kayang i-produce, kaya may vitamins.
Isang halimbawa ng ganitong sitwasyon. Maliban sa vitamin D, na nalilikha ng ating balat kapag tayo ay nasisinigan ng araw, ang iba pang mga bitamina o vitamins ay maaaring manggaling sa ating kinakain.
Samantala, ang mga dietary supplement naman ay mga complementary medicines o nakatutulong sa pagkakaroon ng kumpletong sustansiya sa ating katawan. Pinupunan ng dietary supplements ang deficiency (o gap) sa ating diet.
Ilan sa mga supplements ay ang multivitamins, single minerals, fish oil capsules, at ilang mga herbal medicines.
Bakit mahalaga ang vitamins para sa buntis?
Maliban sa healthy eating, ang isa pang laging ipinapaala ng doktor kapag nagdadalang-tao ay ang uminom ng vitamins para sa buntis. Sapagkat ito ay makakatulong umano sa paglaki ni baby at pagpapanatili ng magandang kalusugan ni Mommy.
Ang mga vitamins para sa buntis o prenatal vitamins kung tawagin sa medikal na paraan ay nagtataglay ng iba’t ibang vitamins at minerals.
Vitamins para sa buntis
Anu-ano nga ba ang mga pinaka-importanteng vitamins na dapat matanggap ng isang buntis?
Ayon kay Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, napaka-importante ng folic acid hindi lang sa mga buntis kundi pati na rin sa mga babaeng may balak nang magbuntis.
“It’s very, very important. Actually, even before pregnancy, one to three months before for those desiring pregnancy, they must take folic acid.”
Mahalaga ito dahil tumutulong ito para makaiwas sa neural tube birth defects si baby. Ito ay maaaring makaapekto sa kaniyang spinal cord at brain development.
Ang neural tube defects ay nagde-develop sa unang 28 araw ng pagbubuntis. Ang mga araw na kung saan karamihan sa mga babae ay hindi pa alam na sila ay buntis na.
Hanggang ilang buwan ang pag-inom ng folic acid ang buntis? Ipinapayo ng mga eksperto na ang mga babaeng may kakayahang magbuntis ay dapat umiinom ng 400 micrograms (mg) ng folic araw-araw bago pa man mabuntis. Ito ay dapat ipinagpapatuloy hanggang sa ika-12 linggo ng pagbubuntis.
Samantala, kung sakali namang na-diagnose na may neural tube birth defect na si baby sa tiyan ay maaaring dagdagan ang dose ng folic acid na iniinom na hanggang 4,000 micrograms. Subalit ito’y dapat muna itong maipakonsulta sa isang doktor.
Isa pang magandang paraan para masigurong maayos ang paglaki at development ni baby sa loob ng tiyan ay ang pagkain ng mga pagkaing nagtataglay ng folic acid gaya ng mga green leafy vegetables, nuts, beans, citrus fruits at marami pang iba.
-
Calcium
Ang calcium ay mahalaga ring vitamins para sa buntis. Tinutulungan nito ang isang buntis na mapanatili ang kaniyang bone density. Lalo pa’t ginagamit ng kaniyang baby ang calcium sa kaniyang katawan para sa bone growth nito.
Ayon kay Dr. Lapitan, mahalaga rin ang calcium para sa buntis para sa bone development ng sanggol.
“I usually give calcium during the 2nd trimester (of pregnancy), for the development of the bones, so it’s also essential.”
Ayon sa doktora, bukod sa mga multivitamin supplements, maaari ring makuha ang calcium mula sa gatas. Pero dahil mas maraming babae ang hindi sanay uminom ng gatas araw-araw, makakatulong talaga ang calcium vitamins para sa buntis.
-
Iodine
Mahalaga rin ang iodine para sa healthy thyroid function ng buntis.
Ang kakulangan ng iodine ng isang babaeng buntis ay maaaring magdulot ng severe mental disability, deafness at stunted physical growth sa isang sanggol. Ito rin ay maaring magdulot ng miscarriage at stillbirth.
-
Iron
Mahalaga rin ang iron para kay mommy at baby dahil ito ay tumutulong sa maayos na pagdaloy ng oxygen sa dugo.
Subalit ayon kay Dr. Lapitan, ang pag-inom ng iron supplements ay maaring isang dahilan para makaranas ng nausea at pagkahilo ang mga buntis.
“In my case, I usually give iron on the second trimester and not on the first trimester, because on the first trimester, iron would aggravate nausea and vomiting.”
Dagdag pa niya, mas mainam na ibigay ang iron sa ikalawang trimester dahil sa panahong ito kadalasan nagkakaroon ng problema sa dugo ang mga buntis.
“At the same time, the physiologic anemia of pregnancy is greater during the second trimester than the first trimester.”
Sa paghahanap ng prenatal vitamins ay dapat siguraduhing taglay nito ang sumusunod:
- 400 micrograms (mcg) ng folic acid
- 400 IU ng vitamin D
- 200 to 300 milligrams (mg) ng calcium
- 7mg ng vitamin C
- 3mg ng thiamine
- 2mg ng riboflavin
- 20 mg ng niacin
- 6 mcg ng vitamin B12
- 10 mg ng vitamin E
- 15 mg ng zinc
- 17 mg ng iron
- 150 micrograms ng iodine
Kung sakaling ang prenatal vitamins na iniinom ay nagdudulot ng pagkahilo, maaaring makipag-usap sa doktor para ito ay mapalitan ng vitamins na hiyang sa’yo.
-
Vitamin D
Ang vitamin D ay nakakatulong sa ating katawan upang mag-absorb ng calcium. Nakakatulong din ito sa pagpapagana sa ating mga ugat, muscles, at immune system. Dagdag pa, ang pagbuo ng matibay na immune system ay nakakatulong naman bilang proteksyon ng ating katawan mula sa iba’t ibang klase ng impeksyon.
Para naman sa buntis, ang vitamins na ito ay para naman sa maayos na buto at ngipin ni baby.
Sa pag-aaral ng mga eksperto, kailangan ng buntis ang 600 IU (internation unites) ng vitamins lalo na ng vitamin D araw-araw.
Maaari mong makuha ang vitamins na ito mula sa iyong mga kinakaing masususistansiya at iniinom na prenatal vitamins (o para sa buntis).
Ang ilan sa mga source ng Vitamin D ay ang mga sumusunod:
- fatty na isda, tulad ng salmon
- gatas at cereal na may nakasaad na meron itong Vitamin D (pwede mo ring i-check ang package label)
Mga vitamins na bawal sa buntis
Habang may mga vitamins na para sa buntis, meron din namang mga vitamins na bawal sa buntis o supplements na hindi dapat masobrahan sa in-take.
Lagi munang kumonsulta sa iyong doktor o healthcare provider bago magdagdag ng mga iniinom na supplements at mga gamot habang nagbubuntis.
Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
-
Vitamin A
Para sa mga preggy mommies, hindi mawawala ang vitamin A sa inyong listahan ng mga kailangang bitamina. Nakakatulong ang vitamin A sa pagkakaroon ng matalas at malinaw na paningin at immune function ni baby. Pero, maaaring ang sobrang vitamin A ay makasama sa iyo.
-
Vitamin E
Ang fat-soluble na bitamin ay may mahalagang tungkulin sa ating katawan. Kaugnay ng fat-soluble na Vitamin E ang pagkakaroon ng gene expression at immune function.
Kahit na napakahalaga ng Vitamin E sa ating katawan, mainam na huwag itong gawing supplement vitamins para sa buntis.
Ang sobrang supplementation ng Vitamin E ay wala pang napapatunayang resulta ng magandang kalusugan ng mommies at babies. Samantala, mas nakitaan ang extra supplementation ng vitamin E ng mga resulta tulad ng pananakit ng tiyan at premature rupture ng amniotic sac.
Vitamin E for pregnant women, mga dapat malaman
Ang kahalagahan ng Vitamin E para sa mga buntis
Ang Vitamin E ay mahalaga para sa mga buntis, dahil malaki ang papel nito sa paglaki ng sanggol at kalusugan ng ina. Bilang isang antioxidant, nakakatulong ito sa pagprotekta ng mga cells laban sa damages at sa pagpapalakas ng immune system. Narito ang mga benepisyo at mga bagay na dapat isaalang-alang ng buntis tungkol sa Vitamin E:
Mga Benepisyo ng Vitamin E para sa mga Buntis
- Nagpapalakas ng Immune Health: Pinapalakas ng Vitamin E ang immune system, na makakatulong lalo na sa mga buntis na maaaring mas madaling kapitan ng sakit.
- Nakakabawas ng Oxidative Stress: Nakakatulong itong bawasan ang oxidative stress, na pumoprotekta sa mga cells ng ina at ng sanggol laban sa pinsala mula sa mga free radicals.
- Tumutulong sa Pag-unlad ng Sanggol: Ang sapat na Vitamin E ay mahalaga para sa pag-unlad ng sanggol, lalo na sa baga, utak, at mga mata.
- Pinipigilan ang Komplikasyon ng Pagbubuntis: May ilang ebidensya na nagsasabing ang Vitamin E, kapag isinama sa ibang antioxidants, ay maaaring makatulong sa pagpigil ng mga komplikasyon tulad ng preeclampsia.
Rekomendadong Dosage
Ang inirerekomendang pang-araw-araw na pag-inom ng Vitamin E para sa mga buntis ay 15 mg (22.5 IU). Kadalasan ay nakakamit ito sa pamamagitan ng balanseng pagkain.
Mga Pinagmumulan ng Vitamin E
Narito ang mga likas na pinagkukunan ng Vitamin E:
- Mga mani o seeds: Almonds, sunflower seeds, at hazelnuts.
- Mga langis ng gulay: Sunflower oil, safflower oil, at wheat germ oil.
- Mga dahon ng gulay: Spinach, broccoli, at kale.
Mahalagang paalala
Bagaman ligtas ang katamtamang pag-inom ng Vitamin E, hindi inirerekomenda ang sobrang intake nito ng mga buntis. Dahil ang labis na Vitamin E ay maaaring magdulot ng problema sa pagdurugo o iba pang komplikasyon.
Bilang laging paalala, ang mga buntis ay dapat kumonsulta sa kanilang doktor bago magsimulang uminom ng anumang bagong supplements. Ito ay upang masigurong ito ay ligtas at naaayon sa kanilang pangangailangan.
Mga bawal na pagkain sa buntis na maaaring maging dahilan ng miscarriage
Mag-ingat pagkain ng mga ito, moms! Maging maaalam para maging ligtas ang pagbubuntis mo. Kung maaari, itanong sa iyong doktor kung ano ang kailangan mong kainin habang ikaw ay nagbubuntis.
Narito ang mga dapat iwasan na pagkain habang ikaw ay buntis:
1. Raw food
Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka.
Ang pagkain din ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby. Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.
Banta rin ito sa kalusugan ni baby. Matatagpuan sa hilaw na karne at isda ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Toxoplasma, E. coli, Listeria, at Salmonella.
2. Alak
Kung maaari, itigil muna ang pag-inom ng alak sa mga buntis.
Ayon sa pag-aaral, nakakapagpataas ito ng risk ng miscarriage at stillbirth kahit na kaunti lang ang iniinom mo. Bukod dito, ang pag-inom ng alak ng mga buntis ay dahilan ng facial deformity ng mga sanggol sa kanilang tiyan. Ito rin ay magkakaroon ng problema sa puso at may epekto sa intelektuwal na kakayahan ng bata.
3. Unpasteurized na dairy products
Healthy ang cheese, gatas at iba pang fruit juice sa ating katawan. Ngunit alam nating sensitibo ang katawan ng mga buntis at kailangang maging maingat sa mga kinakain nila dahil may pinapakain din silang sanggol sa sinapupunan.
Hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang unpasteurized food katulad ng gatas, keso at mga fruit juice. Matatagpuan kasi rito ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Listeria, Salmonella, E. coli, and Campylobacte. Ang mga bacteria na ito ay maaaring maging banta sa kalusugan ng iyong unborn child.
4. Junk food
Mahalaga ang pagkain ng buntis ng mga healthy at sagana sa nutrients na pagkain. Kailangan ito para sa safe at magandang development ni baby sa kaniyang tiyan. Pagpatak ng second trimester ni mommy, kailangan niyang makakuha ng 350 calories sa isang araw ay 450 calories naman pagsapit ng third trimester niya.
Gaya ng payo ng mga magulang natin noong bata pa tayo, walang sustansiyang hatid ang mga junk food. Ito’y mataas sa calories, sugar at added fats. Bigo nitong punan ang pangangailangan ni baby. Ang mabilis na pagtaba ng buntis ay isa ring dahilan ng komplikasyon at sakit katulad ng gestational diabetes.
Kaya naman mas magandang kumain ng mga pagkain na mayaman sa protina katulad ng gulay, prutas at iba pa.
5. Isda na may mataas na mercury content
May mga benepisyo sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.
Ang partikular na isda na dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackerel o tile fish.
Mga dapat kainin ng buntis
- Whole grains – mayaman sa fiber, vitamin at plant compounds.
- Dairy products – Kailangan ng buntis ang protina at calcium. Ang pagkain ng cheese, yogurt, gatas at iba pa ay makakatulong sa health ni mommy at baby.
- Kamote – Naglalaman din ang kamote ng beta carotene, fiber at Vitamin A na kailangan ni baby sa kaniyang development.
- Eggs – isa sa tinuturing na go to food ang itlog. Ang isang itlog ay naglalaman ng 80 calories at mayroon itong fat, vitamins, minerals na mataas rin sa protina.
- Leafy greens – Ang mga gulay na ito ay naglalaman ng calcium, iron, folate, potassium, fiber, vitamin C, vitamin K, vitamin A.
Tandaan, laging ikonsulta sa doktor ang mga vitamins, supplements at mga pagkain na para sa buntis at bawal sa buntis. Mainam na ang nag-iingat kaysa ang kumplikasyon habang nagbubuntis.
Dagdag na impormasyon mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Gusto mo ba mabuntis? Mag-take ka ng mga vitamins na ito!
- Vitamins para sa bata: Ano ang mga kailangan ng iyong anak?
- Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."